LIGHT BLUE coat, white long sleeve, red necktie at light blue rin na palda na hanggang hita lang.
Halos mamangha ako habang tinititigan ko ang uniform ko na nilatag ko sa ibabaw ng kama ko.
Ang laki ng pagkakaiba sa blouse at paldang lagpas tuhod na sinusuot kong uniform sa eskwelahang pinapasukan ko sa Bayan namin.
Hindi rin makakaila ang ganda ng tela. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng excitement para bukas.
First day of classes na bukas, at masasabi kong talagang natupad na ang pangarap kong makapag-aral ng Maynila kahit pa na may iba pang dahilan kung bakit ako naririto.
Dinampot ko ang uniform ko at maayos na isinabit iyon sa hanger at inilagay sa walkin closet. Matapos ay nakangiting agad na ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.
Hindi ko na nagawa ang unang plano ko sana ngayon na pahirapan ang mga damuho dahil nga sa sinabi ni Lavin, pero nagtagumpay naman ako na sila ang unang kumausap sa akin, kahit ang totoo, si damuhong Lavin lang talaga ang nagtangkang kausapin ako.
Mabilis na ipinilig ko ang ulo ko, ayoko munang mag-isip ng tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko.
Pag-aaral ang dahilan ko kung bakit ako narito, kaya dapat hindi ko muna isipin ang totoong dahilan kung bakit narito ako.
Plano kong magpokus sa pag-aaral ngayong taon dahil graduating na ako. Hindi ako ganun katalino, pero sisikapin kong makaangat ang utak ko ngayon kahit konti lang.
"Goal... Maka-graduate ngayong taon at wag hayaang magambala ng kahit sinong damuho ang pag-aaral ko"
pero hindi ibig sabihin nun ay makakalimutan ko ang plano kong pahirapan sila.
Insert evil smile....hahaha...
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang phone ko. gumapang ako padapa para kuhain iyon sa ibabaw ng side table at agad na tinignan kung sino ang nagtext.
From Damuhong Robin: have you check your uniform? Wanna go to school with me tomorrow?
Napataas ang isang kilay ko sa text nito. Hindi ko na sana papansinin ang text niya dahil sa nabubwisit pa ko nga ako, ng muli naman akong naka-recieve ng text mula sa isa pang damuho.
From Damuhong Danzel: Don't come to school with Lavin tomorrow. Just go with me.
Mas lalong napataas ang isang kilay ko sa text nito, at walang pang ilang sigundo, muli ulit akong may narecieve na text.
From Damuhong Lavin: sabay tayo sa school bukas ha, hintayin kita😘
Basa ko sa text ni Lavin na tuluyan ng nagpanganga sa akin, lalo na ang emoji na ginamit nito.
Ngunit hindi pa ko nakakabawi sa emojing ginamit ni Lavin ng muli na naman ulit akong nakarecieve ng text.
From Damuhong Shonne: don't fucking let them to go with you tomorrow. YOU ONLY GO WITH ME...ONLY ME.
Nanlalaking matang basa ko sa text ng leader ng mga damuho, napabalikwas pa ako ng upo habang paulit-ulit na binabasa sa isip ko ang malalaking letra sa text niya, at halos para gusto ng lumabas ng puso ko sa loob ng katawan ko ng muli ulit siyang magtext.
From Damuhong Shonne: because you are MINE...
Wala sa sariling napatitig ako sa text niya at binasa muli ang salita na malaking letra.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...