"Reese, abot mo nga 'yang gitara sa tabi mo." Pasuyo ni Raven na siyang ko namang inabot. Nandito lang kami sa bahay kasi weekend at walang practice or klase.
Nakaupo lang tuloy kami sa couch habang may kanya kanyang ginagawa. Si Red, nakatutok sa phone, si Shan at Piel, nagtatawanan dahil sa mga photo album na tinitingnan nila, si Raven, nagsstrum ng guitar, si Alex? Tulog, sa tabi ko, habang ako, nakatingin lang sa mga ginagawa nila.
Nagulat nalang ako nang biglang humagalpak si Piel ng tawa kaya napatingin kami sa kanya, napatigil din si Raven sa ginagawa niya, pati natin si Red.
"Hey, anong tinatawa mo?" Tanong ni Raven. Mas tumawa naman si Piel na sinundan ni Shan at pinakita samin kung anong tinatawa nila. Inabot ko naman iyon dahil ako ang mas malapit sa dalawa at tiningnan ko pinagtatawanan nila.
Picture ni Alex na naka-ugly face habang naka-peace sign, hindi halatang napilitan siya kasi ang natural ng mukha niya. Natawa tuloy ako kaya hinablot ni Raven sa'kin yung album at natawa 'din sila ni Red nang makita nila, magkatabi kasi sila.
Napatahimik lang lahat ng biglang nagising si Alex, walang umaktong nagtatawanan at sabay sabay na nag-iwas ng tingin, naguluhan naman si Alex kaya patanong na tumingin sa'kin.
Nagkibit balikat ako. "Malay ko," tsaka tumayo at umakyat sa taas para maligo.
Aalis nga pala ako, mag-isa. Gawain ko kada weekend nung nasa dorm pa ako ay ang umalis at pumunta ng mall, arcade to be exact.
Makalipas ng ilang minuto, naka-pang-alis akong bumaba kaya nagtaka sila kung saan ako pupunta.
"Where are you going?" Tanong ni Red, nakaturo sa sling bag na dala ko.
Sa halip na ako ang sumagot, inunahan ako ni Raven. "Dating gawi, sa mall."
Tumawa nalang ako at nagpaalam na. Nang nasa tapat na ako ng kotse ko, naririnig ko pa silang nagmamaktol, na kesyo hindi daw ako nagaaya, natawa nalang ako at umalis na.
Sa ilang linggo ko palang na nilagi doon sa bahay na iyon, alam ko na ang mga ugali nilang lahat at kung paano sila papaamuhin, close ko na lahat at napaka-natural nalang nila sa'kin.
Nang makarating akong mall, agad akong nagtungo sa una ko laging pinupuntahan, ang book store, gaya ng nakagawian, nagtingin tingin ako ng mga bagong libro na sale at mga best saler. Nagulat pa ako ng mga bago na ang mga nandon, ibig sabihin, nabili na lahat ng libro g nandon nung last punta ko. Wow. Well, hindi kasi ako nakapunta dito last week dahil naging busy simula nung naging part ako ng banda.
Napatigil naman ako sa isang book section nang mapukaw ng tingin ko ang isang libro. Ang ganda naman nito.
'In your Heart Again'
Cute, gusto ko 'to kaya kinuha ko na ang binayaran agad sa counter. After ko mabili, lumabas agad ako at nagtungo na sa clothing store. Namili ako ng bagong shirts, pants at kahit anong matripan, binili ko naman lahat pero pinaiwan ko 'don dahil babalik pa naman ako. Sinunod kong puntahan ang favorite kong restaurant, since I love French Cuisine, dito ako kumain sa 'Tai French Restaurant ' favorite ko dito at inorder ko na ang favorite kong dish.
After ko kumain, dumeretso agad ako sa lugar kung saan ko pinapababa ang aking mga kinain, sa Tom's World. Nahihiyahan talaga ako dito kada pumupunta ako, ewan ko, comfort zone ko ata ang lugar na ito.
