CHAPTER 8: KEEP

19 1 0
                                    

"Masama ang mag-isa, sama aware ka?"

Gulat akong napatingin sa nagsalita. "Alexis?"

Tiningnan niya ako bago siya umupo sa katabi kong swing. "What's wrong?"

Umiwas ako. Anong sasabihin ko? Na ayaw ni Dad sa band kaya pinaaalis ako?

"Family lang." mahinang sagot ko. Hindi pa'din makatingin.

"Family problem is the most difficult one, hope you feel better." saad niya pa, napalingon tuloy ako sa kanya, nakita ko siyang nakatingin sa'kin at umiwas din ng tumingin ako sa kanya.

"Yeah, difficult one." bulong ko.

Difficult? Si Dad lang naman ang nagpapahirap, wala namang problema kung hindi siya lagi tutol sa mga ginagawa ko.

I tried to be a better daughter but he always makes me feel not one. Lagi siyang nakakahanap ng butas sa lahat ng ginagawa ko. Kailangan ko pa bang isisik ang sarili ko?

Yes, ginawa ko 'yon. Ginawa kong isiksik ang sarili ko para naman magkaroon siya ng tiwala pero siya 'tong umiiwas at laging naghahanap ng mali.

Hanggang sa napagod ako, dahil sa pagod na nararamdaman ko, nagawa ko siyang suwayin and turns out, ako na naman ang mali, disappointed na naman sa'kin. No new.

Ako ang nagiisang anak pero mas pinagkakatiwalaan pa ni Dad si Kuya Gio, na pinsan ko. Kuya Gio is the best among the rest, 'yan lagi ang sinasabi ni Dad sakin, not knowing na nasasaktan niya na ang sarili niyang anak pero wala siyang paki.

"You want ice cream?" pagiiba ni Alexis, nakangiti na.

Tumango akong natawa dahil sa sinabi niya. "Yeah, I would love to."

Niyaya niya ako sa malapit na convenient store sa park at bumili kaming ice cream. Naupo kami sa table na nasa labas ng convenient store, at kumain ng ice cream.

"Alam mo bang ice cream ang comfort food ko kapag may problema ako?" pagkukwento ni Alexis, umiling naman ako. Syempre, hindi ko alam 'yon eh.

"Really? Ako din," tugon ko. Gustong gusto ko ng ice cream.

Medyo nailang ako dahil nakatigtig lang siya sa'kin, naconscious tuloy ako sa mukha ko, may dumi ba? Bakit ganyan ka makatingin?

"What?" Patay malisya kong tanong.

Umiling siya tsaka tinuon ang tingin sa ice cream. "Pugtong pugto padin ang mata mo."

Hinawakan ko naman ang baba ng mata ko para kapain at tama nga, pugto pa'din. Ramdam ko naman dahil hindi ko masyado mamulat ang mata ko, kakaiyak na naman.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkukwentuhan ni Alexis ng kung ano ano hanggang sa napunta kami sa banda.

"Kilala ko na sila, highschool palang, grupo na sila simula noon at napursue lang nitong college." kwento niya, nakataas pa ang kutsara sa ere.

"Talaga? Kaya pala," napansin ko kasing super close nilang lahat at grabe yung samahan nila.

Tumango ito. "Yep, sila sila na talaga noon hanggang sa sumali si Raven nitong College kaya nagkaroon ng keyboardist pero the rest, noong highschool pa."

"Pati ba yung vocalist nila noon?" maingat na tanong ko. Nakakahiya kasing ungkatin yung sa vocalist kasi parang walang gustong pag-usapan.

"Ah, oo. Kasama nila yon, kasama siyang binuo at sumikat pero umalis siya dahil hindi niya na kaya." sagot ni Alexis at pilit na ngumiti.

"May I know why?"

