CHAPTER 16: SERIOUS

8 0 0
                                    


"What?!"

Halos sabay kaming napasigaw ni Court sa tanong ni Cali.

"Yes," taas noong sabi pa ni Cali. Confident. "Do you like her, Kuya?" Ang tigas, inulit pa.

"Cali, it's not what you think. Magkaibigan kami ng Kuya mo, 'yun lang 'yon." ako na ang sumagot.

Napalingon naman ako kay Court ng tingnan niya ako dahil sa sinagot ko. What?

"Then why--"

"Calise Jade, you should leave." seryosong sabi ni Court. Inis na inis. "And to answer your question, no."

"Nagtatanong lang naman, defensive ka." sabi ni Cali at inirapan ang Kuya niya.

Nagpaalam na din sa'kin si Cali bago umalis. Nang umalis si Cali, nanatili kaming tahimik ni Court, walang nagtangkang magsalita samin dahil hindi din namin alam ang sasabihin.

Nakakainis. Bakit kailangang itanong 'yon ni Cali?

Magkaibigan naman talaga kami ni Court.

Walang ng iba. Wala na..

"I'm sorry,"

Napalingon naman ako kay Court ng banggitin niya 'yon.

"What for?"

"Dahil sa sinabi ni Cali. Wala lang talagang preno ang bibig ng batang 'yon kaya kung ano anong sinasabi." deretsong paliwanag niya.

Mapait naman akong natawa. "Wala lang 'yon. Alam ko naman 'yon.

After no'n, wala na ulit nagsalita. Hindi ko alam kung bakit pero..

Bakit umasa ako?

Umalis nalang kami doon nang makatanggap ako ng tawag galing kay Raven, hinahanap na daw pala ako.

Hinatid ako ni Court kung saan ang practice room namin. Napatingin pa nga lahat nung dumating kami, hindi nalang ako kumibo at tumabi nalang kay Raven.

Wala akong naging salita hanggang sa matapos ang discussion samin ng Managers namin. Hindi ako kumibo at mas lalong hindi ako nagsalita.

Ang gusto ko nalang ay ang umuwi.

Nagpaalam na ang lahat samin kaya gano'n nadin ang ginawa namin. Wala na naman kaming gagawin dito kaya napagpasiyahan nalang naming umuwi.

"Bakit ang tahimik mo ata?" tanong ni Raven, siniko pa ako.

Tiningnan ko lang siya. "Nothing, masakit lang ulo ko."

Tumango siya. "Akala ko may nangyare."

Napatigil naman ako doon. Halata ba? Wala namang nangyare diba? Wala?

Hindi mo pinansin ang sinabi niya at dere-deretsong pumuntang sasakyan ko. Napatigil pa ako nang makita ko sina Jake, kasama siya. Nakatigtig lang siya sa'kin, walang emosyon.

"Thank you po pala sa inyo." Nakangiting sabi ni Clint.

Sumagot naman lahat bukod sa'kin. Napatigil lang ako nang tumingin sila sa'kin, naghihintay ng sasabihin ko.

"Thanks." tipid na sabi ko, ngumiti pero hindi labas ng ngipin.

Bigla namang nagbago ang atmosphere dito after kong magsalita. Wala kasi agad na nagtakang gumalaw o sundan yung sinabi ko, nagtinginan lang sila na para bang sila lang ang nakakaintindi.

"Quit looking to each other." Seryosong sabi ko sa kanila. Napatigil naman sila at nag-iwas ng tingin.

"Bakit? Anong meron sayo, Reese?" tanong ni Raven sa'kin, narinig ng lahat.

In your Heart Again Where stories live. Discover now