CHAPTER 9: VISION

17 1 0
                                    


"Hindi kasi ako pinaalis agad nina Mommy,"

Kinakabahan pero malumanay na sagot ko. Hindi ko alam kung paano ako iaakto sa harap ni Alex, feel ko binabasa niya buong pagkatao ko. Natatakot tuloy ako na baka alam niya na ang kinahinatnan ng pagpunta ko kina Mommy..

"So, how was it?" tanong niya, sumimsim ng gatas.

Pilit akong ngumiti. "Ayos naman, wala namang naging problema."

Tumango tango nalang siya na para bang may gusto pang sabihin pero hindi na naituloy.

"Una ko, Alex. Naantok na din ako." Paalam ko tsaka umalis sa harap niya.

Hindi ko talaga alam ang sasabihin sa kanya, nakakainis! Bakit kasi kailangang ganito pa ang mangyare?

Sinuklay ko nalang ang buhok ko paatras bago ako pumasok sa kwarto. Sinara ko agad ito tsaka sumandal sa likod ng pinto, pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa may naramdaman na naman akong init sa mukha ko.

Mapait akong natawa. Akala ko ba wala na yung luha na ito? Akala ko ba tama na?

"I know you're behind this, i just want to let you know that I'm here, Leigh. Always here."

Mas lalo lang akong umiyak nang marinig ko boses niya. Wala na akong nagawa kundi buksan yung pinto, doon ko nakita ang mukha niya. Mukha niyang nag-aalala.

Wala siyang salitang sinabi, niyakap niya agad ako at sinara ang pinto. Hindi ko na napigilan, umiyak na ako ng tuluyan.

"Raven," hikbi ko mula sa balikat niya.

"Shhh," pigil niya sa'kin. "I'm here now."

"Si..." Hindi ko matuloy. "Si....Dad,"

"Alam ko, tumawag sa'kin si Tita." pigil niya sa dapat kong sabihin.

Si Raven, siya lang nakakaalam ng problema ko sa pamilya. She always been there for me, hindi niya ako iniiwan. Hindi niya pinaramdam sa'kin na kulang, na may kulang.

Raven has a nice family, supportive sa kanya ang parents niya, even her older brother. They're rich as well, madaming negosyo parents niya pero kasiyahan niya ang pinili niya and they are not against with it. Raven is so lucky.

Hindi na ako nagsalita after no'n. Kumalas na din ako sa yakap at nagpunta ng banyo. Narinig ko pang may sinabi si Raven pero tango nalang ang naisagot ko. Nawawala yung utak ko sa sarili ko, hindi ako makasagot ng ayos.

Pagkatapos kong gumamit ng banyo, akala ko wala na si Raven sa kwarto ko, pagbukas ko ng pinto ng banyo, agad ko siyang nakita, nakatingin sa'kin habang nakaupo sa gilid ng kama.

"Magpapahinga kana?" Maingat na tanong niya, tumango ako at nahiga na sa tabi niya.

Nakatigtig lang siya sa'kin na nginitian ko naman para mawala ang pangamba niya. Nag-aalala siya.

"Can you sleep beside me?" I unconsciously asked.

Nginitian niya lang ako at hindi sumagot pero humiga siya sa tabi ko. Magkatalikudan na tuloy kaming dalawa. Parehas gising pero hindi magkaharap.

"You will quit?" tanong bigla ni Raven. Napatigil ako sa tanong niya.

"No," mabilis kong sagot. Hindi nag-iisip.

"You're doing it again." komento ni Raven.

"Doing what?"

"That. Rebel again." sagot niya, hindi ko alam pero bigla akong natawa.

"Rebel again is fun, isn't it?" tanong ko habang natatawa.

Narinig ko naman siyang natawa din at naramdaman kong umikot siya paharap sa-kin.

"Yeah, it is." sagot niya. Hindi na ako sumagot at pinikit ko nalang ang mga mata ko.

Nagising nalang ako nang biglang tumunog ang alarm clock ko, napabalikwas ako at inaantok na tumingin sa katabi ko, si Raven, tulog pa'din.

Tumayo ako at ginising si Raven, hindi naman niya ako sinagot kaya inulit ko, this time, uminat na siya, at tumingin sa'kin, inaantok pa.

"Wake up," I said with sleepy voice.

Tumango siya kaya dumeretso na ako sa banyo para maligo. Pagtingin ko palang sa salamin, nawindang na ako. Grabe ang mata ko, swallow! Pugtong pugto!! My god!!!

Naligo ako at nag-ayos ng sarili sa banyo, tinakpan ko din ang pugto kong mata at hindi ako umalis sa banyo hanggang hindi na kita. Paglabas ko naman, wala na si Raven pero ayos na ang kama ko, inayos siguro niya. Ngumiti nalang ako.

Pagbaba ko, nakita ko agad sina Red at Alex sa kusina. Nagpe-prepare ng breakfast, may pasok kasi kami at 7am na ng umaga.

"Sina Shan at Piel?" Tanong ko nang hindi ko sila makita sa bahay.

"They already left, 7am start ng class nila." sagot ni Red at umupo na.

Umupo na din ako sa upuan at napatingin kay Alex na nakatingin pala sa'kin. Iniwas niya ang tingin niya at nagpunta ng dirty kitchen. Ilang minuto ang nakalipas nang bumaba na si Raven at naupo na din sa tabi ko. Kumain naman kami ng sabay na apat at naghiwalay na nung papunta na ng school, since kanya kanyang kotse kami.

Gaya ng nakagawian, dumeretso lang akong school, bumaba akong parking at naglakad papasok. Habang naglalakad pa ako, may nakita akong pinagkakaguluhan ng mga babae sa sulok. Hindi ko naman makita kung sino 'yon dahil masyadong madami ang tao.

Nagkibit balikat nalang ako at nagsimula na ulit maglakad.

"Reese,"

Napatigil naman ako at napalingo sa likod nang bigla kong marinig ang pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang wala naman akong makita sa likod ko, kundi yung kaguluhan pero bukod no'n wala na.

Nagulat nalang ako nang biglang linuwa si Warren mula sa kaguluhan ng mga babae.

Lumapit siya sa'kin at ngumiti. "Good morning."

"Good morning." bati ko din. "What are you doing here?"

"Well, ewan ko. Hinigit nila ako." sagot ni Warren at tumuro sa likod kaya napatingin ako doon. Nakita ko doon ang dalawang lalaking pinagkakaguluhan pa'din ng mga girls.

Tumigil nalang ang mga girls nang bigla nakarinig sila ng pito mula sa guard kaya nagtakbuhan na ang mga ito.

Napatingin naman ako kay Warren na alanganing ngumiti sa harap ko tsaka bumulong ng 'sorry'.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagulat nang biglang sumulpot sa harap ko ang dalawang lalaking pinagkakaguluhan kanina.

Nanlaki ang mga mata nila nang makita ako, gulat na gulat, napahawak pa sa bibig ang isa at ang isa naman ay kumapit at pinaghahampas ng isa.

"Uh?" Alanganing tanong ko, nakatingin kay Warren.

Nakita ko naman ang inis sa mukha ni Warren dahil sa inaakto ng dalawa. "Quit it, nakakahiya!"

Nang sabihin 'yon ni Warren, biglang tumigil ang dalawa at ngumiti sa'kin.

"I--ikaw yung vocalist ng Queen of Hearts, diba?" Kinakabahan tanong ng isang lalaki.

Tumango ako, dahilan para magtatalon sila sa tuwa, ang wierd nila ha!

"Sorry," sabi ni Warren, tumango lang ako.

Nagitla naman ako nang bilang maglahad ng kamay yung isa.

"I'm Jake Jeverson Limpkins, 3rd year, Tourism Management." pakilala ng isang lalaki so I took his hand with questioning smile. Lalaki na may korean hair style at gray ang color ng mata niya. I think, may lahi siya.

"Reese,"

Kinuha naman ng isang lalaki yung kamay ko sa nagpakilalang Jake. "I'm Clint Edward Escarra, 3rd year, Tourism Management." buong galak na pakilala ng isa. Undercut ang gupit naman nitong isa.

"Reese," pakilala ko.

Magsasalita pa sana yung dalawa habang pinagaagawan ang kamay ko nang biglang sumigaw si Warren na napatigil sa dalawa. Ang sakit ng kamay ko, kakahila nila.



"Bitaw sa kamay niya."

In your Heart Again Where stories live. Discover now