Paano Ba? (part 2)

90 12 13
                                    

----------

Tayo'y muling nagkatagpo

Umaasa pa ring walang pagbabago

Subalit dahil sating pagkabigo

Ako'y pinalitan diyan sa puso mo

Kung kailan kaya na kitang ipaglaban

Saka ka naman talikurang nang iwan

Dapat pa ba kitang sundan

Ikaw na mismo ang lumisan

Humanap ng tyempo para iyong tugunin

Itong agam-agam at suliranin

Oh sinta maaari bang ulitin

Mga panahong tayo'y masaya pa rin

Gusto kong makakwentuhan kang muli

Masilayan ang tunay mong mga ngiti

Oh di kaya ako'y mapili

Kaya lang Imposible wala ka na saking tabi

Alam ko namang ako pa rin ang sinisinta

Ngunit ayaw mong makasakit, busilak kasi siya

Kaya ang nangyayari ako'y luluha

Dahil sa pagmamahalang hindi na kaya

Minahal mo siya pero ako na ang iyong mahal

Bakit siya pa rin habang tumatagal

Tila oras ngayon ay bumabagal

Wala ng magawa kundi ang magdasal

Ako na lang kasi ang piliin mo

Sayang naman ang pinaglaban noong bata pa tayo

Ating tiniis ng tayo'y magkalayo

Itatapon na lang ba at at iwang bigo?

----------

May part 3 pa ito... Hindi po ito based on true to life, baka kasi may nagiisip ng ganoon.

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon