CHAPTER 7: LIFE

22 1 0
                                    

Lumipas ang mga ilang araw, patuloy pa'din kaming nagpapractice sa bahay o kahit sa school dahil nalalapit na ang Battle of the Bands.

Mas humigpit ang mga Managers namin when it comes sa mga gala ng magisa dahil masyadong sikat ang group na sinalihan ko.

After ng gig namin sa resto bar nung nakaraang linggo, nagising akong trending ako sa buong school pati na'din sa Dashwood University. Halos lahat kilala na ako, binabati ako at nagpapapicture.

Hiyang hiya ang buong katawan ko pero kailangan kong masanay sa ginagawa ko dahil mahal ko ito.

Sa kabila ng pagiging trending ko, nalaman 'to ng parents ko at pinapunta ako sa bahay namin para kausapin ako, ewan ko, tungkol ata dito.

Kaya ngayon, kinakabahan akong nakatayo ngayon sa labas ng gate ng bahay namin, nanginginig pa akong nag-doorbell. Mga ilang minuto pa ay biglang bumukas ito at bumungad sakin si Manang Ina, nagulat ito nang makita ako at ng makarecover siya, niyakap naman niya ako ng mahigpit.

Niyakap ko pabalik si Manang at ako na din mismo ang humiwalay sa yakap. Tiningnan ko siya at nakita ko ang namuong luha sa mata ni Manang.

"Don't cry. I'm here now." sabi ko at pinunasan ang mga gilid ng mata ni Manang.

Manang is the one who raised me, dahil sa sobrang busy ng parents mo sa trabaho. Siya ang tunay na may kilala sakin, kung anong gusto ko, ayaw ko at kinatatakutan ko. She know me too well and it hurts me nung kailangan kong umalis para magaral ng college. Iniwan ko siya mag-isa sa bahay na ito, sa bahay na wala namang buhay para sa'kin. Manang is so damn loyal to my parents  and she really obeyed them for a decades now.

"Lalo kang gumagandang bata ka," puri ni Manang, natawa naman ako.

"Thank you po." sagot ko at tumingin sa bahay. "Saan po pala sina Dad?"

Naglakad kami papasok ng bahay. "Nasa office siya, kanina kapa hinihintay."

"Si Mom po?"

"Kasama siya."

Ngumiti nalang ako at nagpaalam na papuntang office ni Dad, kinakabahan pa akong naglalakad dahil hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko. Natatakot ako.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok at pinihit ang doorknob. Nang sumilip ako, bulto agad ni Daddy ang nakita ko, nakaupo siya sa swivel chair habang kausap si Mom na nakaupo sa upuan na katabi ng table ni Dad.

"Dad," tawag ko ng pansin nila. Napatingin naman sila sa'kin.

Pumasok ako ng tuluyan, niyakap naman ako ni Mommy ng mahigpit at ginantihan ko naman ito.

"Take a seat, Areese Leigh." awtoridad na utos ni Dad. Hinigit ako ni Mom sa upuan na katapat na inupuan niya kanina.

Hindi ako nagsalita, natatakot ako na kinakabahan. Nanginginig ang mga kamay ko at para bang gustong tumakbo ng mga paa ko.

"So, how have you been?" seryosong tanong ni Dad. Napa-angat naman ako ng tingin, nakita ko si Mom na tumango sa'kin.

"It's good, ayos naman po." sagot ko, kinakabahan pa'din.

Hindi nagsalita si Dad after no'n, may kinakalikot siya sa phone niya at humarap sa'kin nang mahanap yon. Binaba ni Dad ang phone niya at tinapat sa'kin, tumingin ako dito at nakita ko ang nag-trending na article about sa group namin. Nasa thumbnail ako kaya identified agad na ako 'yon.

"What is the meaning this?" mahinahon ngunit nakakatakot na tanong ni Daddy.

Napapikit naman ako bago sumagot. "I am a part of a band called Queen of Hearts."

In your Heart Again Where stories live. Discover now