CHAPTER 11: DASHWOOD UNIVERSITY

14 1 0
                                    

"You may seat," unang salita ni Dean sa lahat. Nagsi-upuan naman gayan ng utos ni Dean.

Maski sina Jake at Clint ay umupo na din, nag-agawan pa ang dalawa kung sino ang tatabi kay Shan, sa huli, nanalo si Clint. Binelatan niya pa si Jake na ang sama ng tingin sa kanya.

Napalingon nalang ako sa taong nakatayo sa harap ko at kinuha ang upuan sa tabi ko at doon umupo. Really, Court?

Narinig ko ang mahinang tikhim ng mga members ko at mga pang-aasar nilang ngisi kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Makuha kayo sa tingin.

Wala ng nagsalita nang magsimula na ang Meeting. Doon ko lang din nalaman na kaya pala nandito ang Dashwood University representatives ay dahil gusto ng school na mag-guest kami sa magaganap na Sports Fest sa school nila.

Pumayag ang school namin at ang mga Managers kaya ngayon ay pinaguusapan nila ang mga dates ng practices, at guesting. Dahil paghahandaan din ng school namin ang susuotin at ayos namin.

"You know that guy?"

Napalingon ako sa bumulong sa tabi ko, si Alexis. Katabi ko nga pala siya. Kununutan ko siya ng tingin dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Tinuro naman niya si Court na katabi ko.

"Yes." sagot ko, tumango naman siya.

Binalingan ko na ulit ang nagsasalita sa unahan.

"You okay now?" bulong ulit ni Alexis.

Napatigil naman ako bago ko siya lingunin ulit. Ngumiti ako at nagthumbs up sa kanya.

Ginantihan niya ako ng ngiti tsaka nagthumbs up din.

"I'm glad."

"Yes--"

"Why are you two whispering to each other?"

Napatigil naman kami ni Alexis sa paguusap nang biglang nagtanong si Court sa tabi ko. Hindi lang yon, ang lakas ng boses niya, sapat na para makuha ang atensyon ng lahat.

Umayos tuloy ako ng upo dahil doon, lahat na kasi ng tao dito ay samin nakatingin. Nakakahiya!!

Napasapo ako ng dibdib nang bumalik na sa meeting ang usapan pero kitang kita ko ang ngisi ng members ko pati na:din nina Clint at Jake. Napatingin naman ako kay Alexis na nakayuko, nahihiya din.

Tsaka ko binalingan si Court na nakatingin pa'din sa'kin.

"Bakit ba ang lakas ng boses mo?" Sigaw kong pabulong sa kanya. Nakatigtig lang siya sa'kin ng seryoso.

"You didn't answer my question." Seryosong sabi niya, this time, kami nalang ang nakakarinig.

"May pinaguusapan lang kami." Sagot ko, hindi ko naman akalaing hindi niya na ulit pinansin at tinuon ang atensyon sa meeting.

Hindi na din ako umalma at nag-focus na din sa meeting.

Hindi nagtagal ay natapos na ang meeting namin at tanging representatives at members nalang ang naiwan dito sa Hall. Umalis na ang mga bosses kaya naiwan kami dito.

"So, see you next week?" Nakangiting sabi ng isa sa representatives ng Dashwood University.

Tumawa naman ang members ko. "Yes."

"Nice. Welcome kayo anytime sa school namin!" Sabi naman ng isa pang representative.

"Thank you po," sagot ng iba samin.

Hindi na ako nakinig sa mga kwentuhan ng iba dahil nakatuon ang atensyon ko sa lalaking katabi kong kanina pang nagtitipa ng cellphone. Ano bang problema nitong lalaking 'to?

"Reese, look at this." tawag sakin ni Alexis at may pinakita sa cellphone niya.

Isang article tungkol na naman saming group.

"All of the comments and replies here is good." komento ni Alexis.

"Wow." reaksyon ko.