Una kong nilaro ang claw machine, nung una ko pang try ay hindi ko nakuha hanggang sa nag-try ako ng nag-try ay nakakuha ako ng isang bear, mini bear. Sunod sunod na akong naglaro sa mga arcade games at nananalo naman ako, just like always, husler ata ako dito, ah. Hanggang sa napunta ako sa basketball games, tinap ko ang card ko at nagstart na maglaro, dito ako hindi magaling, sa shooting, I didn't even know how to play basketball but it's fun. Natapos akong tatlo lang ang nashoot, nakakainis naman.
"Hindi gan'yan,"
Napalingon naman ako sa gilid ko nang biglang magsalita yung lalaking naglalaro din gaya ko. Taka ko siyang tiningnan, hindi ko nga alam kung ako ba yung sinasabihan niya dahil hindi naman siya sakin nakatingin, nakafocus padin ang mata niya sa ring habang nagsho-shoot siya.
"Excuse me?" patanong ko, kinaklaro ko lang if ako ba yon at nasigurado ko namang ako yon ng bigla siyang tumigil kakashoot at tumingin sa'kin pero may hawak siyang bola.
Mas naging clear naman ang itsura niya sakin. Matangkad siya, parang mga 6'2 or 6'3, maputi at kitang kita ito kahit nakasuot siya ng sweater, makapal ang kilay, yung pilik mata niya parang in born dahil ang haba, yung ilong niya matangos, yung mga mata niya may pagsingkit, tas reddish ang lips niya at maayos siya tumindig, in short, gwapo.
"Sabi ko, hindi gan'yan." Ulit niya.
Mas pinaningkitan ko siya ng tingin. "What do you mean na hindi gan'yan?"
Hindi siya nagsalita sa halip hinigit niya nalang ako at pinapwesto sa basketball machine na nilalaruan niya, nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako nang bigla niyang tinaas ang mga kamay ko sa ere at inabot sa'kin ang bola na hawak niya, hindi padon tapos, habang hawak ko ang bola sa ere, hawak naman niya ang kamay ko habang nasa likuran ko siya.
Hindi ko alam mararamdaman ko sa point na 'to, kinabahan ako na hindi ko maintindihan, and this is the first na may lumapit sa'kin na lalaki na ganito kalapit.
"Iangat mo lang ang ganito kataas ang kamay mo then i-face mo sa tapat ng ring yung bola then asintahin mo." paliwanag niya, hindi naman ako makasalita dahil kinakabahan ako at hindi ko alam gagawin ko, ang lapit niya, yung ulo ko, hindi man lang tumama sa baba niya. Matangkad naman ako, 5'8 pero hindi pa'din abot sa baba niya dahil sa tangkad niya.
"Steady mo lang then shoot." Mahinahong utos niya na sinunod ko naman at nagulat ako nang magshoot ito. "See, I told you. Ganoon lang kasi." Dagdag niya ng makita ang ginawa ko.
Hindi na ako nagreact pa at lumayo na sa kanya pero sa totoo lang, gusto ko magsaya dahil nagawa ko yon kahit isang beses palang.
"Uh, thank you." Casual na sabi ko.
"No need, next time na pupunta ka dito, ganon lang ang gawin mo, isipin mo yon." Sabi niya pa at aalis na sana nang bigla siyang tumigil at humarap sakin, bahagya niya pang tinaas ang kamay niya at nakaturo sa'kin.
"What's your name?" tanong niya, habang nakakunot ang noo.
Naghesitate pa akong sabihin pero sinabi ko pa'din. "Reese."
Ngumiti naman yung lalaki, "Warren."
Tumango nalang ako at nag-thank you ulit tsaka tumalikod at maglalaro ulit sana kaso biglang nagsalita yung Warren sa likod ko.
"It was nice meeting you." sabi niya na nagpalingon ulit sa'kin sa kanya pero umalis na siya nu'ng saktong paglingon ko.
Palihim naman akong napangiti. Yeah, it was nice meeting you, too.
YOU ARE READING
In your Heart Again
RomanceIn a heartfelt tale of passion and sacrifice, a young girl's love for music clashes with her father's disapproval. Despite the obstacles, she finds solace in the companionship of a kindred spirit who helps her realize that pursuing her dream is wort...