"ANO 'TO?"
Tanong ko kay Ate Shanna habang nakatitig sa black card na parang atm.
May nakasulat naman sa gitna ng card na Handrickson University at sa ilalim naman niyon ay premium card. Pero hindi ko pa rin magets kung para sa ito.
"That's your card, you can use that to buy anything you want in the canteen." nagtatakang napabaling ako sa kanya.
"ito? Ipangbibili ko?" naniniguradong tanong ko at itinaas ko pa ang hawak kong card. Ngumiti naman siya.
"Yes!..."
Hindi makapaniwalang napatitig ulit ako sa card na hawak ko.
Ang galing naman kasi, kung sa ibang skewelahan pera talaga ang ipinangbabayad pero dito, parang hindi ata uso ang pera.
Mabuti na lang... Wala pa naman akong pera.
Hindi kasi uso ang baon sa akin sa dating school na pinapasukan ko.
"Anyway! This is your ID." nabaling naman ang tingin ko sa Id na nilapag ni Ate Shanna tapat ko.
Agad kong dinampot iyon at sinuri din, para din siyang isang card dahil matigas, hindi katulad ng ordinaryong ID lang na dinidikitan lang ng maliit na picture tapos ilalaminate para hindi mabasa, samantalang ito ay naka-print na ang picture ko na kanina lang din kinuhaan, nakasulat din ang pangalan ko pati na din kung anong year ako at kung anong section ko, sa likod naman ay isang QR code, yun kasi ang nabasa ko.
"That is QR code, ii-scan mo yan pag pasok mo sa room mo, para malaman ng system ng school na present ka. At ganun din ang gagawin mo, pag-uwian na."
Napa-wow ako sa sinabi ni Ate Shanna, ang high tech kasi hindi ko na pala kailangang magtaas ng kamay at sumigaw ng present.
May mga iilan pang pinaliwanag sa akin si Ate Shanna bago ako lumabas ng office niya at hinanap ang room ko,
Naalala ko ang sabi sa akin kanina ni Sabina bago kami magkahiwalay ay nasa fourth floor daw ang room ng mga fourth year students, kaya naman umakyat ako dun.
May mga iilang students pa rin ang pakalat-kalat at mga nadadaanan ko, may mga napapatingin pa nga sa akin, at ang iba ay naririnig kong nagbubulungan, pero katulad kanina, hindi ko sila pinansin at nagtuloy lang sa pag-akyat hanggang sa marating ko ang fourth floor.
Medyo hinihingal man, tinignan ko ang Id ko para tignan ulit kung anong section ko at huminga muna ako ng malalim bago muling naglakad at hinanap na ang room ko.
"Section Ace...Section K...Section Q...Section J." at napahinto ako sa huling pinto kung saan nakalagay ang Section ko."Section S..."
Hindi ko na naman maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa ingay na naririnig ko sa loob, ilang beses pa muli akong napahugot ng malalm na hininga bago nagpasiyang pumasok na sa loob na siyang naging dahilan ng katahikan ng mga naroroon.
Agad ko naman napansin ang sinasabi ni Ate Shanna na isang device na nakadikit sa pader sa gilid ng pinto, dun ko ini-scan ang Id ko at ng makita ang green light na check ay saka lang ako humarap sa mga taong nasa loob.
Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang dahil halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Base sa tingin nila ay mga nanunuri.
Napansin ko ang bakanteng upuan malapit sa glass wall sa gilid sa dulo, kaya naman kahit naiilang ay naglakad ako papalapit doon.
Sa gilid pa nga ako dumaan dahil sa maraming nakaharang sa gitna na puro pa kalalakihan.
Lihim akong napalunok dahil ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin, at nang makarating na ako bakanteng upuan at ng makaupo, saka lang ako nakarinig ng mga bulong-bulungan sa mga lalaking nasa gitna.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...