"Yes, at matutuwa sila kapag nakita ulit kayo na nag-perform."

"Soon."

"Yeah, soon." sagot ni Alexis kaya sabi kaming natawa.

Nagitla nalang ako nang biglang umalis si Court aa tabi ko, nagulat ako dahil padabog pa siyang umalis. Napatingin tuloy sa kanya lahat, hinabol ko ang tingin ko sa kanya hanggang sa tumigil siya sa tapat ng pintuan.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang bumalik, seryosong mukha lang siya hanggang sa tumapat sakin at tiningnan ako.

Walang sabi sabing hinigit niya ako patayo at kinaladlad. Alam kong kitang kita 'yon ng lahat.

"Court." Tawag ko. Naramdaman ko namang nagulat siya ng tawagin ko siya sa first name niya.

Narinig ko naman ang pagsinghap ng lahat ng representatives ng Dashwood University. May mali na sa sinabi ko?

"Nagugutom ako." sabi niya at humarap sa'kin. "Nagugutom ako, samahan mo ko." ulit niya tsaka ako hinila palabas.

Bago pa man ako makalabas, narinig ko na ang bulungan ng mga representatives.

"She called him Court."

"Warren didn't let us called him by his first name but Reese did."

"Wow."



Natitig lang ako sa kinakain ko ngayon. Wala akong gana, sumasakit ang ulo ko.

"Are you okay?" Tanong ni Court sa harap ko.

Tumango ako at pilit na sinubo ang cabbage sa bibig ko pero kusa ko ding niluluwa.

Nakita ko naman na napakunot ang noo ni Court sakin. Nagulat nalang ako nagbiglang nilagay niya ang mga kamay niya sa noo ko.

"Fuck, you're sick." mura ni Court at tumayo sa inuupuan niya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Kaya ba nahihilo ka?" Tanong niya.

Umiling ako. "No, I'm okay."

"No, you're not okay. What did you do earlier? Okay ka naman kanina diba?"

Wala akong ginawa kanina, umattend lang ako ng mga klase ko dere-deretso tapos yung meeting kanina, 'yon lang.

"Wala."

"Are you sure you okay? Dalhin kitang clinic?" Tanong niya, natataranta. "Oh fuck, I don't know where the Clinic is." Rinig ko pang dagdag niya.

Natawa naman ako bigla sa inaakto niya. "Warren, I mean Court, 'wag ka ngang OA."

I heard him tsked kaya natawa lalo ako.

Nahihilo ako pero mas nauuna ang tawa ko dahil sa lalaking ito. Umiling nalang ako tsaka kinuha ang phone ko sa pocket at tinawagan si Raven.

"Where are you?"

"Cafeteria. Sunduin moko."

"What happened? Baki gan'yan boses mo?"

Nahihilo ako.

Hindi ako nakasagot sa kanya, muntik ng bumagsak ang noo ko sa table buti nalang nasalo ako ng mga kamay ni Court. Kinuha niya sa'kin ang phone at siya ang sumagot.

"We're here at cafeteria. Reese is sick." rinig nong sabi niya sa kabilang linya.

Nanatili akong nakapikit habang nakasalo pa'din si Court sa'kin. Nahihilo ako, nasusuka ako. Ugh.

"I don't know where the clinic is." tunog niya pa. "Please, hurry."

Pinatay na ni Court ang tawag at bumaling siya sakin, pinilit niyang tingnan ang mukha ko. Hindi na maganda ang lagay ko dahil nakapikit na ako.

"I'm okay." mahinang sabi ko.

"No,"

Dahan dahan akong tumayo sa upuan at naglakad ng konti. Nakarinig ko ang paulit ulit na curses ni Court dahil sa ginagawa ko. Pero kusang bumigay ang katawan ko dahil hindi ko na kaya.




Last thing I heard, Raven is shouting my name.



And everything went black.

In your Heart Again Where stories live. Discover now