CHAPTER 18: CONTINUE

12 0 0
                                    

"Sarap naman ng tulog mo,"

Napabangon naman agad ako pagkatapos kong magising sa pagkakatulog. Narinig ko pa ang tawanan sa paligid ko dahil doon.

"Bakit hindi niyo 'ko ginising?" maktol ko sa kanila.

Nandito sila pero hindi naman nila ako ginising. Nagmukha ata akong katawa-tawa habang tulog dito ah. Nakakahiya!

Okay sana kung kami kami lang pero hindi, nandito din yung ibang representatives ng Dashwood, pati na din sina Jake at Clint nandito, pati na din siya.

Nakaupo sila sa isang mahaba pang couch dito sa loob kaya komportable silang nakikinig at nakikipagkwentuhan samin.

Nakatulog kasi ako dito sa couch after ng practice namin, hindi naman totally makakatulog ako, ipipikit ko lang sana mga mata ko kaso nakatulog na ng tuluyan ng hindi ko namamalayan. Hindi din kasi ako ginising ng katabi ko.

Rinig na rinig ko padin ang tawa ng karamihan dahil sa kahihiyang ginawa ko pero hindi ko nalang pinansin 'yon.

Nawala naman sa'kin ang tuksuhan at nagusap usap sila ng kanila kanilang usapan. Nakaramdam ako ng kakaiba kaya lumabas ako at nag-banyo, pagkatapos ko, saglit ko lang inayos ang sarili ko sa salamin tsaka lumabas.

Paglabas ko, halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makita ko si Warren na nakasandal sa pader sa labas ng banyo. Nakatitig lang siya sa'kin nang makita ako.

"What do you want?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita, umalis nalang siya bigla.

Nagtaka naman ako sa kinilos niya kaya nagkibit-balikat nalang ako at nagpunta na pabalik.

Nang makabalik naman ako, para mas lalong naging disaster sila sa loob dahil grabe na 'yung tawanan at kwentuhan nila. Ang sakit na sa tainga.

Napatigil lang sila nang may taong dumating sa room, tiningnan namin kung sino 'yon at nakita namin si Alexis. Kumaway pa siya sa'min tsaka tuluyang pumasok.

"Getting along with each other huh," puri niya tsaka dumeretso ng upo sa tabi ko.

Siniko niya po ako, paraan lang ng pagbati. Tinanguan ko siya bilang sagot. Ang weird talaga nito.

Hindi siya sumabay sa kaingayan, sa halip pumwesto siya sa tabi ko para ako ang kausapin.

"I red this article of yours, it's inspiring and good." pakita niya sa'kin mula sa phone niya ang isang article about sa'min.

Hindi naman kami kilala sa buong Pilipinas, sa ibang lugar lang pero hindi kami gaya ng showbiz na sikat buong bansa. 'Yung lumalabas naman ng article, sulat 'yon ng ibang school journalist na nakakakilala sa'min or nakakakita sa'min. Hindi naman kami against doon kaso 'yung ibang information, hindi tunay.

"Nagtatanong sila sa mga private life niyo," sabi ni Alexis, hindi tinatanggal ang tingin sa screen. Doon din kasi ako nakatingin.

Binabasa ko mga comments nila about us at nakakatawang may mga nakaka-appreciate sa'min.

Dahil naman dito, halos magdikit ang ulo namin ni Alexis sa lapit naming dalawa. Nakakatuwa kasing magbasa ng comments.

"Tingnan mo 'to, nagtatanong if ano daw ba skin care niyo, bakit daw ang gaganda niyo?" pinakita sakin ni Alexis nang tumatawa kaya natawa na din ako.

Meron pa siyang pinapakita na funny comments at tumatawa siya kaya ako, nadadala sa tawa niya.

Skin care? Of course, I have.

Shampoo?

Foods?

Nonsense ang mga tinatanong nila.

"Meron pa, ito, bakit daw ang ganda mo, ano daw ba mahika mo," asar niya tsaka tumawa.

