CHAPTER 12

39 2 0
                                    

PARANG GUSTO ko na talagang pasakan ng granada ang mga bunganga ng dalawang damuhong ito ng tumigil na sa kakatawa.

Mabulunan sana kayo!...

Hindi ko alam kung alin ba ang nakakatawa sa kinuwento ko.

Yung part ba na...nung araw na sinundo ako ng hinayupak na damuhong Danzel na yun na akala ko katapusan ko na o yung part na halos maglumpasay ako sa pagmamakaawa nung tinapon ng damuhong iyon ang bag ko sa bangin.

"Shit!...hahaha...." tamad na sumandal na lang ako sa likod ng sopa at pinanood sila kung kailan  malalagutan ng hininga ang dalawang damuho sa kakatawa.

"damn! You really think that to him?" hindi paring tumitigil sa pagtawa na tanong ng damuhong Robinhood na 'to.

Huminga ako ng malalim at napakamot sa ulo.

"Masisisi niyo ba ko?  e unang tingin ko palang sa hinayupak na damuhong yun parang tagasundo na ni kamatayan." mas lalong lumakas ang tawanan ng dalawa na talaga naman halos tumagundong na sa loob ng bahay.

"I bet Danzel would be furious if he heard that from you." natatawang sabi ni Lavin at may pahawak pa sa t'yan ang damuho.

Please Lord, bigyan niyo ng kabag ang damuhong 'to...

Napanguso ako sa sinabi niya.

"bakit naman?..." para tuloy akong biglang nabahala.

"Danzel is one of the heartthrobs on our campus. Halos lahat ng babae sa school ay anghel ang tingin sa kanya..." napataas ang isang kilay ko sa sinabi ni damuhong Robinhood.

Aminado naman akong gwapo ang damuhong Danzel na 'yun pero ang malamang lahat ng babae school ay anghel ang tingin sa kanya?

Mas marami pa ata ang malalabo ang mata sa school na papasukan ko...

"One of the heartthrobs? Baki sino yung iba?" tanong ko na sana hindi ko na lang pala ginawa.

Dahil ang mga damuho...sabay na umayos ng upo at sabay ding nagde-kwatro at pinag-krus ang braso sa dibdib.

"We are..." may pagmamayabang na sabay na sagot nila.

Napa-poker-face na lang ako.

May paparating na bagyo! Biglang humangin eh!...

"ibang klase rin bilib niyo sa sarili n'yo no!." sabay muling natawa ang dalawa bago sila ulit sumandal sa likod ng sopa.

"We are just stating the fact Jowey!" nagmamalaking sabi pa ni damuhong Lavin.

Hindi na lang ako umimik at tumango-tango na lang para matigil na ang kahanginan ng dalawang damuho.

Saglit na namayani ang katahimikan sa aming tatlo at naputol lang iyon ng magring ang phone ni Lavin, tumayo pa siya at nagpaalam muna saglit na sasagutin lang daw ang tawag.

Saka ko lang naalala ang phone na binili sa akin ni Roby, kinuha muna niya kasi sa akin iyon para iset-up daw.

"damuhong Robinhood." taas ang isang kilay na bumaling siya sa akin.

"Can you please stop calling me that? It's disgusting." napanguso lang ako sa sinabi nito.

Kala mo naman makikinig ako...walang basagan ng trip.

"Yung phone ko? Kailan mo bibigay?" tanong ko. Napabuntong hininga muna siya bago tumayo, sakto namang bumalik si Lavin at saglit pa silang nagka-senyasan na ikinakunot ng noo ko. Napansin ko pa ang pagtango ni damuhong Robinhood kay Lavin bago tuluyang umalis at umakyat.

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now