"Reese, take care of yourself please." Mom assured me before leaving.
"Yes po, ako na po bahala." paninigurado ko.
"I'll go ahead, bye."
Pinagmasdan ko lang maka-alis si Mom hanggang sa mawala na ang kotse sa paningin ko bago ako pumasok ng bahay. Nagtaka naman ako sa ayos ng limang nasa sofa, talagang nakasandal sila at akala mo'y pagod na pagod.
"Anong nangyare sa inyo?" Tanong ko at gumitna para pagmasdan sila.
Unang umangat si Red at tumingin sa'kin. "Grabe! Kinabahan ako kanina kay Tita."
Sumunod si Shan. "Ang lakas ng dating ng Mommy mo, Reese."
Na sinundan ni Alex. "Nakaka-intimidate talaga Mommy mo."
At sumunod si Piel. "Ate, grabe 'yon! Pero ayos naman si Tita."
Napatingin kami kay Raven na natawa after magsalita ni Piel. Naka-ayos na ngayon ang upo niya pero halata mong natatawa sa reaksyon ng apat.
"I didn't expect you to be like this. Don't worry, Tita Lei is good, she's so mabait." Raven assured us.
"Guys, ayos naman ang Mommy ko, tahimik lang talaga 'yon pero okay siya." Sabi ko pa, pinapakalma sila.
"Tahimik nga, parang ikaw." Habol ni Alex, sinamaan ko naman siya ng tingin na kinatawa lang niya.
Matapos ang scene na 'yon at pagka-recover nila dahil kay Mom, nagkanya-kanya na kaming lahat ng gagawin. Halos kasi lahat kami ay may mga naiwang gawain at dahil na'din iba iba kami ng course.
Ako, nagpunta ako ng kwarto para doon gumawa ng gagawin ko. May naiwan kasi akong book report at isang term paper, kailangan ko na itong matapos by this day dahil due na talaga siya.
Si Shan at Piel naman ay lumabas, pupunta atang coffee shop, bukod kasi sa walang gagawin si Shan, si Piel naman ay may group activities at doon nila naisipang gumawa ng mga ka-grupo niya. Mamaya 'din naman ay uuwi na si Shan, sumabay lang kay Piel na pumunta doon.
Si Alex naman ay nasa kwarto niya na, nag-gagawa ng Powerpoint presentation dahil may report daw siya bukas. Mamaya pa siguro ang tapos no'n, mamayang gabi.
Si Raven naman, wala na masyadong gagawin, natapos niya na kasi yung gagawin ko ngayon kaya, ayon, nanonood nalang ng Ci-flix.
Si Red, may defense next week kaya may group study sila ng mga ka-grupo niya sa thesis. Umalis 'din siya.
Ilang sandali pa, habang naggagawa ako ng report, biglang nag-vibrate ang phone ko. Nagtext si Alex.
From: Alex
Guys, don't forget our interview tomorrow. Pinapaalala ng Managers natin. Ty.
Shoot! May interview nga pala kami bukas. Hindi naman siya live interview, like, taping lang sa isang studio na nag-air sa television. Nu'ng unang malaman namin 'to, halos lahat kami ay nagtatatalon at nagsasaya dahil first time naming malo-launch sa TV.
Hindi kami pagpe-perform, sadyang interview lang dahil sa mga content namin through youtube at dahil na'din sa mga fancams ng mga fan na nagva-viral. Kaya na-invite kami sa isang TV station. Bukas na 'yon, around 1pm, after ng mga gagawin namin, deretso na kami doon. Tapping lang, hindi pa namin alam kung kelan ang exact date ng airing sa TV.
Sinabi ko na 'to kay Mom at pinayagan niya ako, pero pinaaalalahanan niya ako about kay Dad kaya bukod sa sayang nararamdaman ko, nando'n din yung takot. Takot na baka malaman niya na ulit at paalisin niya muli ako dito.
Huminga muna ako ng malalim bago ako mag-reply ng 'okay'.
Makalipas ng ilang oras, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising nalang ako sa alarm ng phone ko. Doon ko nalaman na five o'clock in the morning ako nagising. Halos magimbal ang buong katawan ko dahil sa pagbilis ng kilos ko nu'ng nakita ko ang oras. Biglang sumakit ang ulo ko kaya naupo ako sa kama, naupuan ko pa ang guitar kong nasa ibabaw ng kama ko.
YOU ARE READING
In your Heart Again
RomanceIn a heartfelt tale of passion and sacrifice, a young girl's love for music clashes with her father's disapproval. Despite the obstacles, she finds solace in the companionship of a kindred spirit who helps her realize that pursuing her dream is wort...