AYOKO SANANG masira ang gabi ko.
Pero dahil hinayupak na damuho ang mga kasama ko lalo na ang leader nila. Ano pa bang aasahan ko.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang big deal sa hinayupak na damuhong Shonne na 'to ang suot ko e ang sexy-sexy ko kaya.
Todo effort si Hailey sa pag-aayos sakin tapos itong damuhong Shonne. parang gusto na kong paliparin pabalik ng bahay.
"Sinabi ng ayoko eh! Bakit ba ang kulit mong damuho ka." naiinis na talagang bulyaw ko sa kanya.
Kanina niya pa kasi pinapasuot sa akin ang coat niya simula pagsakay namin sa sasakyan na sumundo sa amin na hindi ko maintidahin kung sasakyan ba ng pangpatay.
Mahaba kasi eh! Pero sosyal naman kasi may mini cooler sa loob.
Kaya ang tatlong damuho feel na feel ang pag-inom ng whiskey daw ang tawag dun, habang aliw na aliw sa panonood sa amin. Isama na rin si Hailey na parang uod na kinikilig pa e wala namang nakakakilig sa pangbuwisit ng damuhong katabi ko.
"Just fucking wear this--- fuck! Don't move your leg---Danzel give me your Coat." pagpupumilit pa rin niya pero syempre hindi papatalo ang ganda ko ngayon, aba! Pang Marian Rivera ang beauty ko ngayon tapos sisirain niya lang.
"Ayoko ko nga! Ang ganda-ganda ko ngayon tapos sisirain mo lang---Ano ba lumayo ka sabi eh!---"
"I said wear---"
"I said no! Ayan! Punyeta ka napapa-english tuloy ako-- lumayo ka nga---" nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla na lang siya malaglag sa upuan at napusobsub ang gwapo niyang mukha.
Napalakas ata ang pagkaka-tulak ko. wala sa sariling napabaling ako sa apat sa kabilang upuan kung saan magkakatabi sila.
Bakas din ang gulat sa mga mukha nila at walang sino man ang nagtangkang pagtawanan si Shonne, hanggang sa bumaling sa akin si Hailey na parang nakakita ng multo sa reaksyon ng mukha.
"We.Are.Dead." napalunok ako sa sinabi niya at dahan-dahan bumaling kay Shonne na nakaupo na at masama na ang tingin sa akin.
Napansin kong may kinuha siya sa kanyang bulsa at ng makitang ang phone niya ay bigla akong nakaramdam ng kaba.
Ipapapatay niya na ba ko?
Saglit siyang nag-pipindot at itinapat iyon sa kanyang tenga bago inilipat ang masamang tingin kay Hailey na ngayon ay parang namumutla na.
"Go to Hailey's Shop and burn it. NOW!..."
Tulalang napanganga ako sa narinig. Para akong bigla nakaramdam ng takot sa pag-uutos niya sa kausap. Natauhan na lang ako ng marinig na nagdadabog na si Hailey at parang maiiyak.
"Don't do this to me Shonne!..." pakikiusap nito kay Shonne na siyang bumalik na sa tabi ko, bigla tuloy akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko at muling napalunok.
Wag kang gagalaw Jowey kung hindi tigok ka...
bumaling sa akin si Hailey ng hindi siya pinansin ni Shonne
"Please Jowey! Help me! Hindi pwedeng sunugin niya ulit ang Shop ko, kapapa-renovate ko lang ulit nun eh!..." napamaang naman ako sa sinabi niya.
Sunugin ulit? Ibig sabihin...
Dahang-dahang bumaling ulit ako kay Shonne na katingin pala sa akin.
Sa akin nakasasalay ang Shop ni Hailey!...
Ngumisi ako at inabot ang coat niya na nasa hita niya.
"M-Masyado kang mainipin pogi... Susuotin ko na nga para hindi na ulit sumubsob yang gwapo mong mukha..." sabi ko at saka mabilis na sinuot ang coat niya bago bumaling sa tatlong damuho na napapailing nalang habang nagpipigil ng tawa.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...