CHAPTER 49

39 3 1
                                    

YUNG makakabuti nga sa nararamdaman ko ang disisyon ko pero nakakasakit naman sa nararamdaman ng damuhong kaharap ko ngayon ang ginawa ko--- nakakasakit in physical.

Napangiwi ako habang ginagamot ang sugat niya sa gilid ng labi.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Shonne na suntukin si Danzel ng ilang beses. At ito namang damuho, ni hindi man lang lumaban.

Gusto ko sanang tanungin kung bakit hindi man lang siya gumanti sa ilang beses na pagsuntok sa kanya ni Shonne, pero na-iilang ako dahil sa masamang titig niya sa akin na kanina ko pa iniiwasan, atsaka nahihiya din ako dahil kahit saang anggulo tignan ay alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya sinuntok ni Shonne.

"Care to explain?" basag niya sa katahimikan dahilan para mapahinto ako sa pagpahid ng cotton buds sa gilid ng kanyang labi at nahihiyang tinapunan ko siya ng tingin.

Napanguso ako. Napakasiryoso kasi ng mga mata niya.

"I bet you know that I need your explanation why you did that." napaiwas ako ng tingin at napayuko dahil sa tono ng boses niya.

Patay na...

Napabuntong hininga ako habang pinaglalaruan ang hawak kong buds at napapaisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang dahilan ko kung bakit bigla akong nagdesisyon ng ganun.

Narinig ko ang pagbuntong hininga din niya pero hindi ko magawang tignan siya dahil sa hiyang nararamdaman ko dahil sa nangyari sa kanya.

"You should at least tell me your reason so I could understand why you suddenly decided to choose me--- well, in fact, you already know that we already don't want to meddle between you and Shonne."

Muli akong napahugot ng hininga dahil sa sinabi niya.

Sa tingin ko ay kailangan ko talagang aminin sa kanya ang dahilan ko. Nasuntok siya ni Shonne ng dahil sa akin, Kaya may karapatan siyang malaman ang totoong dahilan ko.

Umayos ako ng upo bago siya binalingan. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko.

Nang dahil kasi sa pagsuntok ni Shonne sa kanya kanina ay nagkagulo na kaya inutusan ako ni Ate Shanna na ilayo si Danzel habang sila naman ay inaaawat si Shonne dahil halata na talaga sa mukha niya ang galit na mas lalo lang nagpakirot sa nararamdaman ko.

Alam ko naman kasing nagagalit siya dahil iniisip niyang siya na ang mapipili kong mapapakasalan at higit sa lahat mapapasa-kanya na ang mana niya.

"Jowey!..." tawag ni Danzel sa pangalan ko na nagpabalik sa ulirat ko. "Explain now! Bago pa ulit sumugot si Shonne dito sa loob ng kwarto mo at paulanan nanaman ulit ako ng suntok." aniya na ikinangiwi ko naman.

"Oo na!..." napipilitang sagot ko atsaka tumikhim.

Ilang saglit munang namayani ang katahimikan sa amin bago ako nagpasyang sabihin na ang totoo.

"Si Shonne..."panimula ko, yumuko muli ako at pinaglaruan ulit ang buds na hawak ko pa rin. "Gusto ko siyang iwasan..."

"Diba ginagawa mo na?" tanong niya na mapait kong ikinangiti.

"Oo! Pero hindi sapat e, nakatira kami sa iisang bubong kaya ang hirap para sa akin na iwasan lang siya basta-basta."

"H-Huh? " bakas sa boses niya na naguguluhan kaya bumaling ako sa kanya at mapait muling ngumiti.

"Si Shonne...Gusto ko na siya Danzel. May gusto na ako sa kanya..." sabi ko dahilan para unti-unting sumiryoso ang mukha niya. "H-Hindi ko alam kung paano o kailangan nangyari basta isang araw, natagpuan ko na lang ang sarili kong nahuhulog na sa kanya sa hindi ko malamang dahilan."

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now