Sa totoo lang, sa tawa niya ako natatawa kaya mas natatawa ako kapag malakas tawa niya.

"Uh, guys." Napatigil naman kami ni Alexis sa pagtawa nang anuhin kami ng lahat.

Halos mamilog ang mata mo nang makita kong lahat sila ay nakatingin na saming dalawa na para bang kanina pa sila tapos mag-ingay kami nalang ang magiingay.

"Ang ingay niyo," komento ni Piel sa'min ni Alexis. Napayuko naman ako sa hiya, geez! Ano na naman ang atensyon.

"May something po ba sa inyo?" biglang tanong ng isa sa representatives ng Dashwood na nagpagulat sa'kin.

What?

Napabangon naman ako sa pagkakaupo dahil doon at umiling sa kanya.

"No, no, no," tanggi ko agad. "Friends po kami."

"Pero crush niya po ako," singit ni Alexis tsaka tumawa ulit. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon.

Anong crush? Mema e!

Narinig ko naman ang kantsaw ng tao sa loob, pero lahat 'yon ay representatives, hindi nakikisali ang mga ka-grupo ko. Anong ginagawa nila? Nakatingin lang sa'min, hinayaan akong ako ang sumagot, pero nakangiti sila.

"Hindi po!" bwelta ko agad tsaka hinampas si Alexis sa ulo kaya napatigil siya at napa-hawak doon. Napa-ouch pa siya dahil doon. "Puro ka kalokohan."

Tawa lang ginanti niya sa'kin. Si Luko, 'yun lang ata ang pakay dito. Ang asarin ako.

"Saan ka pupunta, Warren?"

Napalingon naman kami nang biglang magsalita si Jake. Tumayo kasi bigla si Warren, yung tingin niya, deretsong deretso sa'kin. Nakatingin siya ng walang emosyon, hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

Hindi sinagot ni Warren ang tanong ni Jake, umalis lang siya basta.

"Wews," komento ni Clint pagkaalis ni Warren.

Nabalot naman ng katahimikan nu'ng umalis si Warren, napasandal naman ako sa couch. Aware na aware ako sa mga tingin nila, yung awkwardness nandito sa buong kwartong 'to. Sarap mag-palamon sa kahihiyan.

Tinuon ko nalang ang sarili ko sa phone ko para hindi ko makita ang mga tingin nila sa'kin. As much as I remember, wala naman akong ginawa pero bakit natatakot ako sa mga tingin nila. Kinakabahan ako, hindi ko alam mararamdaman ko.

Makalipas ng ilang minuto, may biglang pumasok sa kwartong 'to. Hindi naman ako tumingin dahil akala ko sina Clint lang na bumalik dahil lumabas sila para bumili ng pagkain.

"Ate Reese,"

Napatunghay naman ako sa tawag na 'yon. Nagulat ako nang makita ko si Cali sa harap ko, hingal na hingal, para bang tinakbo niya 'to.

"Cali?" napatayo naman ako dahil sa kanya.

Rinig ko na ang bulungan ng ibang representatives sa gilid ko at ang kakaibang tingin ng mga kagrupo ko tsaka ni Alexis.

Nakarinig pa ako ng sipol mula sa labas at base sa peripheral vision ko, sina Jake ito.

"Holy Mary--" bulalas agad nina Jake nang makita si Cali sa loob.

Tinuro ni Cali ang labas kaya nagtaka ako. "Have you seen Kuya?"

"Your Kuya? No, umalis siya dito, minutes ago." sagot ko, sapat na para masinghap ang members ko.

Umayos ng tayo si Cali at tiningnan ako. "I don't know pero sabi sa'kin kanina ng mga nakakita kay Kuya, lumabas siya ng campus."

"And?"

Tinitigan ako ni Cali ng kakaiba.

"And sabi sakin, kakaiba mukha niya, as in and based on the description.." sagot niya pa tsaka tumingin sa paligid ko, pinagmamasdan ang mga tao.

"What?"




"Serious mode."

In your Heart Again Where stories live. Discover now