"WAG PLEASE!..." umiiyak ng pakiusap ko kay damuho pero matalim ang tingin lang na ipinukol niya sa akin.
Hindi ko na napagilang lumakas pa ang iyak ako at napaluhod habang nakikiusap sa kanya.
"Parang awa muna wag mong gawin 'to!" nagsusumamong sabi ko habang nakaharap sa kanya ang magkahawak kong kamay at nakikiusap.
Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin ito sa akin. Ilang beses na naman ako humingi ng tawad sa kanya ng bigla niyang ihunto ang sasakyan at pinababa ako.
"Please naman! Maawa ka sa akin." humahagulgol ng sabi ko, ngunit hindi niya ako pinansin at mas lumapit pa sa akin at bahagyang umupo para magkapantay kami.
Ngumisi siya na mas lalo kong ikinahagulgol.
"I'm sorry to say this. Pero napag-utusan lang ako." aniya at mabilis ang kilos na kinuha niya ang bag ko sa likod ko at basta na lang itinapon iyon sa bangin dahilan para tuluyan na kong napasalampak paupo sa simento at magwala sa kakaiyak.
"HINDEE.....ang bag ko..." sigaw ko habang nakatingin kung saan niya ibinato ang bag ko.
"Tsk. Para kang bata! Tumayo kana d'yan at gagabihin na tayo." tanging nasabi lang nito at basta na lang akong tinalikuran at pumasok sa sasakyan.
Hayop na damuho talaga! Walang awa sa bag ko..
Masama ang loob na tumayo ako at pinagpag ang pwiten ka bago inis na pumasok sa sasakyan, pinunasan ko muna ang pisngi kong basang-basa ng luha bago siya tinignan ng matalim.
Matalim na sasaksak sa panga niyang pangisi-ngisi pa.
"What? I just did what your grandfather said." balewang sabi pa nito bago muling pinagana ang sasakyan na mas lalo kong ikina-inis
Halos makipag hilahan ako sa kanya kanina ng kunin niya ang bag ko, kung alam ko lang na hindi siya madadaan sa pagmamakaawa ko sana pala ay tumakbo na ko pabalik ng Baryo namin.
"Sana nag-isip ka rin bago mo ginawa yung inutos sayo! Ano na gagamitin ko? Nandun lahat ng damit ko. Tanga kaba?" hindi ko na napigilang bulyaw sa kanya na ikinataas lang niya ng kilay, saglit na tinitigan niya pa ako bago bumuntong hininga at gulat na napansandal ako sa upuan ng bigla na lang siyang lumapit sa akin.
Napigilan ko pa ang paghinga ko dahil sa lapit ng mukha niya at nahinga lang ako ng bahagya siyang lumayo na may hila-hila at ikinabit iyon sa kung saan.
"Seatbelt. First time mo bang sumakay ng sasakyan?" aniya habang inaayos ang seatbelt ko bago nito tuluyang pinaandar ang sasakyan.
Napanguso lang ako sa sinabi niya at ng marealize na iniiba lang niya ang usapan at mataray na binalingan ko siya.
"Wag mong ibahin ang usapang damuho ka! Ano ng susuotin ko ngayon sa Maynila?" singhal ko.
tinapunan lang niya ako ng tingin saglit mula ulo hanggang sa paa ko bago napapailing na ibinalik iyon sa daan. Napataas muli ang isang kilay ko.
"Damit na talaga ang tawag mo sa suot mo?" tanong nito na ikinakunot noo ko, pinasadahan ko naman ng tingin ang suot ko.
T-shirt na itim na halata na ang kupas at pantalong kupas din na binili pa ni Mama sa ukay-ukay. Muli akong tumingin sa kanya.
"Anong tawag mo dito?"
"Basahan!" walang pakundangang sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
Ang hayop na 'to ginawa pa kong basahan..
"Aba't gago ka ha!" singhal ko at aambahan ko sana siya ng suntok ng bigla siyang napabuntong hininga at tamad na tinapunan ako ng tingin.
"Just sleep okay! Limang oras pa ang babyahin natin and I want peace. So please! lean yourself and close your eyes so I can drive peacefully." parang napahiyang sumandal naman ako sa kinauupuan ko at inirapan siya bago tumingin sa bintana.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
قصص عامةKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...