CHAPTER 13

53 2 0
                                    

"SLEEP WELL... MY QUEEN..."

Ang boses na yun!...

Para bang narinig ko na!

Napasabunot na lang ako sa buhok at ginulo-gulo pa dahil sa kakaisip kung saan ko ba narinig ang boses na yun na tila binulong sa tenga ko.

Hindi ako maaring magkamali. Alam kong hindi lang panaginip ang narinig ko.

"Sigurado talaga kong may bumulong sa'kin---" napatigil ako sa pagsabunot sa buhok ko.

"Hind kaya isa sa mga damuho?..." tanong ko sa sarili at ng maalala ang mga damuho at saka ko lang din naalala ang nangyari kagabi dahilan para kumulo na naman ang dugo ko.

"Ang mga hinayupak..." mabilis na bumaba ako ng kama, naligo muna ako saglit at nagbihis, sinuot ko rin muna ang salamin ko at agad na lumabas ng kwarto ko para bumaba.

Siguradong nakauwi na ang dalawang iyon kaya sisiguraduhin ko ring makakatikim sila sa akin.

Nang dahil sa kanila ninakawan ako ng halik ng magnanakaw.

Kaya nga magnanakaw eh!...

Naiisip ko palang nangyari yun ay parang namumula na ako... Namumula sa galit.

Halos iningat-ingatan ko ang labi ko sa baryo namin kahit wala naman talagang nagkakainteres sa akin.

Tanging si Danny na nga lang ang nabulag sa kagandahan ko kung meron man. Pero ni minsan kahit haplos sa balat o hawak sa kamay ay  hindi ko pinalasap sa taong yun tapos ngayon...isang magnanakaw lang kumuha ng first ko...

Hindi makatarungan...

Subukan lang ulit ng magnanakaw na yun na bumalik dito sa bahay, sisiguraduhin kong makukulong siya na may tahi ang labi.

Pero bago siya, uunahin ko muna ang dalawang damuhong nagpapainit ngayon ng ulo ko. At sakto namang pagpasok ko ng kusina ay ang dalawang damuho agad ang bumungad sa akin na ikinangisi ko.

Sabay na bumaling sa akin ang dalawa at ngumiti.

Aba! Nakuha pang ngumiti... Humanda kayo...

"Good morning Jowey!..." nakingiting bati ni Lavin.

Umayos naman ako ng tayo at dahan-dahan lumapit, ngumiti pa ko at tumango para hindi nila mahalata ang binabalak ko.

"Com'on Join us..." aya naman ni Roby.

"Sige!..." sagot ko lang at nilampasan ang dalawa at lumapit sa lababo, napansin ko pa ang pagsunod ng tingin nila.

"You want coffee? Ako na magtitimpla..." rinig ko pang sabi ni Lavin na ikinawala ng ngiti ko.

Iginala ko ang tingin ko saglit hanggang sa mahanap ko ang pakay ko, nakangisi kinuha ko iyon at tinapat sa mukha ko.

"Hindi ako magtitimpla ng kape..." sagot ko habang nakangising sa hawak ko at sinusuri kung gaano ito katalas.

"Magkakatay ako..." sabi ko at saka siryosong humarap sa dalawa habang nakataas parin ang hawak kong kutsilyo na sabay nilang ikinagulat. "...at kayong dalawa ang kakatayin ko mga damuho kayo..." singhal ko at mabilis na lumapit sa kanila na agad naman nilang ikinatayo.

Patakbong umikot si Lavin sa pwesto ni Roby, huminto ako sa tapat nila dahil napapagitnaan namin ang lamesa.

"J-Jowey A-Ang aga mo naman atang makipaglaro ng habulan, baka gusto mong kumain muna..." ani Lavin na nasa likod ni Roby.

"C-Can you please put that thing down Jowey! Nakakamatay yang hawak mo." mahinahong sabi ni Roby pero bakas ang takot sa mukha niya habang nakataas pa ang dalawang kamay.

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now