CHAPTER 38: DISCHARGED

18 0 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY, MANANG!"

Masaya kaming nagsigawan sa loob ng room ni Manang sa hospital para i-celebrate ang birthday nito. Kami kami lang dahil nandito naman kami sa hospital. Ang kambal ni Ate Beth, si Ate Beth, ako, yung handler ko na pumunta tsaka sina Court at Zyrene.

Hindi 'din naman dinamihan ang handa dahil ayaw ni Manang. Kung wala si Manang sa hospital, baka sa isang restaurant kami nagce-celebrate.

"Salamat sa inyo," palakpak ni Manang tsaka nag-blow ng candle sa cake.

After i-blow ang cake, kumain na sila ng fooda na nakahanda, samantalang lumabas ako para tawagan si Ate Jody. Bukas kasi ay tapos ba ang live na ginawa ko, bukas na'din ang mga gagawin ko, tambak na sila actually.

Bukas, deretso shoot na agad para sa look test na'min for upcoming concert dito sa Pinas. Mamaya na'din ang uwi nina Raven dito. After the look test, pupunta ata ako kay Mom para mangamusta. She called me last night, hindi ko 'man lang daw sinabi na nandito na ako sa Pilipinas. Alam ni Mom ant kalagayan ni Manang kaya nagpadala ito ng fruits at mga kailangan ni Manang.

I can't go to her right now, ang alam ko, kasama niya si Dad ngayon sa Seattle. Bukas pa ang uwi nila kaya bukas ako pupunta ata kay Mom, hindi ko pa sure dahil madami 'din ako gagawin bukas. Magtitingin 'din ako ng mga bagong furniture para sa bahay ko, pinapadesign ko kasi ng bago kay Xai ngayon.

Speaking of Xai, she's now a Designer, meron siyang sarili Company and close na ako sa kanya. We've been close since college, third year ako noon, nakasama ko siya sa isang conference and that day, we became close.

"Hello, Ate Jody."

Sandali lang akong nakipag-usap kay Ate Jody dahil busy ito sa pag-asikaso kina Raven na nag-aayos for an event. Hindi ko naman na inistorbo dahil freedom naman niya 'yon. So, I hung up.

Napatigil naman ako pagkalingon ko nang makita ko si Court na nasa likod ko.

"Hindi kapa nakain?" tanong niya, mukhang tapos na siya kumain.

"Uh, may kinausap lang." sagot ko at aalis na sana nang pigilan niya ang braso ko. Tuwid akong tumingin sa kanya dahil doon.

"Kumain kana, magpapalipas ka na naman ng kain. Magkakasakit ka." sabi naman niya at umalis pagkatapos no'n.

Gaya ng sabi niya, kumain ako at nakipagusap nalang sa mga tao doon. Naicelebrate naman namin ang birthday ni Manang ng masaya at kontento siya.

Kinabukasan, panahon na para harapin ang trabaho muli. Kinausap ko naman na si Ate Beth at sinabi siya na ang bahala kay Manang dahil hindi ko na siya masasamahan na mag-uwi dito. Kahapon naman ay binayaran ko na 'din ang mga expenses sa hospital para wala ng problema.

"Kamusta? Ayos na ba si Manang?" napalingon naman ako sa likuran, nakita ko si Alex.

"Oo, ayos na. Nakauwi na nga." sagot ko.

"It's good to hear. I'm sure pagod ka, ikaw ang nagbantay diba?"

"Oo, pero ayos naman ako. Kaya ko pa naman." sagot ko. "Kayo ang pagod, sunod sunod ang events at ganap na'tin sa US ah."

Ngumiti lang si Alex. "Ayos naman, kaya pa. Kakayanin."

Natawa ako. "Yeah, kakayanin na'tin."

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang shoot na'min for Look Test, nagtagal kami ng tatlong oras sa shoot dahil madaming pagpapalit ng damit, tinitingnan kung babagay ang damit sa concert.

"Shoot! May practice pala tayo, mamaya." Lahat kami napatingin kay Shan ng sabihin 'yon.

"Ah, oo. Sa studio tayo." sagot ni Piel.

Gaya ng sabi nila, after shoot ay nagpunta kami sa Studio para magpractice. Halos, manibago ako dahil almost three weeks akong hindi naka-hawak ng mic. Woah.

"Ako lang ba ang nanibago," sabat ni Red dahilan para sumangayon kami. See, hindi lang ako ang nanibago.

Bago kami mag-practice, inayos muna nila ang instruments at tiningnan ko nasa tamang lagay ba ang mga ito. Hindi nagtagal ay nagsimula na ako, halos madami dami 'ding nanonood sa'min. Tinitingnan kasi nila ang progress na'min dahil next month na nga ang concert. Busy ang Agency na'min dahil sa preparation ng Concert, yung Concept kasi namin ay may pagka-badass. So lahat ng outfits, stadium, theme ay talagang gano'n.

