"What the?!"Halos hingal na hingal akong nakapasok sa loob ng practice room dahil sa nangyare. Pinaupo agad ako ni Court sa upuan at kinuhanan niya agad ako ng tubig.
Lumapit naman samin sina Red na takang taka sa nangyare sa'min.
"What happened?" Shan asked, confusing.
"Pinagkaguluhan si Reese sa baba kanina, grabe ang mga estudyante." sagot sa kanya ni Clint.
Nang dahil sa sinabi ni Clint, lalo akong nilapitan nina Shan. Inaalo ako ni Piel sa likod, inabutan naman ako ng pamunas ni Red.
"Wala kang kasama?" alalang tanong ni Raven.
"Wala," sagot ko, hinihingal pa. "Hindi ko alam na gano'n ang mangyayare."
"I knew it." biglang sabat ni Alex at umalis sa harap ko dahil may tinawagan siya.
Pinagpatuloy ko ang pagpapahinga dito at hindi na pinansin ang isa sa kanila. Maya maya konti biglang dumating ang isang lalaking hindi namin kilala, kinausap nito si Alex at sinabi ang nangyare sa'kin.
"Ms. Sebastian, we're sorry about what happened." panimula ng lalaki. "We ensure that this is not gonna happen again." dagdag niya pa.
"Okay lang po," paninigurado ko. "Hindi naman po ako nasaktan."
Yumuko naman ang lalaki sa'kin. "We're deeply sorry, the incident is already reported to the Dean, so let's wait what's she'll gonna do."
Ngiti nalang ang sinagot ko doon, nagpaalam na naman siya tsaka umalis. Hindi na din natuloy ang practice na supposed to be meron pagkarating ko dahil sa nangyare.
"Uh, maiwan muna namin kayo," paalam nina Clint at sabay silang lumabas ni Jake.
Naiwan kaming grupo dito kasama si Court na kanina pang tahimik sa tabi ko. Hindi na din kasi ako umimik kaya nanahimik na din siya.
"You okay?" biglang tanong niya, kinakabahan.
"I'm honestly not, but it's okay." I ensure him.
Hindi talaga okay sa'kin ang ganitong bagay lalo na't hindi ako sanay. Madaming pumapasok sa isip ko ngayon.
What if lumabas ako tapos gano'n padin ang mga tao?
What if madamay lahat ng members ko?
What if malaman ng parents ko?
Nakaka-frustrate pero need kong maging matatag.
"Hindi kaba nila sinaktan?" tanong niya ulit, inusuri ang katawan ko.
Umiling ako. "May mga humigit sa'kin pero wala namang masakit."
"Reese, buti wala kang scratches sa katawan," suri din ni Shan sa'kin.
"Luckily."
"Grabe pala talaga 'no. Nag-viral lang 'yong video gano'n na sila mag-react, mga tao nga naman." bulalas ni Piel sa harap ko.
Yeah. 'Yan din nasa isip ko, those people who react exaggerated is insane.
Napaangat tuloy ang tingin ko nang biglang tumayo si Court. "Stay here, I have something to do."
Hindi na ako nakasagot dahil umalis na siya agad. Nagkibit balikat nalang ako at nahiga nalang tsaka pumikit.
"Pasalamat pa'din tayo at nandyan si Kuya Warren para maligtas si Ate Reese, kung hindi." rinig kong sabi naman ni Piel habang nakapikit ako.
Hindi ko naman namalayan ang sarili ko na nakatulog sa gano'ng posisyon. Nagising nalang ako, wala ng tao sa room na 'to. Hinahanap ko naman sila sa labas, kaso wala din sila sa buong hallway.
YOU ARE READING
In your Heart Again
RomanceIn a heartfelt tale of passion and sacrifice, a young girl's love for music clashes with her father's disapproval. Despite the obstacles, she finds solace in the companionship of a kindred spirit who helps her realize that pursuing her dream is wort...