CHAPTER 23

33 2 0
                                    

"YOUR SHAKING..."

Rining kong sabi ni Lolo habang naglalakad kami sa red carpet sa gitna papunta sa stage.

Sino ba naman kasing hindi kakabahan at manginginig kung ang lahat ng mata ng mga taong nandirito ay nasa-akin ang tingin.

Halata namang mga bigating negosyante at mga kilala sa lipunan ang mga bisita.

Wala nga kong kilala kahit isa eh! Maliban sa apat na damuho at Hailey.

Napapaisip tuloy ako kung ako ba talaga ang may birthday o si Lolo.

Dahil sa kaba, pagkailang at panginginig itunuon ko na lang ang atensyon ko sa kabuan ng hallway.

Halata kasing pinaghandaan ang lahat, mula sa kulay at desenyo.

Red and black ang theme ng party. May mga nakapalibot na mga bulaklak sa gilit ng hallway, ang mga lamesa naman ay bilog na kaya sigurong i-ocupied ang sampung tao, meron ding mga lamesa na para sa gusto lang ng standing position. May mga napapansin din akong mga waiter at waitress na nagkalat at nag-iikot

Sa gilid naman sa kanan ay nandun ang mga handa,at ang cake naman na may limang patong ata sa laki ay nasa gilid sa kaliwa at sa likod ng cake ay may isa pang lamesa na pinagpapatungan ng mga regalo.

Sa stage naman, may balloon na lettering kung saan nakasulat ang pangalan ko at sa pinaka gitna ng stage may upuan na parang pang Queen ang style na para sa akin ata, may mahabang lamesa din sa harap nun.

Reyna pala ang peg ko...

Bali lima talaga ang upuan dalawa sa kaliwa at dalawa sa gitna, napapaisip tuloy ako kung para kanino ang mga upuan na yun.

Pero sa lahat ng nakikita ko, kasama na ang mga taong nakatingin sa akin ngayon.

Isang bagay na naman ang tinanong ko sa isipan ko.

Deserve ko ba ang lahat ng ito?

Nabalik ako sa realidad ng makarinig ng malakas na palakpakan. Saka ko lang din narealize na nakahinto na pala kami at nakatayo na sa gitna ng stage.

"Masyadong malalim ang iniisip mo." mahinang sabi ni Lolo na ikinabaling ko sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong pinakikiramdaman niya ako.

Lihim akong napabuntong hininga bago bumaling sa mga bisita.

Muli na naman akong nakaramdaman ng kaba, dahil mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko kung gaano karami ang mga bisita ko.

Bisita talaga ni Lolo yun...

"Don't think too much Jowey! Just enjoy your night." rinig kong muling sabi niya kaya naman bahagya kong inalapit ang mukha ko at bumulong sa kanya.

"k-kinakabahan lang ako Lo. Ang dami niyo pala kasing bisita." sagot ko na ikinabaling niya sa akin at napakunot noo.

"they are your guess." aniya.

Napa-aahh na lang ako sa sinabi niya at pilit ngumiti.

"sakin pala, muntik ko na sanang isipin na kayo talaga ang may birthday eh!..." ani ko na ikinairap niya, napanguso naman ako.

Totoo naman talaga!...

Napaayos ako ng tayo ng marinig ang pag-ingay ng mic.

"And now that the debutan is here. Let's all hear her speech for a moment." ani MC na ikinamaang ko, napansin ko pa ang paglapit ng MC sa amin at inabot nito kay Lolo ang mic

Bakit may speech? Hindi naman ako kandidato?

"Lolo!..." mahinang tawag ko ng tanggapin niya ang mic. "bakit may pa speech-speech pa hindi naman ako kandidato?" tanong ko.

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now