CHAPTER 27: CONFRONTATION

20 1 0
                                    

"Stop this nonsense, Kaizer."

Inalis ko ang kamay kong hawak niya at umalis sa harap niya. Muli naman akong humarap sa kanya nang wala na siya sa harap ko, sa pagkakataong 'yon nakita ko ang reaksyon ni Court sa likod ni Kaizer.

"Guys, I think, we should go," pambasag sa katahimikan na namayani ng isa sa Manager na'min.

Ayaw pa sana ni Raven na umalis dahil ang tingin niya sa'kin ay kakaiba hanggang sa tinanguan ko nalang siya. Napatingin ako sa kanila hanggang sa dumaan sila sa harap ni Court na nakatingin lang ng deretso sa'kin. Pumikit nalang ako nang sumama 'din si Court na umalis, hanggang sa naiwan kami ni Court doon.

"Leigh," tawag niya sa'kin.

Tiningnan ko siya at dinuro. "Don't call me Leigh, Kaizer Beau."

"What? May masama ba sa sinabi ko?" Naguguluhang tanong niya kaya sarcastic akong natawa.

"Oh, stop being so dense, Kaizer. Why would you have to say that? Are you out of your mind?" pigil na galit kong sabi sa kanya.

Nainis na ako sa paraan niya ng pagsasalita na para bang sinisisi niya ako sa mga ginawa niya. The way that he was so confident na sabihin 'yon, nakakainis.

"Why can't I? I want you back," he fired back, trying to get near of me.

I stepped backward and point my finger on him. "Don't you dare get near of me, you can't have me back, Beau. Hindi naging tayo."

Nang dahil sa sinabi ko, natigilan siya. "Ikaw ang dahilan kung bakit hindi naging tayo."

The moment he said that, pumutok ako sa galit. "Tangina, Kaizer. Huwag mo sa'king ibabalik ang kasalanang ikaw ang gumawa!"

Hindi na siya nagsalita, yumuko nalang siya kaya nagpatuloy nalang ako sa pagsasalita gaya ng gusto niya. "You started it. Ikaw ang naging dahilan para bumitaw ako tapos ngayon, ako sisisihin mo?"

Humarap siya sa'kin, trying to reach my hand but I refused. "Reese, it's not like that, wala lang ako sa matinong pagiisip ng panahon na 'yon."

Natawa ako. "So ano, kaya ka nag-desisyon ng gano'n? Ang tanga mo naman pala,"

"Reese, please, hear me out." He tried.

"No, ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang sumuko, ako lang ang bumitaw. Ikaw ang nagsimula, tinapos ko lang, tapos ang lakas ng loob mong pumunta dito, harapin ako at sabihing gusto mo kong bumalik sayo? Nababaliw kana, Kaizer. Matagal kang hindi nag-paramdam sa'kin, hindi mo ko kinausap pagkatapos ng nangyari, nagkita lang tayo nu'ng nakaraan, ganyan kana? Nasaan ang utak mo?" I fired him back, making him silent again.

Inirapan ko siya ay umalis sa harap niya. Bago pa 'man ako makalabas ng pintuan, sinabihan ko na siya ulit.

"You can't have me back, Kaizer. Not again, not a chance." I stopped. "Over my dead body."

I left after I said it. Napatigil naman ako sa pag-hakbang palayo nang makita ko si Court na naka-sandal sa pader na para bang may hinihintay. Napa-ayos naman agad siya ng tayo nang makita ako sa harap niya.

Hindi ako nagsalita, lumapit siya sa'kin at sinuri ang mukha ko. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin, hindi ko na napigilan, tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigil sa harap ni Beau.

How dare he blaming me about his mistake?

"Don't cry." Court whispered between our hugs. "I hate seeing you cry."

