-Hello onelubbvers! Sorry for not updating this past few weeks. Medyo na-busy lang ang lola n'yo sa business but don't worry cause I will still try to update but not every day like I'm used to it. Anyway. Tuloy pa rin ang story nila Jowey and Shonne at dahil masyadong mahaba TALAGA ang story nila. It's means marami pang magaganap sa bawat chapter ng Love story nila😍 Anyway! Enjoy reading😘
***
BAKIT BA SA araw-araw na ginawa ng d'yos. Bakit kailangang kabwisitan agad ang bumubungad sa akin sa tuwing papasok ako ng school?Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang? Maranasan ko naman ang tahimik na buhay ko dito sa school?
Simula kasi talaga 'nung mangyari ang eksena sa gitna ng field one month ago. Mas lalo lang akong binubwisit ng damuhong stick-o boy na 'to. Kagaya na lang ngayon.
Hindi na nga magkanda-ugaga ang isip ki sa kagagahang disisyong ginawa ko para lang maiwasan ang leader ng mga damuho tapos ngayon ay may dumadagdag pang isa ring damuho ng sa buhay ko.
"Ganito kaba magsulat? Parang kinahig ng manok!..." nakataas pa ang isang kilay na sabi niya habang nakatingin sa notebook ko na bigla lang naman niyang kinuha sa bag ko ng walang paalam para lang kumopya ng assignment. "parang mas maganda pa sulat ko sayo eh!..." aniya na ikinapoker-face ko at saka napabuntong hininga para pahabain pa ang pasensya ko.
"Nakiki-kopya ka na nga lang ng assignment nag-rereklamo ka pa! Siraulo kaba?" ani ko atsaka mabilis na hinila ang notebook ko mula sa kanya at mataray siyang tignan. "atsaka diba feeling matalino ka? Bakit nakiki-kopya ka ng assignment ko?" napataas ang isang kilay niya sa sinabi ko atsaka tumagilid ng upo paharap sa akin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Hindi ako magfe-feeling. Matalino talaga ako, and who told you na makiki-kopya ako ng assignment sayo?" napataas din ang isang kilay ko.
"Eh! bakit mo kinuha ang notebook ko ng walang paalam sa bag ko?"
"because I want to check if you already have an assignment...igagawa sana kita kung wala pa." agad na sagot niya na ikinamaang ko at napatitig sa kanyang mukha.
Tama ba narinig ko?...
Napansin ko ang pag-ilap ng kanyang mga mata at biglang nag-iwas ng tingin, umayos din siya ng upo kaya naman napatikhim ako.
"H-Hindi mo na kailangang gawin iyon, may taga-gawa ako ng assignment ako." saad ko at saka umayos na rin ng upo at tumingin na sa harap pero nahagip pa ng mata ko ang pagbaling muli niya sa akin.
"W-Who?" tanong niya at huli na ng marealize ko ang sinabi ko.
Lihim akong napapikit at ngali-ngaling tuk-tukan ang sarili ko ng bigla na lang niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya na ikinagulat ko.
Ang siryoso na ng mukha niya, kaya hindi ko maiwasang mailang sa biglang pag-babago ng mood niya.
"Si Shonne ba?" tanong muli niya at sa pagkakataong ito ay lihim na akong napalunok.
Bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan ng damuhong iyon.
Ito nanaman ang pakiramdam ko sa tuwing maririnig ko ang pangalan ng damuhong iyon o sa tuwing maririnig ko ang boses niya o kahit ang makita ko lang siya--- Ang pakiramdam na pilit kong iniiwasan.
"Answer me Jowey! Si Shonne ba?" bahagya akong nagulat dahil sa medyo pagtaas ng boses niya.
Ramdam ko na rin ang mga matang nakatingin sa amin dahilan para tuluyan na kong makaramdam ng ilang.
"Si Shonne ba ang gumagawa ng assignment mo? Answer me?" nakarinig ako ng pagsinghap sa paligid pero ang ilang naramdaman ko ay napalitan ng inis dahil sa tono ng boses niya.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
Fiction généraleKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...