CHAPTER 36

34 2 0
                                    

"HOW'S your study apo?"

Tanong ni lolo na hindi ko pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko na parang wala akong mga kasama sa hapag.

Wala ako sa mood makipag plastikan sa lolo ko ngayon, dahil masama parin loob ko sa kanya.

Narinig ko ang pag tikhim ni Lolo pero hindi ko pa rin siya pinansin dahilan para kalabitin na ako ng katabi kong damuho.

Taas ang isang kilay na bumaling ako kay Lavin, sinenyasan niya ako na sumagot pero inirapan ko lang siya at nagputuloy muli sa pagkain.

"You're still ignoring me?" tanong ulit ni Lolo, at katulad kanina, parang wala akong narinig na sumusubo lang sa kinakain ko.

Sarap kaya ng pagkain...

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Ramdam ko rin na nakatingin sa aking ang apat na damuho.

"I called you many times last week but you never answered one of my calls that's why I pay to visit you here. But it seems like you really don't want to talk to me." saka lang ako napahinto sa pagsubo dahil sa sinabi nito at pagak akong napatawa na tinignan siya. Uminom muna ako ng tubig.

"kailangan po palang hindi ko sagutin ang tawag n'yo para lang bisitahin mo ako dito." masama ang loob na sabi ko sa kanya.

Halos dalawang linggo na ang lumipas ng malaman ko ang tungkol sa pagpili ko ng pakakasalan pero ngayon niya lang nakuhang magpakita.

Tapos tatanungin niya lang ako kung kamusta pag-aaral ko, e paliwanag ang gusto kong marinig mula sa kanya.

Ayokong maging bastos. Pero syempre gusto kong maintindihan ang lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon.

Parang last month lang isa akong dukhang nangararap tapos ngayon rich kid na ang peg ko, may pa-choose the groom pa ang status ko.

"wala pa rin po ba kayong balak sabihin sa'kin ang tungkol sa pagpili ko ng pasasakalin ko?" biglang napakunot noo si lolo sa sinabi ko habang ang mga damuho naman ay natawa maliban kay Shonne na ayun, tumaas lang ang sulok ng labi habang napapailing pa.

"Anong pasasakalin Jowey? Baka pakakasalan." pagtatama pa sa akin ng katabi ko, masama tinging binalingan ko si Lavin na natatawa pa rin.

"Alam ko! At pag umepal ka pa ikaw na talaga pipiliin kong sakaling damuho ka. Ang slow mo..." napangisi naman siya at nakamot sa ulo na inirapan ko lang at binalik muli ang tingin kay Lolo.

"Ano na Lo? Ipaliwanag niyo na sa akin kung bakit wala kong choice kung hindi ang mamili ng sasakalin ko sa apat na damuhong 'to---"

"I already told you---"

"Shut-up!..." singhal ko kay Shonne na siyang pumutol sa sinasabi ko, parang gulat na napataas naman ang isang kilay niya kaya lihim akong napalunok.

Hindi ko naman sinadyang sumigaw, bigla kasi siyang sumabat eh!

"Stop!... Lets finish our food first then we'll talk later." maotoridad na sabi ni Lolo na ikinayuko ko.

Wala na nanamang umimik pa sa amin at tahimik na pinagpatuloy na namin ang pagkain at ng matapos ay nag kanya-kanya na kaming tayo, maliban kay Shonne na inalalayan si Lolo sa pagtayo.

Lihim akong napangiti.

Kung di lang talaga dimunyito minsan ang ugali niya, iisipin kong isa siyang anghel na may malaking puso.

Nang makarating kami sa sala at makaupo agad na bumaling sa akin si Lolo.

"Now ask!..." parang utos na pagkakasabi niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng ilang dahil lahat sila ay nakatingin sa akin at ng mapansing halos lahat sila ay naghihintay talaga sa mga gusto kong itanong ay napanguso na lang ako.

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now