CHAPTER 40: TURN DOWN

18 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa exclusive restaurant sa tapat ng condo ko, hindi para kumain. Kun'di para makipagkita sa isang tao.

"Reese,"

Napalingon naman agad ako sa tumawag sa'kin pagkapasok ko palang ng restaurant. Nakangiti niya akong sinalubong, sumenyas naman siyang maupo ako kaya ginawa ko ang gusto niya.

"What do you want? You want drinks? I can order
—"

"Stop this nonsense, Kaizer." pigil ko sa kanya kaya natigilan naman siya at bahagyang tumingin sa'kin.

"What do you mean?" He asked, confusingly.

"I'm just here to clear my name," pigil na inis na sagot ko. "My Agency released an statement regarding our issue, and your Agency didn't do anything yet."

Nang dahil sa sinabi ko, binaba niya ang kamay niya sa mesa tsaka bumuntong hininga. "I heard that issue nu'ng kasagsagan ang trabaho ko sa Cebu. Hindi ko siya pinansin dahil akala ko maaayos mo."

Kumunot naman ang noo ko dahil doon. "Maaayos ko? Nagpapatawa kaba? Bakit kailangan ako lang ang mag-ayos nito? Gaya ng sabi ko, naglabas na ng statement ang panig ko, ang tanging gawin mo nalang, maglabas na'din ng statement ang iyo. Yun nalang ang gagawin mo, Kaizer. Bakit parang tamad na tamad kapa?"

Umiling siya. "Hindi sa gano'n, akala ko lang ay magagawan mo ng paraan."

"Hindi," iling ko sa kanya. "Hindi lang ako ang pwedeng gumawa ng paraan d'yan."

"Fine, magsasalita ako mamaya." suko niya. "Pero hindi ko hawak ang iisipin ng mga tao."

I crossed my arms and stared at him, angrily. "Hindi magiiba ang iisipin ng tao kung tama ang sasabihin mo. Masyado ka atang napapasarap sa ganitong set up, Kaizer."

Tinitigan niya lang ako, at bahagyang natawa. "Of course, I am happy about this. Knowing that people know that we're together, it makes me more happy."

Umiling ako sa harap niya. "You're insane, Kaizer."

"Sometimes I wondered, why? Why can't it be me?" tanong niya, kitang kita ko sa mata niya ang galit sa mukha niya.

"You know my answer," tigas na sagot ko.

"It because of him." he directly pointing out. "Dahil sa kanya, nakakatawang isipin na sa loob ng tatlong taon na ayos tayo, hindi mo pa'din mabalik sa'kin ang nararamdaman mo. Dahil 'yon sa kanya, bakit? Ano ba ang ginawa niya sayo?"

Bumuntong hininga ako tsaka tumayo at marahan siyang tiningnan. "Ayos tayo, Kaizer. Kaibigan ang turing ko sayo sa loob ng tatlong taon, hindi ko inisip ang nangyare sa'tin noon para na'rin sa ikakatahimik ng puso ko. Pero dahil 'din sa kagagawan mo kaya hindi ko mabalik ang pagkagusto ko sayo. Ayos sana kung nagkakagusto kalang ng maayos sa'kin, baka sakaling matanggap ko, pero ito? 'yang pagkabaliw mo, hindi ko na kaya. Kaya tinigil mo na 'to. Magsalita kana about sa issue na'tin, baka sakaling kapag ginawa mo 'yon, maging okay tayo. Maging okay pa'din ako sayo, ituring pa'rin kitang isang kaibigan ko."

Aalis na sana ako pagkatapos no'n pero pinigilan niya ako sa braso, nakatayo na'din siya ngayon.

"You didn't answer my question." Ulit niya. "Why him? Why can't it be the two of us?

Marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko, deretso ko siyang tiningnan, samantalang napatingin naman siya sa kamay niyang tinanggal ko.

"You what? Why him? 'Couz I love him more than anything. I love him and you? I don't love you, I can't love you, because of what you did. Kahit mahirap, kahit anong mangyayare sa'kin, siya pa'din, siya lang ang mamahalin ko. Kaya 'wag mong tanungin kung bakit hindi pwedeng tayo dahil merong siya, siya na kaya akong tanggapin kahit pa sa pinakamababang punto ng buhay ko."

In your Heart Again Where stories live. Discover now