Humihikbi akong kumalas sa yakap niya at naglakad na palayo nang walang pasabi, alam kong nakasunod siya sa'kin. Hinahayaan akong umiyak habang nasa likod ko siya.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko, tanging tubig lang ang nakikita ng mga mata ko. Napapagod ako pero mas nakakapagod ito.

"Who is he?" Court asked while we are walking.

"He's a jerk. Fucking jerk." I answered.

"Is he your ex?"

Tumingin ako kay Court. "We never became one."

"Then, why is he acting like that?"

I shrugged my shoulders. "I don't know, he wants me back."

Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap si Court na naunang napatigil dahil sa sinabi ko. "He wants you back, you want?"

"Over my dead body."

Napatitig naman ako kay Court matapos kong sabihin 'yon, nakita ko kasing sumilay ang isang ngiti sa labi niya.

"You okay?" He asked.

Tumango ako. "Oo naman, nagalit lang pero ayos naman."

Ngumiti ito. "Magiging okay 'din lahat. Sa ngayon, you need to go back, naghihintay sina Raven."

Hindi ako sumagot, gaya ng sabi ni Court, nagpunta ako kung nasaan sina Raven. Tumakbo pa sila sa'kin nu'ng makita nila ako.

"Ayos kalang?" tanong ni Red, nakahawak sa kamay ko.

"What happened?" Raven asked, mukang galit.

"Ate, ayos kalang ba?" tanong 'din ni Piel.

Ngumiti ako sa kanila. "Ayos lang ako, 'wag kayo mag-alala."

"Sigurado ka?" Tanong naman ni Shan.

Tumango ako. "Oo, 'wag niyo akong intindihin, dapat ay mag-celebrate tayo dahil nanalo tayo."

Nang dahil sa sinabi ko, nag-yaya ang lahat sa isang malapit na resto-bar. Nagpunta kami doon at doon nagdiwang ng pagkapanalo namin.

Sumama si Court sa'min dahil bukod sa niyaya ko siya, niyaya na'din siya nina Raven. Nakaupo siya sa tabi ko habang may hawak na beer sa kanang kamay.

Nanonood kami ngayon sa mga performers na nasa stage. Halos lahat sila nagiinom na, tanging si Piel lang ang hindi at juice ang iniinom.

"You drink?" napalingon ako kay Court nang bigla siyang magtanong.

"Oo, pero konti lang lagi," sagot ko tsaka uminom ng beer.

Nagiinom ako pero hindi malakas, sadyang may control lang ako sa sarili ko. Hindi ko hinahayaang malasing ako basta.

Ilang sandali pa, biglang tumunog ang phone ko kaya kinapa ko ito sa bulsa tsaka ko kinuha. Halos bumalik ang inis ko nang makatanggap ako ng text galing kay Beau.

From: Beau

Reese, please talk to me. Let me explain.

Hindi ko 'to sinagot sa halip, dinilete ko. Hindi na ako nagisip pa, uminom nalang ako mg beer at tinuon ang atensyon ko sa kaganapan ngayon. Ayokong mag-isip ng iba ngayon, nakakasawa.

Nag-tagal ang aming party hanggang sa umabot ng four o'clock ng madaling araw. Halos lahat ay mga wasted na, tanging kami nalang ni Piel ang hindi. Halos magkatinginan pa nga kami dahil hindi namin alam paano ang gagawin dito.

Buti nalang hindi lasing ang mga handlers at Managers namin kaya sila na ang nag-akay kina Raven na tulog na. Nang masakay na sina Raven, naiwan na lamang kami ni Court sa labas ng Van.

"I'll go ahead." paalam ko, kumaway sa kanya.

Tumango lang siya at lumapit sa'kin, biglang hinalikan ang noo ko. "Goodnight and congratulations."

Ngumiti nalang ako sa kanya tsaka sumakay at kumaway na paalis. Saktong pagpasok ko, kitang kita ko si Piel na nakangiti sa'kin.



"Kuya Warren really likes you."

In your Heart Again Where stories live. Discover now