🎶TULALA sa isang tabi. Hindi mapakali...,🎶
Ang lakas ng ulan sa labas. Pero ang isip ay ko lumilipad habang nakatingin lang sa glass wall ng room namin at pinapanood ang ulan.
"Jowey nakagawa ka ng assignment sa Math?"
Nahihibang na ba ko kung iisiping kong may sakit na ko? Madalas ng nagiging abnormal ang tibok ng puso ko. Try ko kayang magpa-check up.
"Jowey!..."
Pero imposible namang may sakit ako sa puso, wala naman siguro kaming lahing ganun.
"TRANSFEREE!..." gulat na natauhan ako ng may humampas sa lamesa ko at makitang si William iyon dahil nakapatong pa ang kanyang kamay sa lamesa ko. mataray ko siyang tinignan.
"Problema mo na naman? Kung bubwisitin mo lang ako pwede ba wag ngayon, wala ko sa mood." inis na sabi ko na ikinataas lang niya ng isang kilay, babaling na sana ako ulit sa glass wall ng mapansing nakatayo si Rose sa gilid ko---isa sa mga classmate kong babae.
Parang nahihiyang napakamot siya sa batok na ikinataas ng kilay ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"She called you many times, pero dahil tulala ka d'yan kaya hindi mo naririnig, and it's annoying me, ang sakit sa tenga ng pangalan mo." napamaang naman ako sa sinabi ng hinayupak na katayo na ngayon sa harap ko.
"Masakit ba sa tenga pangalan ko? Edi maganda para sumabog na yang tenga mo at isama na rin yang pagmumukha mo." singhal ko sa kanya, siya naman ang napamaang sa sinabi ko.
Inis na inirapan ko na lang siya at muling binalingan si Rose na nahahalata na ang takot sa kanyang mukha.
"Ano ba kasing kailangan mo?" pati tuloy siya ay nadamay ko na sa inis ko dahil hinayupak na kaharap ko.
"I-Itatanong ko lang sana kung may a-assignment ka sa Math." biglang nawala ang inis ko dahil sa tanong niya. "Baka sana pwedeng maki-kopya, n-nakalimutan ko kasing gumawa kagabi." dagdag na sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako bago kinuha ang notebook ko sa bag ko.
Syempre hindi ako mawawalan ng assignment, apat na matatalinong damuho ba naman ang kasama ko sa bahay eh! Atsaka isa pa, ang leader ng mga damuho laging chinicheck ang mga notebook ko ng walang paalam kaya madalas siya ang sumasagot ng assignment ko.
Hindi ko nga alam kung tulong pa ba sa pag-aaral ko yung ginagawa niya o tinuturuan niya na kong maging tamad sa paggawa ng assignment.
"Ito oh!..." abot ko sa kanya ng notebook ko, bigla namang umaliwalas ang mukha niya at ng tanggapin niya iyon ay mabilis siyang pumunta sa pwesto ng mga nagkukumpulan naming mga kaklase at dun umupo.
Napapoker-face na lang ako.
Mukhang marami silang nakalimot gumawa ng assignment.
"You're Spoiling them! Baka sa susunod hindi na lang assignment ang iasa sayo ng mga tamad na yan." tamad na bumaling ako kay William.
Hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya sinabi iyon, hindi lang naman kasi ito ang unang beses na nangopya ang mga classmate namin sa akin, halos araw-araw nga ata!.
Pero dahil wala nga ako sa mood makipagbangayan sa kanya ngayon ay napabuntong hininga na lang ulit ako.
"Alam mo, kung nai-inggit ka, kumopya kana lang din, hindi yung ginagambala mo ko." tamad na sabi ko at saka inirapan na lang saya at bumaling muli sa glass wall para pagmasdan ang ulan.
Wala ang teacher namin ngayon sa fourth subject dahil may sakit daw pero sinabihan kami ng teacher namin sa third subject na wag magpalabas-labas para hindi daw kami maka-distract ng ibang section na may teacher.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
Ficción GeneralKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...