"LUMILINDOL ba?"
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko na agad ko ring tinakpan ng tumama sa mata ko ang sikat ng araw.
Sikat ng araw?...
Napakunot noo ako ng marealize na umaga na pala kaya agad akong napabalikwas ng bangon at ginala ang paningin.
Napansin kong nasa isang maliit na kwarto ako na mas lalo kong ikinakunot noo. Hindi ko na rin maiwasang makaramdam ng takot sa isiping wala ako sa bahay.
Saka ko lang naalala ang nangyari kagabi.
Ang takot na nararamdaman ko ay mabilis na napalitan ng galit dahil sa damuhong magnanakaw na 'yun.
Inis na tumayo ako ngunit agad din akong napaupo sa kama ng maramdamang gumalaw ang paligid.
Akala ko panaginip lang na lumilindol pero parang totoo nga! Muli ulit gumalaw ang paligid, pero sa pagkakataong ito ay nakarinig na ko ng bahagyang paghampas mula sa labas dahilan mapabaling ako sa bintana.
At parang halos gusto ng lumabas ng mga mata ko panlalaki ng marealize kung na'san ako.
Tulalang napatayong muli ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang una kong maramdaman sa mga oras na 'to pero isa lang ang sigurado ko.
Kinidnap ako...
Hinayupak na damuhong magnanakaw na'yun hindi pa nakontento sa pag-nakaw niya ng first kiss ko, kaya pati ako ninakaw na rin ng buong-buo.
Sabi na iba talaga kutob ko sa pagtitig ko sa mga mata ng hinayupak na Shonne na 'yun eh!
Napatitig lang ako sa mga mata niya pag-gising ko nandito na agad ko sa dagat?
Hindi pa talaga nakontento sa panlulunod niya sa akin sa titig niya, parang gusto pa atang ilunod ako ng totoo.
"Hinayupak na damuhong magnanakaw ka..." nagtitimping galit na bulong ko.
Muli kong ginala ang mata ko at ng makita ang isang maliit na pinto ay mabilis akong lumapit doon at binuksan iyon., isang medyo makipot na daan ang bumungad sa akin at napansin ko agad ang hagdan sa dulo 'nun.
Naglakad ako palapit sa hagdan at dahil medyo may kakiputan din iyon ay humawak pa ako sa gilid paakyat.
Taas ng sikat ng araw ang sumalubong sa akin ng makaakyat ako ng tuluyan.
Kasabay ng mga naghuhunihang ibon mula sa langit ang bawat hampas ng alon na lumilikha din ng tunog.
Sa mga oras na 'to pakiramdam ko ay parang biglang naglaho ang inis ko at napalitan iyon ng pagkamangha sa nakikita hanggang sa natagpuan ko na lang ang sariling napapangiti habang naglalakad palapit sa railings.
Ang mga ibong nagliliparan, ang malawak na kulay asul na dagat na bahagyang umaalon at ang taas ng sikat ng araw at ang malakas na simoy ng hangin.
Napahawak ako sa railings at hindi ko maiwasang mapapikit at dinama ang pagtama ng sikaw ng araw sa balat ko pati na din ang hanggin na parang idunuduyan sa paglipad ang buhok kong nakalugay.
Saglit pa kong nanatiling nakapikit at dinadama ang pagdampi ng hangin sa'kin at ng makontento ay saka lang ako dumilat at nakangiting iginala ang paligid hanggang sa mapadako ang tingin ko sa taas.
Saka lang bumalik ang inis ko ng makita ang lalaking nakatayo sa taas na mukhang may kausap sa phone habang nakapamulsa ang isang kamay at nakatitig sa akin.
Napasandal ako sa railings at inis na nakipagtitigan sa kanya, pero habang tumatagal, ang inis na nararamdaman ay unti-unting naglalaho at para bang napapalitan iyon ng kuryusidad.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
Genel KurguKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...