DABAT PA BA kong matuwa na nagpakita na ang matandang hukluban na ito?
Pagkatapos niyang sabihing tinatamad pa siyang sumagot sa mga tanong ko, tapos mahigit isang linggong hindi nagpakita tapos ngayon... Kung kailang malapit na kong mabaliw sa mga katanungang bumabagabag sa isip ko.
Tsaka pa talaga siya nagpakita.
"How are you here? Nagiging komportable kana ba dito?" tanong nito na ikinatawa ko ng nakakaloko.
At may gana pa talaga siyang itanong yan!...
Umayos ako ng upo at saka parang baliw na ngumiti sa harap niya.
"Diba dapat ang itanong mo PO! ay kung kamusta na ako at kung NASIRAAN na ba ako ng ULO sa kakaisip sa mga NANGYAYARI sa akin ngayon?" pigil pa ang inis na sabi ko.
Capslock para dama niyang nabubwisit na talaga ko...
"Aaah! Ganun ba! Edi kamusta? Nasiraan kana ba ng ulo sa kakaisip sa mga nangyayari sayo?"
Aba't tininanong nga!...
Napanganga na lang ako sa tanong niya.
Pigilan niyo ko hahampasin ko na talaga 'tong matandang hukluban na 'to...
Nang mapansing bahagya siyang tumawa ay hindi na talaga ako nakapag pigil pa.
"LOLO!......" nagpapadyak na sigaw ko.
Pakiramdam ko nagpakita lang ito para mas lalo akong asarin at baliwin eh!...
tumigil siya sa pagtawa at saka tumikhim bago nagsiryoso.
"Friday!..." sabi nito na ikinanganga ko lang saglit at nag magsink-in sa utak ko ang sinabi niya ay hindi ko na napigilang tumawa ng malakas.
As in malakas na tawa ng baliw...
Hindi ko alam kung dapat bang hindi ko na lang siya hinarap, kasi pakiramdam ko siya na talaga magiging dahilan para madala na ko sa mental.
Tumigil ako sa pagtawa at matalim siyang tinignan.
"Hindi ko tinatanong kung anong araw ngayon Lolo, at saka sa pagkakatanda ko Wednesday ngayon Lolo! Wednesday...." madiing sabi ko na tila nagtitimpi lang ng inis ko.
"what I'm telling you is Friday---"
"WEDNESDAY NGA LOLO! MYERKULES NGAYON MYERKULES HINDI FRIDAY.... BAKIT BA PINIPILIT MO YANG FRIDAY NA YAN EH HINDI NAMAN ANG ARAW NGAYON ANG TINATANONG KO." malakas na sigaw na siguradong narinig na din ng ibang tao sa loob ng bahay.
Sino ba namang hindi na maiinis ng tuluyan eh hindi naman ang bwiset na araw ngayon ang tinatanong ko.
"Tsk. Don't shout...masakit sa tenga!..." sabi lang nito at kinalikot pa ang tenga.
Napapikit na lang ako at humugot ng malalim na hininga para muling pakalmahin ang sarili ko bago siya hinarap.
"Sabihin mo na Lo!. Ano ba talagang rason kung bakit ako nandito? Pag-aaral lang naman dito sa Maynila ang gusto pero bakit pakiramdam ko may iba pang dahilan kung bakit nandito ako?" nakikiusap ng tanong ko.
Saglit na pinakatitigpan pa ako ni Lolo bago siya huminga ng malalim.
"On your birthday!..." kalmadong sabi nito na ikinakunot ng noo ko. "and that will be on friday."saglit na napaisip ako at ng maalala nga na sa friday na pala ang birthday ko saka muli akong bumaling sa kanya.
Dahil sa mga bagong nangyayari sa aking nitong mga nakaraang linggo at sa mga halo-halong tanong na nagpapatong-patong sa isip ko ay pati birthday ko ay nakalimutan ko na.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...