SOMEONE'S POV...
"WHERE is he?" he asked why still looking at the glass window.
"He's with them now...including her." I said and sat on the couch. "What are you planning now? Bukas na ang birthday niya. And you know what that means."
He turned around and faced me.
"I have no plans for now. I will let them do what they want for now, but tell him to keep an eye on her."
"But she's with them. I don't think may mangyayaring masama sa kanya." naglakad siya palapit sa akin at umupo sa pang isahang sopa.
"Hindi tayo nakakasigurado, lalo na ngayong nilabas na nila siya." napabuntong hininga na lang ako at saka tumayo.
"As you wish! Anyway! I'm invited to her birthday. Do you want to be my escort?"
"No thanks! And this is not the right time to face them...specially her." nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya at tinalikuran siya.
"I'm leaving then..."
Jowey's POV...
Lord! Bigyan niyo ko ng kapangyarihang lumipad para maitapon ko ang sarili ko sa dagat sa kahihiyang nagawa ko.
"I can't believe you're thinking that to us?" hindi paring makapaniwalang tanong ni damuhong Roby habang tumatawa ng malakas ganun din ang ginawa ng iba na mas lalong nagpadagdag sa kahihiyang nararamdaman ko.
"What makes to think that we could do that to you? And just to make it clear dear Jowey! I'm just a doctor who saves patients' lives not to kill them or taken their life." napanguso na lang ako sa sinabi ni Renz.
Muli ulit silang nagtawanang lahat. Maliban kay damuhong Shonne na ngisi at iling lang ata ang alam gawin.
Lord bigyan niyo na lang po sila ng kabag para hindi ko na kailangang itapon ang sarili ko..
"Saan mo ba kasi nakuha yung idea na kukunin ng mga 'to ang organs mo at ililibing kana lang basta-basta." tanong ni Ate Shanna na hindi parin mawala-wala ang ngiti.
Napanguso ako atsaka ituro si Renz na biglang tumigil sa pagtawa ng makitang nakaturo ako sa kanya.
Lahat din ay tumigil sa pagtawa at tumingin din kay Renz."Huh!? Bakit sakin? Sa pagkakatanda ko ay sinundo ko lang kayo sa labas ng ospital." nagtatakang taong niya pero halata pa rin ang pipigil ng tawa.
Napabuntong hininga ako at tinarayan siya, kunwari hindi ako naapektuhan sa kahihiyang dinadanas ko ngayon
"Sabi mo kasi hinanda mo na yung chopper at may naghihintay satin, malay ko bang sasakyan yung chopper at sila Hailey pala ang naghihintay sa atin."
Muli silang nagtawanan.
"Anong kinalaman nun sa sinabi ni Renz?" si Lavin ang nagtanong kaya napanguso na lang ulit ako.
"A-Akala ko kasi..."
"akala niya na yung chopper ay yung paglilibingan niya at yung mga naghihintay ay yung mga kukuha ng organs niya." paliwanag ni Hailey.
Okay! Ikaw na! Hailey manghuhula.
At dahil trip nga nila ko mas lumakas na naman ang tawanan.
"It's trench Jowey! Parang ang layo naman ata ng trench sa chopper." natatawang sabi ni Roby na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
"Edi! Ikaw na matalino! Tumawa ka pa damuho ka." mataray na sa sabi ko na ikinatawa muli nilang lahat.
Dahil sa sobrang hiya na talaga ng nararamdaman ko ay tumayo ako sa kinauupuan ko at tinalikuran sila.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...