CHAPTER 6: XAI KYLA

20 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Raven pero hindi sa'kin nakatingin, kay Warren.

Hindi ko alam sasabihin ko, pero bakit sa dinami dami pa ng makakakita sa'min, bakit sila pa? Well, wala namang malisya pero kasi, aasarin ako nina Piel mamaya sa bahay, na kesyo sino si Warren? Bakit ko kasama?

"Nagpapalamig lang ako." Sagot ko, casual lang pero nakatingin sila talaga kay Warren. "By the way, guys, this is Warren, uh, kakilala ko." pakilala ko kay Warren, kumaway naman siya sa kanila.

"Hi," bati ni Piel, nakipagkamay pa kaya medyo na-awkward si Warren at nahiya. Feel ko, starstruck ito.

"Bakit mo siya kasama?" Tanong ni Raven, nagtataka.

Napatingin naman ako kay Warren bago bumalik sa kanya. "Nagkita lang kami dito tapos nag-usap ganon, casual."

"You're from Dashwood University?" Tanong ni Shan kay Warren na ikinatango nitong isa.

"Kilala mo si Xai Kyla Pratt?" Tanong naman ni Piel, sinong Xai?

"Pratt? The girl from BA in Interior Design?" medyo litong tanong ni Warren.

"Yes!" Sagot nina Shan at Piel, nagsabay pa.

"Yeah, Team Captain siya ng Cheerleader Squad." Sabi naman ni Warren na sumangayon sina Shan at Piel.

"Yes, that's Xai, friend siya namin, have you seen her?" Tanong ni Shan.

Umiling si Warren. "No, I haven't seen her, the school is huge tho."

"Ay sabagay, sorry!" sabi naman ni Shan at nag-peace sign.

Wala ng umimik after non, hanggang sa nagpaalam na si Warren sa'kin at umalis na siya ng tuluyan. Naguilty pa nga ako dahil hindi niya naubos ang pagkain niya at umalis siya agad dahil medyo nahiya siya sa presence nina Alex.

"Sino yon? May kakilala pala sa Dashwood University?" Tanong ni Raven at naupo kasama nina Red sa tapat ko, naupo naman sina Shan at Piel sa tabi ko, kaya napagsiksikan ako sa dulo, sa tabi ng glass window.

"Nakilala ko siya nung weekend, sa mall. Hindi ko naman alam na taga-Dashwood pala 'yon." sabi ko at napatingin sa phone ko nang biglang may nag-notif sa Instagram ko.

Hindi na nila ako pinansin at nagkwentuhan na sila ng kanila kaya tiningnan ko ang nag-notif na iyon, nagulat ako nang bigla akong finallow ni Warren sa Instagram. Binuksan ang account niya dahil nacurious ako bigla. Paano niya nalaman account ko sa Instagram?

Court Warren Pavia

@court_pavia

23 post.      7,342 followers.       123 following.

eyes is never quite. 659.

Wala namang kakaiba sa Instagram niya, yung may posts niya, tungkol lang sa sarili niya sa beach, sa school at kung saan. Infairness, gwapo naman siya sa lahat ng posts niya. Wala naman siguro masama kaya finallow back ko siya. Court Warren pala name niya, unique.

"Hoy, panda-stalk naman siya doon sa guy!" biglang sabi ni Piel kaya agad kong pinatay ang phone ko at tumingin sa kanila agad.

"Crush mo yon 'no?" Tanong naman ni Shan, nang-aasar.

"What? No." Tanggi ko.

"Then why did you stalked him? Huh?" intriga naman ni Piel, nakita ko naman na natatawa sina Raven sa ginagawa sa'kin nina Piel.

"Finallow niya kasi ako sa Instagram ngayon lang, kaya finallow back ko." sabi ko, I am telling the truth.

"Susss!" asik pa nila pero yung mga tingin nila, nang-aasar padin.

In your Heart Again Where stories live. Discover now