ILANG BESES pa ba akong dapat mapanganga sa mga nakikita ko ngayong araw?
Una? Ang sasakyan ni damuhong Roby na hanep talaga sa datingan, pagkatapos ngayon ay ito namang eskwelahan na papasukan ko daw.
Gate palang pang susyalin na talaga sa laki, at mula dito sa kinauupuan ko sa loob ng sasakyan ni damuhong Roby ay tanaw na tanaw ko ang lawak ng loob at ang mga nakatayong building hindi kalayuan.
School ba talaga 'to?... Bakit parang mas papasang hacienda?
Bumaling ako kay damuhong Roby na siyang nagmamaneho. Saglit kasi kaming huminto at hinintay ang pagbukas ng gwardya ng gate.
Inalapit ko pa ang mukha ko sa pagitan ng dalawang upuan at kinalabit siya. Sa likod kasi ako nakaupo at si damuhong Lavin ang nakaupo sa unahan.
"Hoy! damuhong Robinhood, school ba talaga ito?" narinig ko ang pagbungisngis ng katabi niya na hindi ko na lang pinansin.
Taas ang isang kilay na tinapunan niya ako saglit ng tingin.
"My name is Roby not Robinhood." pagtatama nito sa pangalan niya bago pinaandar ulit ang sasakyan papasok sa loob.
Aba't nagreklamo pa!...
Nakangusong inirapan ko na lang siya at itunoon na lang muli ang paningin sa bintana sa kanan ko.
Halos mapanganga ako sa lawak at patag ng paligid. Para talaga siyang hacienda kung titignan. May mga iilang puno din ang nakatayo sa di kalayuan na pwedeng pagtambayan, para tuloy isang napakalaking garden ang nakikita ko at tanging ang dinadaanan lang namin ang sementado.
Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang dalawang building na medyo may kalakihan.
Umayos ako ng upo at sinubukang tanawin ang nasa harapan.
Malapit na kami sa pinaka gitna kung saan may natatanaw akong malaking fountain. Apat na building naman ang nakatayo doon na nakaharap sa fountain, pero hindi katulad ng sa unang building na nakita ko, meron itong tag-aapat na palapag, medyo malayo ang pagitan ng dalawang building sa dalawa pa dahil sa napapagitnaan nga nito ang malaking fountain kung saan sila nakaharap. meron ding mga bench na nagkalat sa pagitan ng fountain at sa harap ng mga building.
Napansin ko ang pagliko ng sasakyan kaya napabaling naman ako sa bandang kaliwa ko.
Sa kaliwa ko naman ay tanaw na tanaw ko ang isang open field na parang arena na sa laki, bukod dun ay meron din dalawang building pa na katulad lang din sa unang nakita ko. Isang Gymnasium at isang Emergency Clinic. halos mapanganga pa nga ko sa itrura ng labas ng emergency clinic.
Yung Emergency clinic kasi nila parang isang maliit na ospital na sa bayan namin.
Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Napahinto lang ako sa pagtingin sa paligid ng mapansing pumarada si damunhong Roby sa gilid ng open field.
Agad na pinatay niya ang makina at sabay silang bumaba ni Lavin habang ako naman ay hindi paring makapaniwala sa mga nakita ko, narinig ko ang pag bukas ng pinto sa kanan ko at ang nakangiting mukha ni damuhong Lavin ang bumungad sa akin.
"Let's go!." aya nito.
Bigla tuloy akong nakaramdan ng ilang na tumango sa kanya.
Ewan ko! pero pagkatapos kong makita ang kabuuan ng skewalang papasukan ko, kahit hindi ko pa nakikita ang bawat loob ng mga building na nakita ko, pakiramdam ko ay para akong nanliit sa sarili ko.
Sa ganitong klase ng skewalahan, siguradong anak ng mga mayayamang negosyante o ng mga kilala sa lipunan ang mga nag-aaral dito.
Sigurado ding ubod ng talino ang mga studyante dito.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...