WILLIAM POV...
Why? Of all people. Bakit ako lang ang hindi mo matandaan? Why them Lanna? They left you when you need them, Ako. Ako ang nasa tabi mo nung panahong kailangan mo ng tulong, kaya bakit? Bakit hindi mo ko matandaan?
Hindi ko maiwasang mapakuyom ng mahigpit habang pinapanood sila at hinihila ni Shonne ang babaeng halos ilang taon kong hinanap na papasok ng sasakyan.
Hindi ako tanga. Ngayong alam ko nang si Jowey si Lanna, sigurado akong gagawin ni Shonne ang lahat para lang hindi kami magkalapit, pero hindi ko hahayaang mangyari yun.
Hinding-Hindi. Ngayon pang natagpuan ko na ang kaisa-isang susi ko.
"Hindi mo siyang magagawang ilayo sakin Hendrickson. Gagawin ko ang lahat para maalala niya---"
"You can't do that Collins." putol na aniya ng nasa likuran ko dahilan para mapabaling ako sa kanya---sa kanila pala.
Masamang tingin ang pinukol ko sa kanilang lahat. Kumpleto ang mga alipores ni Shonne. Ano nanaman kayang dahilan at nagtipon-tipon nanaman sila.
The last time I saw them together was when Shonne suddenly hugged Jowey in front of me.
"At sino kayo para sabihin sa'kin ang hindi ko kayang gawin?" Matapang na saad ko habang nakatitig sa kanila.
Francene suddenly chuckled to make me groan. Mas lalo akong napakuyom dahil sa nakakaloko niyang ngiti habang mataray na nakatingin sa akin.
"Don't be so stupid William. You can't do anything. Remember? Isa ka lang asong sunod-sunuran sa ama at lolo mo---"
"Shut up Francene." Shanna exclaimed. Pero hindi ko naitago ang inis na naramdaman ko dahil sa sinabi ni Francene.
Bitch...
"Why? I'm just telling the truth..." nang-iinis na sabi pa nito.
"Shut your fucking mouth---"
"Your words Collins..." it was Lavin. Taas ang isang kilay na bumaling ako sa kanya at ngumisi. Nakapamulsa siya habang nakatitig sa akin.
"Then tell your girlfriend to shut her mouth---ooh! I mean...ex-girlfriend." mapang-asar na sabi ko dahilan para mabakas ko ang inis sa kanyang mukha.
"Stop it William, we are not here to argue with you." Singit ni Hailey. Umayos ako ng tayo at isa-isa silang tinignan lahat.
Ramdam kong may kakaiba sa kanila ngayon pero kung ano man iyon, I don't care. Meron akong mas kailangang pagtuunan ng pansin ngayon.
"Then get lost..." ani ko at tinalikuran na sila at naglakad.
"William..." boses ni Hailey ang tumawag sa akin hindi pa man ako nakakalayo. Huminto ako pero hindi ko sila nilingon. "Don't do anything na makakasakit kay Jowey." dagdag na aniya na ikinakunot ng noo ko at bumaling sa kanila.
Mataman parin silang lahat na nakatingin sa akin. Muli akong napakuyom.
Anong karapatan nilang sabihin sa akin ang mga salitang iyon?
"Anong karapatan niyong ipaalala sa akin iyan? Diba dapat ako ang magsabi sa inyo n'yan? Dahil sa ating lahat, alam niyong hindi ako kung hindi kayong lahat ang nagparanas sa kanya ng sakit." biglang nagbago ang expresyon ng mga mukha nila sa sinabi ko.
Of course. They know what I'm talking about, kaya wala silang karapatang sabihin sa akin ang mga salitang iyon.
"Wala kang alam Collins." ani Roby dahilan para pagak akong mapatawa.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...