BAKIT? Bakit kailangan niyang pagbantaan si William ng ganun na para bang kayang-kaya niya ngang gawin iyon.
Si William. Naguguluhan ako sa mga ginawa at pinagsasabi niya kanina pero nung nakita ko na siyang nakasalampak sa sahig habang may dugo ang labi. Bigla akong nakaramdam ng awa.
"Jowey! Okay ka lang ba talaga?" pilit ang ngiting binalingan ko na lang si Sabina nasa tabi ko at saka tumango.
Narinig namin ang pagbuntong hininga ng kaharap namin, bakas sa mukha ni Ate Shanna na ang pagkadismaya sa nangyari at hindi lang iyon, halata din sa mukha niya na nagtitimpi lang siya ng galit.
Ilang beses niya na kasi kaming tinanong kung ano ang nangyayari at kung ano ang pinagmulan ng gulo.
Pero walang kahit sino man sa amin ang nagtangkang magsalita o magpaliwanag, kahit ako, dahil hindi ko rin naman kasi alam ang totoong punto ng gulong ito.
Wala sa sariling napabaling ako kay William na siyang nakaupo sa dulo sa kabilang bahagi ng mahabang sofa, katabi niya ang mga damuho pero siya lang ang bukod tanging nakayuko na parang may malalim na iniisip kaya hindi ko naiwasang mapatitig sa kanya habang binabalikan ko sa isip ko ang mga sinabi niya kanina.
Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung ano bang problema niya na pati ang maganda kong pangalan ay nadamay pa.
"Ano? Ganyan na lang kayong lahat?..." natauhan ako ng marinig ang boses ni Ate Shanna na halatang nagtitimpi na talaga ng inis. "wala talaga sa inyong balak mag salita kung anong kaguluhan ang nangyari sa Cr ng mga lalaki?"
At katulad kanina, wala muling nagsalita kahit isa na ikinabuntong hininga ko na lang.
Kung magpapatuloy ang pananahimik namin ay baka abutan na kami ng uwian dito sa office ni Ate Shanna.
Hindi na kami nakapasok ng first subject kaya para matapos na ang usaping ito ay tumikhim na ko dahilan para makuha ang atensyon nilang lahat.
Saglit na tinapunan ko pa ng tingin si William na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Ikaw dapat ang magpaliwanag damuho ka.
Inirapan ko na lang siya at saka humarap kay Ate Shanna at pilit ngumiti.
"Si William po ang nag-simula, hinila niya 'ko papasok sa Cr para singilin." panimula ko na ikinakunot ng noo ni Ate Shanna.
"Huh!? Singilin? Saan?..." tanong niya na tila naguluhan sa sinabi ko, muli kong tinapunan ng tingin si William na ngayon ay nakakunot noo rin.
Tinaasan ko siya ng kilay bago ngumisi. Alam kong kasinungalingan ang sasabihin ko pero mas magandang ito na lang siguro ang idahilan ko kaysa naman gumulo lang lalo ang sitwasyon.
"Opo! Akala niya kasi tatakbuhan ko siya---"
"What are you talking about?" nagtatakang singit na tanong ni William dahil sa mga pinagsasabi ko.
"Mr. Collins!... Nagpapaliwanag si Ms. Cruz kaya wag ka munang sumabat." singhal ni Ate Shanna, na mas lalo kong ikinangisi. "explain now Jowey, ano bang sinabi mong sinisingil ka ni Mr. Collins?"
Tumaas muli ang isang kilay ni William kaya naman nakangising dinilaan ko siya at saka matamis na ngumiting humarap muli kay Ate Shanna.
"sinisingil niya yung utang kong isang garapong stick-o." sabi ko dahilan para mapaawang ang bibig ni Ate Shanna.
Saglit munang namayani ang katahimikan hanggang sa bigla na lang malakas na tumawa sila Danzel, Roby at Lavin kasama na din si Sabina, habang si Shonne at William naman ay napa poker-face na lang.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...