CHAPTER 47

37 1 0
                                    

"YOU WON'T understand me because you don't remember anything, but let me tell you this my Dear... You wouldn't know kung anong buhay ang binalikan mo Jowey!... Isang buhay lang naman na punong-puno ng laban na magsisimula nanamang muli dahil sa pagbabalik mo."

"Don't try my patients Francene. You know what I'm capable of doing once I lose my patients."

Ang mga binulong ni Francene at yung galit na nakikita ko sa mata ni Shonne para bang pakiramdam ko ay may tinatago sila na hindi ko maintindihan kung ano ba o kung tungkol ba sa akin.

Hindi ko nanaman kasi maiwasang maguluhan lalo na sa mga pananalita ni Francene na kung umasta ay parang kilalang-kilala talaga ako.

Pero sa mga binatawan niyang salita. Isa lang ang hindi ko makalimutan at pinaka-nagpapagulo sa isip ko.

"...You wouldn't know kung anong buhay ang binalikan mo Jowey!... Isang buhay lang naman na punong-puno ng laban na magsisimula nanamang muli dahil sa pagbabalik mo."

Ang Binalikan ko daw?

Anong pagbabalik ko ba ang sinasabi niya? Ito ang unang beses na nakatungtong ako ng Maynila kaya hindi ko maiwasang maguluhan sa mga sinabi niya.

Napahinga ako ng malalim at wala sa sariling napasabunot sa buhok ko at napatungo.

Simula talaga ng dumating ako dito sa bahay ng mga damuho ay napuno na ng katanungan ang isip ko.

Ang dami na ring nangyayari sa akin na dito ko lang naranasan.

Ang apat na damuho, si Hailey at Ate Shanna, si Renz at si Francene, isama ko na rin si Lolo pati na din ang mga Eldest.

Simula ng dumating sila sa buhay ko at makilala ko silang lahat.

Pakiramdam ko ay parang gumulo ang simpleng buhay na meron ako.

Ang buhay na nararanasan ko ngayon,  ang tungkol sa pagpili ko ng pakakasalan, ang tungkol sa mana at higit sa lahat... Ang nangyayari sa akin sa tuwing naririnig ko ang mga boses ng mga bata na hindi ko naman alam kung sino sila at kung saan nanggagaling ang mga boses na iyon.

Isa pa 'yon.

Isa ring malaking katanungan sa isip ko simula ng marinig ko ang mga boses na iyon ay kung bakit nabanggit ang mga pangalan ng mga taong nasa paligid ko ngayon, maliban kay Francene, at isa pa yung Lanna, hindi ko pa siya nakakaharap pero ang pangalan niya talaga ang mas madalas kong naririnig.

Muli akong napabuntong hininga habang nakatungo parin at napatitig sa homework ko na hindi ko magawa-gawa dahil sa mga gumugulo sa isip ko, at ng marealize na wala pa pala akong nasisimulan ay inis na nagulo ko ang buhok ko.

"Iiihhh! Bakit ba kasi ang gulo-gulo na?" inis na tanong ko sa sarili ko.

"Anong magulo?" gulat na napa-angat ko ang tingin ko ng marinig ang boses ng isa sa mga damuho, napabaling ako sa likuran ko at napansin ko ang tatlo na papalapit sa kinaroroonan ko.

Dito ko kasi sa sala naisipang gawin ang homework ko.

"Naguguluhan kaba sa homework mo?" tanong ni Lavin ng makaupo sila sa mahabang sofa sa kaliwa ko.

"Why are you wasting your time to answer that? Diba si Shonne ang palaging gumagawa ng homework mo?" ani Roby na ikina-irap ko na lang bago muling bumaling sa notebook ko.

Wala kong balak na unahan niya ko sa paggawa ng homework ko dahil iniiwasan ko nga siya diba, nung nakaraang nagtulog-tulugan ako, binalak ko ring gawin ang homework ko 'nun ng maaga pero dahil nga sa nakaidlip ako, napansin ko nalang na tapos na lahat ng assignment ko, at malamang na si Shonne lang naman ang tumapos dahil siya lang naman ang pumasok sa kwarto ko ng gabing iyon.

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now