"Okay, next."
Kinakabahan akong pumunta sa harap habang hawak hawak ang gitara ko. Kitang kita ko ang tingin at bulungan ng mga tao sa gilid ko pero mas nagfocus ako sa mga taong nakatingin sa harap ko. Iba iba ang emosyon na pinapakita nila sakin kaya mas lalo akong kinabahan.
"Introduce yourself, please." una ni Alex. Ang leader at backup vocalist ng bandang Queen of Hearts.
Narito ako ngayon sa audition para makasali sa bandang Queen of Hearts, bilang Vocalist ng group. Last week kasi, nabalitaan ng buong school na umalis na daw yung dating vocalist dahil nag-migrate sa US at kahapon ko nalaman na may audition. Actually, matagal ko ng gustong sumali sa banda dahil member ng banda ang kaibigan kong si Raven. Girl Band ito kaya ang cool sa paningin ko at nakakaattract talaga silang lahat.
Queen of Hearts, a band na puro babae ang kasali, sobrang sikat sa school, even sa labas ng school. Under sila ng School Community and Entertainment Agency. May mga songs na'din silang nare-release at mapapakinggan mo ito sa mga streaming platforms sa buong bansa, gano'n na sila kasikat. Tinitilian talaga ang boys and girls at grabe yung stage presence nila. They composed and produce their own music, and ngayon lang ako nakakita ng mga tao na grabe yung hatak sa kapwa nila tao. Grabe, superb talaga sila. Mga idol talaga.
"I'm Areese Leigh Sebastian, 19, 2nd year from Bachelor of Multimedia Arts." pakilala ko.
Ngumiti naman ang member ng banda sakin kaya kinakabahan padin akong naghihintay ng sasabihin nila.
"So, Reese. Show us what you've got." pagsisimula ni Red.
Huminga muna ako ng malalim at napatingin kay Raven na isa sa judges, nakangiti siya at bumulong ng "goodluck". Ngiti nalang ang ginanti ko at sinimulan ko ng magstrum ng gitara.
Ang kakantahin ko kasi ay isang filipino song called 'Harana by Parokya ni Edgar'. Sana magustuhan nila.
~Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one at sing-along~Kinalmahan ko lang ang panimula dahil kabadong kabado padin ako at pilit kong inaalis sa utak ko na no matter what happened, atleast nagtry ako, kung hindi man palarin, okay lang din atleast part padin ako ng isang organization dito sa school.
~Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo~Habang kumakanta ako, nakatingin ako sa mga judge, nagbabasakaling magustuhan nila ang kanta ko pero seryoso lang muka nila, at hindi ko mabasa, tanging si Raven lang ang nakangiti sakin.
~Di ba parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Di ba't ikaw ang bidang artista
At ako ang 'yong leading man
Sa istoryang nagwawakas
Sa pag-ibig na wagas~Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting haranaBago ko pa sabihin ang huling linya, napatingin ako sa leader ng banda, kay Alex, nakangiti siya sakin kaya biglang nawala ang kaba ko gaya ng sa kanina.
Para sa 'yo~
After ko matapos, pumalakpak naman sila, kaya nag-bow na ako at dali dali ng umalis doon. Nagpunta ako sa dati kong pwesto, which is sa gilid ng room kung saan ako nakaupo sa sahig, pinakalma ko sarili ko bago ako tumingin sa mga judges na naguusap usap about sa isang bagay.
Makalipas ng ilang oras, natapos na ang audition, pero lahat kami at nanatili padin doon dahil ngayon na ilalabas din mismo ang results kung sino ang nakapasok, so lahat kaming nag-audition nasa taas lang ng stage, nakatingin sa mga judges na naguusap usap. Ang seryoso nilang lahat, talagang masasabi mong passionate sila sa ginagawa nila. Hanggang sa napatingin ako sa kanila isa isa.
Ang Leader, electric guitarist at backup vocal ng group, Kristen Alexandra Rizal also known as, Alex, 3rd year from BS in Psychology. Matalino siya, balitang balita sa buong school kung gaano siya kagaling sa debates.
Ang bestfriend ko at keyboardists ng group, si Raven, Raven Danielle Pineda, 2nd year from Bachelor of Multimedia Arts. Same course kami at magkaklase kami, bestfriend ko siya since Elementary up until now kaya kilalang kilala ko siya pero kasi dahil nga sa ganito at kasali siya sa banda, hindi kami nagkikita madalas sa labas at madalas sa school lang kasi ang pagsali sa bandang ito ay stay in talaga sa isang inooccupied na bahay ng managers at handlers nila.
Ang drummer at slash dancer ng group, si Piel Ardobas, masyadong mahaba name niya kaya hindi ko tanda, siya 'din yung pinaka-bunso sa banda kaya medyo spoiled siya, 1st year from BS in Business Administration.
Ang bass guitarist ng group, si Shanaia Allen Lim better known as Shan, 3rd year from BA in Mass Communication. Si Shan 'yung laging tinitilian ng girls kahit babae si Shan, attractive 'din siya sa boys kasi iba talaga ang hatak niya sa stage.
Ang violinist ng group, si Red Mitchell, 3rd year from BS in Computer Engineering. Maganda siya, magandang maganda talaga. Wala na ako masabi sa kanya kasi magaling talaga siya. Sa lahat ng instruments, siya ang panlaban kasi halos lahat alam niya.
"Okay, guys. Here's now the result." Pangunguna ng Leader na si Alex. Lahat naman kami ay napahingap at mas lalong kinabahan dahil sa pagsabi niya.
"First of all, thank you for showing your talents with us and I hope hindi ito yung last na ipapakita niya sa iba yung talents niyo kasi deserve ng buong mundo 'yang talents na meron kayo." sunod ni Piel.
"And we all know that your talents are the best gifts you ever received from god that's why, don't waste it for nothing." sunod naman ni Raven.
"Pero syempre, this is a audition, talagang may makakapasok at hindi makakapasok pero 'gaya nga ng sabi, don't lose hope." sunod naman ni Shan.
"If you didn't get in here, I'm sure there's something else that deserve your talents." sunod naman ni Red.
"So kung hindi 'man ito ang para sa inyo, matuwa tayong lahat kasi the right time will come for the all of you." Alex also said.
Kinakabahan ako na natutuwa because of what they said, kasi nakakaencourage kasi yon at nakakatuwa kasi may pagaalaga padin sila sa bawat isa.
"So, the newest vocalist of Queen of Hearts is......"
Lord please..... Kinakabahan akoooo!! Hindi ko alam kung anong ikikilos kooo! Gusto ko maiyak!
"None other than.... Reese Sebastian!!"
Holy Crap!!!!
YOU ARE READING
In your Heart Again
RomanceIn a heartfelt tale of passion and sacrifice, a young girl's love for music clashes with her father's disapproval. Despite the obstacles, she finds solace in the companionship of a kindred spirit who helps her realize that pursuing her dream is wort...