"Welcome to your new house!!" Raven shouted the moment I step in to their house.
Lumipat na kasi ako sa dorm nila, kung saan nakatira ang lahat ng member, actually parang kahapon lang nu'ng nanalo ako pero dahil rush nga, ngayon na agad ako pinalipat.
"Huwag kang maingay, Raven." sita ko sa kanya pagpasok ng bahay.
Napasimangot naman siya agad kaya tinawanan siya nina Piel at Shan. Nakatayo lang at nakangiti sina Red at Alex sa tabi nila. Sabay sabay kasi nila akong ni-welcome dito kaya medyo kabado pa ako.
"Ito naman, I'm just excited that you are here. Kung matagal ka nang nag-join edi sana you're old na here." barubal niya sa'kin kaya nahiya na naman ako. Knowing Raven, she's conyo.
Matagal na kasi talaga ako pinapasali ni Raven pero ako lang talaga ang ayaw kasi nahihiya akong ipakita ang talent ko sa iba na siya lang ang nakakaalam, nakumbinse niya lang ako nu'ng aksidente akong nakasali sa isang singing contest sa probinsya noon, doon ko lang 'din nilabas na marunong akong kumanta kaya ngayon medyo makapal na naman ang mukha ko para sumali sa ganito.
May organization din kasi ako sa school, part ako ng journalism club at naggagawa ako ng school paper na nilalaban sa Press Conference na ginaganap taunan dito sa school.
I currently studying at BERNARDO LIRIO INTERNATIONAL SCHOOL, also known as BLIS. Exclusive School for the most richest people in the country. May Pre-school, Elementary, High School, Senior Highschool at College. Well, I don't know if I considered myself as one but masasabi kong may kaya naman ang pamilya ko. Wala akong scholarship, buong binabayaran ni Daddy ang tuition ko.
Kaya siguro, may occupied dorm ang bandang ito dahil sa yaman ng school na pinapasukan ko.
Diniretso nila ako sa mismong magiging kwarto ko, tig-iisa pala ang kwarto dito, malaki kasi talaga itong bahay na ito, hanggang 3rd floor talaga at may basement pa, kung saan nandoon ang mga instruments at practice area ng group. 1st floor ay literal na parts lang ng bahay, may kusina, salas tsaka mga kwarto for handlers and managers, pagakyat mo ng 2nd floor, nandon ang mga kwarto for members at sa 3rd floor, nandon naman ang recording area, cinema at play station. Sa basement naman makikita mo ang training room, which is instruments at ang gym.
Second floor, left swing ang kwarto ko, katabi ng kwarto ni Alex at katapat ng kwarto ni Raven. Pagpasok ko palang, kita kita ko na ang ganda at laki nito, may talagang may space for wardrobe at Cr dito. Meron ding study area at king size bed, pwedeng tatluhan o dalawahan ang tutulog. May mini couch pa, may aircon at TV. Ang ganda 'din ng interior at design, too classy at nagmumuka akong sassy dito pero hindi naman ako ganong sassy, tahimik naman ako kahit papano.
"Sorry pala sa interior at design, sa dati kasi na'min yang member, kung gusto mo papalitan natin, sabihin ko nalang sa Manager natin." biglang salita ni Alex, napansin siguro niyang una akong napatingin sa design.
Agad naman akong napailing, "No, it's okay." kahit hindi.
Umiling din siya, "No, it's okay. Sasabihin ko, baka bukas may dadating ng designer para ayusin yan."
"No need sa designer, si Reese na mismo ang bahala dyan at nasa department naman 'yan ng Arts." Pigil ni Raven at kumindat pa sa'kin.
Tuloy tuloy namang pumasok ang mga ka-member ko, dala dala nila ang maleta ko.
"Tulungan ka na na'min dito, Ate." prisinta ni Piel.
"Kaya ko naman kung sakali." tanggi ko.
"We insist, para naman may magawa kami, nakakatamad na dito ng walang ginagawa." Shan insisted.
Wala na akong nagawa dahil binuksan na nila ang gamit ko at inayos sa closet, inintindi ko nalang yung iba ko pang dala at nilagyan kung sana ko gusto.
Gabi na ng matapos kami, kaya sabay sabay na kaming nag-hapunan dito dahil nagluto si Raven.
"Welcome ulit, Reese." Sabi naman ni Red kaya ngumiti nalang ako.
Nang matapos kaming kumain, nagprisinta akong maghugas pero sinabi nina Piel at Shan na sila ang toka sa hugasin kaya hindi na ako umalma. Naglibot nalang ako sa buong bahay at dinala ako ng paa ko sa basement, dumeretso ako sa nakaawang na pinto at pagdungaw ko, nakita ko don si Alex, nag-strum ng gitara, magisa.
Nung nakita naman niya ako at tumigil siya kaya nagulat at naguilty ako.
"Uh, I'm sorry, I didn't mean to interrupt you." Sabi ko. Ngumiti lang siya at inanyayahan akong pumasok kaya naupo ako sa upuang katapat niya.
"No need. Wala din kasi akong magawa." Sabi niya kaya ngumiti nalang ako. Until now, I don't know how to act around them. Nahihiya pa ako.
"Bukas, magsisimula na ang tunay nating rehearsals, magiging active ka naman, diba?" tanong niya, tumango ako.
"Yes, I don't want to disappoint all of you." sagot ko at natawa naman siya.
"You don't need to be active everyday, everyday and everything is very tiring, it's okay to express you're feelings."
"No, it's okay. I can handle myself."
Tumango naman siya at naglakad na paalis, pero tumigil siya sa tapat ng pinto. "Iwan muna kita dyan, kung gusto mo magstrum ka nalang 'din."
"Okay lang, sige." Sabi ko at kumaway.
"And.."
"Hmm?" napatingin naman ako sa kanya.
"Hindi mo kailangang sarilihin ang nararamdaman mo, nandito kami para pakinggan ka, si Raven, sila Piel, ako, nandito kami. Gan'yan ko patakbuhin ang group, ang Queen of Hearts."
Napatitig naman ako sa pinto kung saan siya nakapwesto kanina. She hits me. Maybe, someday.
Magiging maayos naman siguro ako dito. Sana. Kaya ko sarili ko.
"Reese?"
"Raven,"
Nilapitan niya ako, "What are you doing here?, tara na sa taas. May meeting daw sabi ng manager bago matulog."
Tumayo naman ako at sumama sa kanya paakyat. Nagtipon kami sa dining area kasama yung mga handlers at managers, maguusap ata.
"Okay, hindi ko na papatagalin. Tinipon ko kayo dahil may announcement galing sa Dean of Studies. Alam niyo namang may Battle of the Bands na mangyayari next month sa labas ng school." Panimula ng Manager.
Sumang-ayon naman kami. Battle of the Bands, sa pagbubukas ng taon? Weird.
"At gusto ng Dean ay sumali kayo dahil may prize ang mananalo."
"Ano pong prize?" Tanong ni Red. Lahat kasi kami curious.
Nagkatinginan ang mga handlers at managers bago sabihin.
"Wala pa akong masyadong alam, but I think money ang prizes.." Nakangiting sagot ng Managers.
Nagkagulatan kami. "Money?!"
"Yes, I think."
Woah!!!
YOU ARE READING
In your Heart Again
RomanceIn a heartfelt tale of passion and sacrifice, a young girl's love for music clashes with her father's disapproval. Despite the obstacles, she finds solace in the companionship of a kindred spirit who helps her realize that pursuing her dream is wort...