CHAPTER 32: FATHER

27 0 0
                                    

"IS THIS REALLY WHAT YOU WANT?!"

"Arris, stop yelling at her. Ano ba? Gusto ng anak mo ang ginagawa niya, why can't you let her go?"

Nakailang hikbi ako dahil sa nangyayari ngayon. Nananatiling nakababa ang ulo ko sa sahig at magkahawak ang kamay na nakaupo sa couch ng office ni Dad sa Company.

Nakita na ni Dad ang episode sa Ready Morning sa TV yesterday. He didn't like it that's why pinatawag niya ako ngayon dito sa Company na'min, or should I say, Company niya.

Kanina pa siyang salita ng salita sa'kin habang iyak lamang ang sinasagot ko sa kanya, si Mom ang nasagot ng lahat kaya sila ang nag-aaway.

"Ikaw, Lei Anne!" Sigaw ni Dad kay Mom. "Didn't I tell you to stop protecting and spoiling her? Kaya lumalaking gan'yan, ng dahil sayo."

"Stop taking it that na parang kasalanan ko, Arris. Ikaw ang gumagawa kaya nagkakagan'yan ang anak mo." Mom fired back.

"Mom, Dad, please stop." Mahinahon 'kong pigil sa kanila, umiiyak.

Dad look at me. "Didn't I tell you to stop it? Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?"

"Dad, this is my happiness. Bakit ba hindi niyo matanggap 'yon?" Umiiyak na paliwanag ko.

"Damn that happiness! Hindi ka mapapakain ng happiness mo na 'yan, Areese Leigh!"

"Dad, please let me do what I want. Ito nalang po, kahit ito nalang." pagmamakaawa ko.

Dad stared at me, angrily. Nakatitig lang siya sa'kin at nag-tatangis ang panga. Lumingon pa siya kay Mom bago niya guluhin ang buhok niya at tumalikod sa'min. Nagulat nalang ako nang suntukin ni Dad ang table niya, sa gulat ko, napatingin ako kay Mom.

Si Mom, gulat 'din dahil sa nangyari kaya pinigilan niya si Dad na balak ulit suntukin ang table.

"All I want is to give you a happy and contented life, Reese. Wala akong hinangad na iba, kun'di maging maayos ka lang." basag ni Dad ng katahimikan after niyang suntukin ang table.

"Hindi ko naman po sinasabing may buhay na ako ngayon, gusto ko lang po maintindihan niyo na, music. Music po ang nagbibigay sa'kin ng buhay, na ito po yung totoong ako." tumayo ako at lumapit sa kanya.

Niyakap ko si Dad sa likuran at doon binuhos ang natitirang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"I love you, Dad. I will always be your daughter. Gusto ko lang po maging sarili ko, piliin yung sarili ko." bulong ko habang nakayakap sa kanya.

Hindi nagsalita si Dad after no'n, tinanggal lang niya yung pagkakayakap ko at pumunta sa tapat ng glass window, sa tabi ng swivel chair niya. Nakatalikod siya sakin.

Tiningnan ko si Mom, nilapitan niya ako at niyakap. "Shhh, everything is going to be okay."

"Ito ba talaga ang gusto mo?" Napakalas naman ako ng yakap kay Mom dahil sa tanong ni Dad.

"Yes po." I answered, confidently.

Na-tahimik siya. "From now on, do whatever you want."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Dad. "P—po?"

Humarap sa'kin si Dad. "But don't expect me to support you on that because I will never."

After bitiwan ni Dad ang salitang 'yon, iniwan niya kami ni Mom sa office niya. Samantalang ako, nakatulala lang sa kawalan.

Pinayagan niya ako but, he will never support me.

"Reese, please prove to your Dad that worth it lahat ng 'to." bulong ni Mom sa'kin at niyakap ako.

In your Heart Again Where stories live. Discover now