----------
Kay sarap pakinggan sa tainga
Pinagmulan nito'y mapapaisip ka
Kailan nga ba nabuo ang musika?
Kailan ito naging buhay ng iba?
Sumabay na ito sa alon ng buhay
Bawat isa sa'tin ay may tinig ang damdamin
Bakit nga ba ito'y kay hirap mawalay
Sadya bang nakatanim na sa puso't isip natin?
Maaaring sa liriko natin nahahanap
Mga nais sabihin ng pusong mailap
Oh 'di kaya gusto lang nating magpanggap
Na may magpapakalma pa rin sa buhay na kay hirap
Kung minsa'y nagiging karamay ito
Ng nagdadalamhating puso
O kasabay natin ang mga liriko at ritmo
Sa pagsintang nadarama sa taong gusto
------------