Panaghoy ng Pintor

73 4 2
                                    


----------

Sa bawat papel na pinipintahan

Iyong natatanging mukha ang nagiging kalalabasan

Mga ala-ala nati'y sa puso ko ay nanahan

Tila ako ay nais ibalik sa masayang nakaraan


Tuwing nagmumuni-muni sa kalagitnaan ng gabi

Ay napaiisip ng magandang maaaring ipinta

Pinipilit mang makalimot ay 'di maiwasan ng sarili

Ikaw pa rin, ikaw pa rin ang pinipintakasi


Minsa'y nakaraang ipininta mo sa'king isipan ay naiguguhit

Iyong matamis na ngiti, ngayo'y sa kasalukuyan ko'y nagbibigay pait

'Di ko man nais na maiparamdam sa iyo ang lahat ng sakit

Kailangan nating magkalayo, sapagkat mayroon ka ng kapalit


Ngunit ang aking mga salita ay may nakatagong katotohanan

Ipininta lang sa iyong isipan na ako'y mayroong ibang mahal

Nawa'y mahal ko maunawaan mo ang aking dahilan

Panahon ko rito sa mundo ay unti-unti ng bumabagal


Mas naiisin pang sa akin, ikaw ay mapalayo

Hindi nararapat sa iyo na mamasdan ang aking panibugho

Sapat na ang hiram na sandaling ako'y minahal mo

Hanggang sa aking huling hininga sinta, ika'y naipinta na sa aking puso


----------






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon