CHAPTER 14: UNFAMILIAR CAMPUS

15 0 0
                                    


"This going to be your practice room,"

Napatingin naman kami sa room na na-aasign samin dito. Nandito kasi kami sa Dashwood University para sa prior practice na gagawin namin. We will be here in the next two days. Day one ngayon at nag-mini tour kami sa campus nila na hindi talaga pamilyar sakin.

Nang matapos ang mini tour, but not technically in the whole campus, pinutahan namin last, ang aming practice room.

Gaya ng sa BLIS, maayos at maganda ang practice room ng Dashwood, halata talagang mayaman din ang may ari dahil sa ganda ng interior at sa ganda din ng instruments.

"You can come in," sabi samin ni Jake, isa siya sa nag-tour samin. Halata mo pang kinilig siya ng nginitian namin siya isa isa.

Pagpasok namin, naupo agad ako sa couch na katapat ng mini stage kung saan nandoon ang mga instruments. Doon kasi dumeretso sina Raven, kitang kita ko kung paano nila i-adjust ang nga instruments nila sa proper kung paano nila ito tugtugin.

Nagulat nalang ang lahat ng bigla silang sabayang tumugtog na parang practice na pero nag-testing lang 'yang mga 'yan.

Hanggang ngayon, hindi padin maalis ang mangha ko sa group na ito, hanggang ngayon, pinapahanga pa'din nila ako.

"Sorry, were just testing it out." Paghingi ng pasensya ni Alex sa mga nakangangang representatives ng Dashwood.

"H--hindi, okay lang! Ang galing niyo nga eh!" Nakangiting puri ni Clint, may paghampas pa kay Jake.

Tumawa nalang sina Alex dahil sa inakto nina Clint. Naupo sa tabi ko si Red habang nagpupunas ng pawis gamit ang panyo niya.

"Is there someone you're looking for?"

Nagitla naman ako nang biglang magtanong si Red sakin, natawa pa sa reaksyon ko.

Halata bang may hinahanap ako?

Fine, yes. Hinahanap ko siya.

Hindi ko kasi siya makita simula nung pumasok kami dito at nag-mini tour. Akala ko sa mini tour na ginawa, makikita ko siya sa campus pero hindi. Hindi ko naman matanong kina Clint kung nasaan dahil baka iba ang isipin, ayaw ko naman no'n. Pero, nasaan ba siya? Bakit ba wala siya nung nag-welcome ang Dashwood?

"Uh, wala." sagot ko.

Narinig kong natawa si Red at nagkibit balikat nalang.

Really? Pati ikaw, Red?

Nawindang kaming lahat ng nasa room ng biglang may magsigawan sa hallway. Hindi namin alam kung sino 'yon pero nagulat ako nang makita ko si Xai na pumasok ng room, nanatili ang mga tao sa labas noong pumasok si Xai. Really? Xai is famous?

"Alexandra!!" sigaw ni Xai at tuwang tuwang tumakbo papalapit kay Alex.

Narinig ko ang pagsinghap ni Alex nang dambahan siya ni Xai ng yakap. Inalog alog pa siya at sayang saya.

Sunod na niyakap ni Xai si Raven, pinuri pa ni Xai si Raven, mganda daw. Hanggang sa niyakap niya na lahat. Huli niya akong niyakap.

"Hi, Reese!" Tuwang tuwa bati niya at niyakap ako.

Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. I still don't know how to react around her. She's gorgeous.

"Akala ko pa naman hindi mo alam na nandito kami." maktol ni Shan kay Xai.

Hinampas naman ni Xai si Shan. "Duh, Shanaia, Really? Ako? Hindi ko malalaman? Asa."

"Aba! Malay namin, wala ka kanina nung nag-welcome sila." Turo ni Piel kina Jake na nakatayo lang sa gilid kasama ang ibang representatives, nanonood samin.

"May klase kasi ako kanina kaya hindi ko kayo na-welcome!" Sagot ni Xai at nagulat ako ng inangkla niya sa'kin ang kamay niya.

"Really, Xai Kyla? Fan of yours?" Tanong ni Alex at tinuro ang mga taong nasa labas.

Napatingin naman kaming lahat doon at dahil doon, napuno ng hiyawan ang buong room. Narindi pa nga kami kaya kumaway nalang kami sa kanila. Naririnig pa namin silang sumigaw ng 'papicture'.

Halos kanina, lahat ng pa-picture samin kaya ngalay na ngalay ang mga panga ko kakangiti. Medyo walang nakalapit dahil napuno ng mga intern soldiers NSTP volunteers ang security samin.

Nawala nalang ang mga tao sa pinto nang pagbawalan na sila ng mga representatives doon. Natuloy ang kwentuhan nila kay Xai pero ako, tahimik pa'din hanggang ngayon.

Naupo na sina Xai sa couch, habang ako, nasa sulok ng couch, nagtitipa ng cellphone. Hindi ko masyadong close si Xai para makipagdaldalan sa kanya.

Napalingon nalang kami sa pinto ng may narinig kaming hinihingal na tao. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino 'yon. Nilapitan niya sina Jake at Clint nang makarating siya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ayan na ang hinahanap mo," rinig kong bulong ni Red sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin. Lakas!

"Hindi ko siya hinahanap." Tanggi ko.

"Sabi mo eh," sabi naman ni Red at tumawa.

Inirapan ko nalang siya at napadako ako kay Court na nakatingin na sa'kin. Lumapit siya tsaka ngumiti kaya ginantihan ko siya ng ngiti. Binaba niya ang katawan niya at pinantay sa mukha ko, nakaupo pa'din kasi ako sa couch.

"Hi,"

"Hi," bati ko din.

"Sorry, ngayon lang natapos class ko. Akala ko makakaabot ako sa tour niyo." Sagot niya at napakamot sa batok.

"Huh? It's okay." Sagot ko. Why is he sorry?

Ramdam na ramdam ko ang titig ng tao sa'min at doon ako mas kinakabahan. Wrong move na gawin, makakarinig ako ng singhap.

"Nilibot niyo lahat?" Tanong niya sa'kin.

Umiling ako. "No, yung mga important places lang dito. Malaki daw kasi."

"Really? Akala ko nilibot niyo." sagot naman niya at tumayo na kaya nakataas na akong nakatingin sa kanya. "Tara."

Napakunot ang noo ko. "Saan?"

"Tour." Sagot niya at hinigit ang kamay ko papalabas pero bago pa kami lumabas, narinig ko na ang tawag nina Clint.

"Hoy! Bakit mo itu-tour mag-isa si Reese?" Malokong tanong ni Clint. Kitang kita ko ang ngising kakaiba ng lahat ng tao na sa loob.

Yung ngiting pang-aasar nina Raven, kitang kita ko.

Nagulat ang lahat ng biglang natawa si Court.

"Wala, VIP eh."




"This is the mini chapel here." sabi niya at tinuro ang simbahang nasa tapat namin.

Namangha naman ako. Mini pa ba ito? E ang laki laki eh!

"Bakit mini eh ang laki laki?" tanong at tinuro 'to gamit ang kaliwa kong kamay. Hawak kasi niya ang isa kong kamay.

Natawa siya. "Mini talaga ang tawag namin kahit malaki siya."

"Ang wierd niyo." komento ko, mas lalo siyang natawa.

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang tumapat kami sa gymnasium. Napatigil pa nga kami dahil naglabasan ang mga estudyante mula sa loob. Maglalakad na sana kami nang biglang may nakabunggo ako.

"Sorry," sabi ko at tiningnan yung babaeng nakabunggo ko.

"Okay lang po---kuya?!"

Napakunot ang noo ko sa biglang pagsigaw ng babae. Hindi na siya ngayon nakatingin sa'kin, nakatingin na siya ngayon kay Court na nakakunot din ang noo sa babae.

"Cali?"

Gulat ang babaeng tumingin sa'kin, hindi lang 'yon, bumaba din ang tingin niya sa kamay kong hawak ni Court.









"What are you doing here? With her? She's the vocalist of Queen of Hearts, didn't she?"

In your Heart Again Where stories live. Discover now