May special guests 'din kami, dalawa lang. Si Jareen Salameda, singer and actor na kaibigan ni Red at Raven, nakasama na'din namin ito sa commercial at sobrang bait na tao. Ang isa pa ay si Alexis, isa na siyang actor and model ngayon. He remained as our producer pa'din naman but yung career na niya kasi at tumaas three years ago. Na-discover siya noon dahil sa'min hanggang sa kunin siya ng isang scout at nag-train bilang isang Runaway Model, and now, Actor. Kami mismo ang pumili ng guests na'min dahil nasa mismong bansa kami, bansa na ipagmamalaki na'min.

Natapos kaming mag-practice around eight o'clock ng gabi. Hindi na'din ako nakadaan kay Mom dahil wala pa daw sila dito. Tinawagan ko 'din si Manang at nasa bahay na naman daw siya, nagmamahinga.

Sabay sabay kaming naglalakad palabas ng Agency na'min, napatigil pa kami nang makita na'ming may mga fans sa labas kahit gabi na.

Kumaway kami at lumapit, pinagsabihan kami ng mga Guards pero hindi kami nakinig. Nagsisigawan sila at inabot sa'min ang mga gusto nilang pa-pirmahan.

Nagulat naman ako nang may mag-abot sa'kin ng paper bag. "Para po sayo 'to, Reese!"

Ngumiti naman ako at tinanggap 'yon. Dahil 'don sunod sunod ang pagbibigay sa'min ng gifts. "Thank you po!"

Pinatigil nalang kami nina Ate Jody kaya wala kamint nagawa kun'di magpaalam at umalis na doon. Pagkapasok ko palang sa condo ko ay agad ko ng nilagay sa sala ang mga nakuha kong gifts galing sa fans.

Naligo ako at nag-ayos ng katawan. Hindi naman na ako nag-dinner dahil masyado ng gabi para kumain. Tinabi ko nalang at mga regalo sa'kin muna, tsaka ko na bubuksan kapag may time na ako.

Nahiga ako sa kama at nag-scroll sa social medias ko. Nakita ko pang Live sa Instagram si Shan, pinindot ko tuloy 'to at nakita ko siyang nasa sala na ng condo niya. Niloko ko pa siya at nag-comment ako sa Live niya.

"Reese is here. Inaasar na naman ako." sagot niya pagkabasa ng comment ko, madami namang nag-respond sa sinabi ko kaya ilang sandali pa at nanatili ako doon.

Pagkatapos ko sa Live ni Shan, dumeretso ako sa Twitter ko, nag-scroll lang ako dahil sa mga trending na nakikita ko. Hindi talaga nawawala sa Trending on Music ang banda na'min, lagi kasing may update about sa'min.

Mag-scroll pa sana ako kaso biglang napunta ako sa Trending List at nakita ko naman ang name ko kaya na-curious ako, tiningnan ko.

Halos mamilog ang mga mata ko dahil sa nakita ko, napabangon pa ako sa kama dahil dito. Ngayon lang 'to, an hour ago. Mabilis siyang kumakalat dahil umaabot siyang ibang bansa. Madaming pictures, mga patagong pictures, mga pictures na wala namang meaning pero lumalabas ngayon. Ang dami na'ding comments, may mga gulat, hindi makapaniwala, may mga galit, natutuwa at hindi alam ang sasabihin. May mga article 'din agad, nakita ko 'din ang article about Current News.

Bakit kanina hindi ito sinabi sa'kin? Kaya ba agad na nag-meeting ang Board at ang mga Managers? Kaya ba pinauwi kami agad? Why? Bakit umabot sa ganito? Ayos akong nagtatrabaho, na-issue pa. And really? Dating issue pa ang nasangkutan ko.

Ako naman ngayon. Year ago, nasangkot 'din sina Alex, Raven at Red sa Dating issue sa mga Actors. Silang tatlo kasi ang sumabak sa Acting World, may mga Acting Projects sila noon at na-issue sila about Dating. Mabilis namang nawala 'yon dahil nagsalita naman agad ang Agency na'min. And now, ako naman, ako naman ang napiling pagdiskitahan. Those people in this world, really insane.

Nang dahil sa nakita ko, nanginginig akong tinawagan si Ate Jody. Sinagot naman niya ito agad.

"It's not true, Ate Jody." tatlong salita lang ang sinabi ko kay Ate Jody at pinatay ko na ang tawag.

Agad ko namang binalikan ang article at napamura agad ako nang makita ko ang bagong labas na balita ng Flash Air.




'New Updates: Queen of Hearts Vocalist, Reese Sebastian and Kaizer Hamilton, the Director of Hot Magazine Issues is currently dating?'

In your Heart Again Where stories live. Discover now