"JOWEY lumabas kana d'yan!..."
Inis na napabalikwas ako ng bangon at napatitig sa nakasarang pinto ng kwarto ko.
Kanina pa kumakatong si Lavin pero wala akong balak na pagbuksan siya ng pinto.
Pagkatapos ng nangyari kanina? Tingin nila makikisabay pa ko sa kanila sa hapunan?
Manigas sila! Feeling ko nga halos mangamatis ang mukha ko kanina tapos nagawa pa nila kong pagtawanan kaya nung natauhan ako ay nagtatatakbo agad ako paakyat dito sa silid ko.
Lintik na hinayupak na damuhong Shonne na 'yun! Lakas ng loob makanakaw ng halik, nakakailan na siya at parang namimihasa na ata ang gago.
nagustuhan mo naman!
Mabilis na ipinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip. Dampi lang naman ang ginawa niya kaya paano ko magugustuhan iyon.
Bakit? Gusto mo ba higit pa sa dampi?...
Wala sa sariling napasabunot ako sa buhok ko dahil sa kung ano-ano nang kalokohan ang pumapasok sa isip ko.
"biting your lips was tempting me to kiss you! So take that as my warning babe..."
Parang mababaliw na ipinilig ko ulit ang ulo ko ng muli nanamang pumasok sa utak ko ang binulong ng hinayupak na damuhong Shonne na 'yun.
"Warning? Nagbibiro lang naman siguro siya diba?" tanong ko pa sa sarili ko. "Hindi niya naman siguro ako ulit nanakawan ng halik diba! Kasi baka pag ginawa niya ulit iyon---" napahawak ako sa labi ko. "baka kapag ginawa niya ulit iyon? Baka bumigay na ko ng tuluyan..."
"Jowey ano ba! Naghihintay na sila sa baba pati na din ang mga bisita." muling sigaw ni Lavin na nagpabalik sa katinuan ko.
Napakunot noo ako sa narinig.
Bisita?
"May bisita kami? Sino naman?" at dahil sa bigla akong na-curious ay bumaba ako ng kama at lumapit sa pinto para pagbuksan si Lavin na halos kalahating oras na ata akong kinakatok.
Naiinis na mukha niya ang bumungad sa akin ng pagbuksan ko siya ng pinto, pero syempre hindi tatalab sa akin ang matalim niyang tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Sinong mga bisita?" tanong ko na ikinailing na lang niya.
"Shanna, Hailey, Renz, and the Music Twins are here." sagot nito na ikinakunot ng noo ko.
"Music Twins? Sino yun..." bigla siya napangisi sa tanong ko.
"Note and Rhyme..." napa-aahh na lang ako sa sagot niya, na-gets ko naman kasi agad kung bakit music Twins ang itinawag niya sa kambal.
Syempre hindi naman ako ga'nun ka-bobo 'no!...
"Anong ginagawa nila dito?" tanong ko muli na muli rin niya ikinabuntong hininga at saka bagsak ang balikat na napatitig na sa akin.
"Can we just go down now? I'm hungry, sa baba na lang natin alamin kung bakit sila nandito please?... Jowey?" bigla akong napangiwi sa parang nagmamaka-awa na niya ngayong mukha, kaya naman kahit nakakaramdam pa rin ng hiya ay napahugot na lang ako ng malalim na hininga para kumuha ng lakas ng loob na humarap sa kanila.
Hindi ko na lang ulit papansinin ang magnanakaw na damuhong 'yun...
"Tara!..." aya ko na naikinaliwanag agad ng mukha niya.
Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at saka sabay kaming bumaba. Ramdam ko ang unti-unting pagkabog ng dibd-dib ko habang pababa kami at ng tuluyan kaming makababa at makapasok sa kusina ay muli nanamang bumilis nag tibok ng puso ko.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...