"Si Klayton Blaire Milina, nag-migrate na siya sa US last month, iniwan niya yung mga ka-member niya at umalis siya dahil nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sila ni Alex. Mabait si Blaire, kaugali niya si Red pero dahil tagilid ang gusto niyang mangyare, hindi siya sinang-ayunan ng mga kagrupo niya noon kaya nagalit siya at umalis na sakto pang aalis na ang parents niya kaya siya sumama." may alinlangan na kwento ni Alexis.

"At iniwan niya sila?"

"Oo, gusto kasi ni Blaire na umangat agad siya, hindi niya na sinusunod ang gusto ni Alex, since si Alex ang Leader. Gusto niya na ng sariling spotlight which is hindi pumayag si Alex, bakit daw gusto niya ng magisa, samantalang group naman daw sila. Doon, nagkaaway silang dalawa hanggang sa may nasabi si Blaire na kinagalit ng husto ni Alex. Blaire was Alex bestfriend, kaya ganon nalang kasakit kay Alex ang sinabi na iyon ni Blaire." pagpapatuloy niya.

Nagulat naman ako sa nalaman ko, kaya pala iwas na iwas ang lahat sa topic na iyon dahil nagmula pala ang away kina Blaire at Alex.

"Alex is so understanding when it comes to her members, hindi lang niya talaga maintindihan why Blaire is so eager to have a bigger spotlight."

"Bakit nga pala?" tanong ko, nagkibit balikat si Alexis.

"We don't know, hanggang ngayon matinding palaisipan pa'din samin ito." sagot ni Alexis.

"Kasama kaba nina Alex since highschool at alam mo ang lahat ng ito?" Tanong ko, naiintriga din ako bakit alam ni Alexis lahat.

Tumango ito. "Yes, kasama nila ako, dati nila akong member, keyboardist, pinalitan ako ni Raven, umalis ako kasi nag-iba ako ng school nung college."

"Dati kang member nila?" Gulat na gulat na tanong ko.

Natawa naman siya at tumango. "Yes, and Blaire is my cousin."

"What?!"

"Yes,"

"So, you still have communication with Blaire?"

"Noon, meron pero ngayon, wala na. Ang balita ko nalang ay nasa isang agency si Blaire sa US na naghahandle ng mga model. Blaire is a model here and pinursue na 'yon ngayon sa US." kibit balikat na sagot niya.

"Wow, I didn't believe it."

"Me neither." balik niya sa'kin.

"Buti hindi galit sayo sina Alex since pinsan mo si Blaire." I was just stating the facts.

"No, ako ang unang pumigil kay Blaire na gawin ang bagay na 'yon kaya pati sa'kin ay galit siya." sagot niya.

"Maybe, she just want more recognition."

"More attention." pagtatama ni Alexis.

"Yeah, more attention."

Hindi nalang nagsalita si Alexis, umiwas nalang.

Makalipas ng ilang oras ay nagpaalam na din ako kay Alexis at nagpasalamat sa ginawa niya. Ayaw pa nga niya akong paalisin pero nag-insist na ako dahil kailangan ko ng bumalik sa dorm.

Hininto ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay na tinutuluyan naming members. Sinilip ko ang bahay at halata mong gising pa ang mga tao dahil bukas na bukas pa ang ilaw mula sa loob.

Napatingin naman ako sa oras mula sa relo ko, pasadong 9pm na ng gabi at hindi pa'din sila tulog, siguro hinihintay nila ako.

Ayokong pumasok sa loob, hindi ko alam sasabihin ko, pero isa lang ang alam ko, hinding hindi ako aalis sa group na ito. I'll keep them hanggang sa makakaya ko.

Huminga ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan at pumasok sa gate. Dahan dahan kong binuksan ang pinto dahil sarado na lahat ng ilaw sa first floor at mga ilaw nalang sa 2nd floor ang bukas.

Dahan dahan akong pumasok sa loob at nilock na ito.

"Bakit ngayon kalang?"

Napahinghap naman ako sa biglang may nagsalita. Pagharap ko, kitang kita ko si Alex na nakaupo sa couch habang may hawak na gatas sa kamay na deretsong nakatingin sa'kin.



Shit.

In your Heart Again Where stories live. Discover now