CHAPTER 43

38 2 0
                                    

"SHE'S BACK!..."

"Yeah! I still can't believe na kilala siya ng Black Kings."

"She's just a transferee! Hindi kaya ang Black Kings mismo ang nagdala sa kanya dito?"

"I doubt it..."

"But Shonne hugged her in front of all the students. Did she have a relationship with our King?"

"Hindi pumupatol si King Shonne sa isang katulad niya, baka iniinis lang ni Shonne si William, remember? She is with William nung niyakap siya ni Shonne."

"Yeah! Maybe..."

Gusto kong sumigaw, gusto ko silang sigawang lahat na mga peste sila, pero hindi ko ginawa. Napakuyom na lang ako habang taas noo pa ring naglalakad papunta sa main building ng high school.

Halos lahat ng nadadaanan ko ay napapatingin sa akin at magbubulungan ng tungkol sa nangyaring last week.

Wala sa sariling napabuga ako ng hangin.

Kasalanan 'to ng leader ng mga damuho e!...

Kung kasi hindi sana niya ko niyakap ng araw na 'yun edi sana walang mga nanlilisik ang matang nakatingin sa akin ngayon---mga tinging parang gusto na kong ibaon sa nilalakaran ko.

"Jowey!..."

Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko ng marinig ang boses ni Sabina.

Medyo nabawasan na ang pagkailang na nararamdaman ko dahil alam kong may makakasama na ko sa paglalakad.

Nakuha niya pa akong kawayan habang patakbong lumalapit sa akin.

Pero hindi pa man tuluyang nakakalapit si Sabina ay nagulat ako ng may biglang humawak sa pulsuhan ko at basta na lang akong hinila paliko sa main building at pinasok sa loob ng cr ng mga lalaki na ikinalaki ng mata ko.

"H-Hoy! Baliw k---"

"Get out!..." sigaw niya sa dalawang lalaki na nasa loob. Mas lalo akong nagulat ng tarantang lumabas ang dalawang lalaki at pagkatapos ay malakas na isinara niya ang pinto, narinig ko pa ang pag-lock niya sa door knob dahilan para makaramdam na ako ng konting kaba.

Humarap siya sa akin, nakikita ko ang galit sa mukha at mga mata niya na hindi ko maintindihan kung para saan?

Lihim akong napalunok at nilabanan ang masamang titig niya.

Hindi ko alam kung anong problema ng taong itoat basta na lang akong kinaladkad papasok dito.

Malakas na inagaw ko ang kamay ko na hawak parin niya at umatras ng dalawang hakbang.

"Ano bang problema mo?" inis na sigaw ko sa kanya, pero imbes na sumagot ay muli na naman niya akong nilapitan at hinawakan sa pulsuhan ko at basta na lang akong isinandal sa pader na muling ikinalaki ng mata ko.

Naramdaman ko ang paghigpit na hawak niya sa pulsuhan ko habang nakataas. Unti-unti na kong nakakaramdam ng inis sa ginagawa ng baliw na ito sa akin.

"B-Bitawan mo 'ko ano ba!---"

"Who are you?" putol niya sa sasabihn ko habang nakakatig sa mga mata ko, napataas ang isang kilay ko tanong ito.

Baliw na nga!...

"Ano bang pinag---"

"Just answer me transferee!... Who are you?" nagtitimping sigaw niya sarap ng mukha ko dahilan para hindi agad ako nakasagot at napapatig na lang sa kanyang mga mata.

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now