CHAPTER 34: TOUCHDOWN

16 0 0
                                    

"Reese, you can't go home. Sobrang dami pa nating gagawin dito." Ate Jody, insisted.

Ate Jody is one of our Managers, hindi niya ako pina-pauwi, dahil madami pa nga kaming gagawin dito.

"Ate Jody, Manang needs me, I can't stand being here knowing that she's in the hospital." pagmamakaawa ko, nakaupo ako ngayon dito aa kama ko, naka-ready na lahat ng mga gamit ko, aalis nalang talaga ako pero pinigilan ako ni Ate Jody.

Ate Jody breathes heavily. "What about your events here?"

Tumayo ako. "Ate Jody, my members can take care of it while I'm away. I trust them."

"Fine," suko ni Ate Jody. "But, ihahatid ka namin sa airport. Ipapasundo ka nalang na'min once makarating ka."

Tumango nalang ako. Kinuha ko na ang mga gamit ko at tuluyan na akong lumabas ng room ko. Nakita ko naman sa hallway sina Alex at Raven na naghihintay, napa-ayos naman sila ng tayo ng makita nila ako.

"Ingat, send our message to Manang." Raven hugged me.

"Kami na bahala dito. Babalik na naman kami after ng gagawin, bibisita kami kay Manang sa hospital pagkarating namin." paalala naman ni Alex, yumakap 'din.

"Thanks, mauuna na ako." paalam ko at tuluyan ng umalis.

Pagkarating ko naman sa airport ay agad akong bumaba sa Van, deretso akong pumasok sa loob ng nakayuko. May shades naman ako at mask pero need 'din na mag-doble ingat dahil masyadong malakas ang reflexes ng nga paparazzi.

Pagpasok ko ng Airport, tinanggal ko ang mask ko at sinuot ko nalang ang cap ko. Naupo ako sa waiting area para maghintay ng flight pauwi ng Pilipinas. Hindi naman ako nakaligtas sa mga taong nakakakilala sa'kin. Ngiti at kaway ang ginawa ko sa kanila, may ibang kumuha ng videos at pictures sa'kin kaya hindi ko nalang pinansin.

Naging maayos naman ako sa dalawang oras magpaghihintay dahil may guard naman umalalay sa'kin. Naging uncomfortable lang dahil sa guard na malalaki, kitang kita sila kaya nakikilala ako ng mga tao dito. Masyadong agawa atensyon.

Kaway at ngiti ang ginawa ko kahit papasok ng airplane, nakampante lang ako nang makapasok na ako sa loob. Naupo ako sa seat ko, natawa pa nga ako noon, sa pagiging ngatal ko, na-booked ko ang Business Class, napamahal pa tuloy ako.

Ilang minuto pa ay lumipad na ang airplane. Natulog lang ako pagkakalipad, pagod at antok talaga ang nararamdaman ko. Halo halo ang utak ko, kaba, takot at pagaalala. Nagising lang ako dahil sa Flight Attendant na nagbigay ng food ko.

Tiningnan ko naman ang food ko at luckily, Filipino food ito, kaso nagtaka ako at walang utensils kaya pinindot ko ang flight attendant call button sa tabi ko, pantawag ng crew.

"Excuse me, Ma'am. What can I do for you—"

Napatigil naman ang Flight Attendant sa pagsasalita nang humarap ako sa kanya, maging ako'y napatunganga nang makita ko mukha niya.

Tagal ko siyang hindi nakita.

"Reese?" Hindi makapaniwalang tawag sa'kin ng Flight Attendant.

Ngumiti ako sa kanya. "Clint."

Napahawak naman siya sa bibig niya dahil sa gulat. "Ikaw nga 'yan! Kamusta?"

"Ayos naman, ikaw? Flight Attendant ka na, congratulations." masayang bati ko.

Ngumiti siya. Gano'n na gano'n pa'din ang pag-ngiti niya. "Ayos naman. Wow, I didn't expect na makikita kita dito."

"Yeah,"

"Anyway, what's your problem? Sa pagkain ba?" Nag-iba ang mukha niya nang magtanong siya about sa food ko.

Umiling naman ako. "Uh, no. Wala lang akong utensils, kaya ako tumawag."

In your Heart Again Where stories live. Discover now