CHAPTER 41: US

18 0 0
                                    

"Seriously?"

Napapikit naman ako agad dahil kinumpulan nila ako, wala akong nagawa kun'di sagutin lahat ng tanong nila.

"Nurse siya ni Manang noon, doon ko siya bakita ulit."

"At hindi mo sa'min sinabi?" balik ni Shan.

"Hindi ko sinabi kasi wala lang naman 'yon." sagot ko pa.

"Pero parang close na kayo ulit," Red stated.

"No, casual lang. Hindi kami naglalapit."

"Tell me the truth, may mga times na nagkikita kayo ng hindi inaasahan?" sabat ni Raven.

Saglit akong napa-isip bago tumango. "Oo, meron."

Napapalakpak naman si Piel dahil doon at nagkatinginan sina Raven at Alex.

"What?" I asked, naively.

"Nothing, don't mind us." sagot ni Alex, hindi ko nalang pinansin.

Lumipas ang oras at gaya ng sabi ni Court, pumunta nga siya dito. Wala siyang naabutan kun'di ako lang.

"Where are the others?" tanong niya, pagkapatong niya ng fruits sa tabi ko.

"Si Mom, umuwi. Sina Raven naman ay umuwi 'din. Handlers ko ang nandito pero nasa lobby sila, kinakausap ang media." sagot ko, nalaman kasi ng media na na-admit ako.

"Really? Pati ba naman 'to nalaman nila?" natatawang saad pa ni Court.

"Of course, mga hindi nahuhuli ang mga 'yon." irap ko naman.

Natawa nalang si Court sa reaksyon ko. "You okay na?"

"Yes, thankfully." sagot ko naman at bahagyang ngumiti. "Bukas ang uwi ko diba?"

Tumango naman siya. "Yes, bukas."

"Mabuti naman. May gagawin pa kasi ako." sabi ko nalang.

"Ikaw, kaya ka nagkakasakit dahil 'din sa sarili mo. Masyado kang focus sa trabaho mo." sabi naman sa'kin ni Court, may halo pang inis.

Tiningnan ko naman siya. "Ikaw 'din naman ah, nagtatrabaho. Parehas lang tayo."

"Pero ako, inaalagaan ko sarili ko." balik niya.

"Oh edi ikaw na," irap ko.

"After this, 'wag ka munang magtrabaho, need mo magpahinga. Malapit na'din yung concert niyo dito."

Saglit akong natigilan. "Shoot! Oo nga pala!"

"See, kaya 'wag ka ng makulit." salita niya pa at ginulo ang buhok ko.

Tinampal ko naman ang kamay niya tsaka siya sinamaan ng tingin. Tumawa lang siya sa'kin bago umiling.

"Sino nga pala guests niyo sa concert?" tanong naman niya, kumuha ng apple sa basket.

"Si Jareen Salameda at Alexis." sagot ko.

"Alexis Ontangco?" tanong niya habang nagbabalat ng apple.

Tumango ako. "Oo, siya. Sikat na 'yung gago na 'yon."

Natawa tuloy siya. "Close kayo no?"

"Oo, close friends ko sa industriya pati na'din sa off cam." sagot ko, natawa pa ako nang maisip ko ang kalokohan ni Alexis.

Napatigil naman ako nang mapansin ko ang titig niya. "What?"

Umiling siya. "Ang saya mo kapag siya ang topic."

Agad namang nagbago ang mukha ko dahil doon.  "Huh? Hindi ah."

"We?" asar niya sa'kin, sinampas ko naman siya.

In your Heart Again Where stories live. Discover now