Shonne POV...
"WHAT DO you think you're doing Shone Ivan? This is not what you promised to us."
I silently clenched my fist.
"I know..." tanging naisagot ko na lang sa aking ama---but deep inside. I hate thinking that they want to manipulate me using my request 12 years ago.
I know what they want me to do. But honestly. Kahit gustuhin kong sundin ang lahat ng utos nila kapalit ng pagtupad nila sa kahilingan ko---hindi ko magawa. I've tried but I can't.
How could I let her with that fucking bastard. How could I wait until she graduates if, William already knows who she really is?
I know it was my fault. Nang dahil kasi sa padalosdalos na katangahan ko, nalaman tuloy agad ng gagong iyon na buhay si Lanna.
Pero masisisi n'yo ba 'ko? Halos ilang taon akong naghintay makasama ko lang siya sa tabi ko.
"Please, Son! Ginagawa naman lahat ng mga Eldest para maprotektahan ng palihim si Jowey gaya ng pangako nila sayo. You just have to be patient Son, basta sumunod ka lang sa plano---"
"Dad!..." I cut him and glanced at him, bakas sa mukha niya ang kaseryosohan at puno ng awtoridad pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-aalala niya para sa akin.
He just wants me to be safe, I know--- but I want her to be safe too...
Saglit akong nakipagtitigan sa aking ama bago napabuntong hininga ng malalim at saka tumayo na.
I have my own plan. I know they don't want to middle on Jowey's fight, but not me. Hindi ko hahayaan na mag-isa lang ni Jowey na harapin ang naiwang laban ng pamilya niya.
Hindi ko hiniling na ilayo siya at panatilihing ligtas para lang pabayaan siya sa huli. It's not going to happen---I'm not let that to happen.
Her fight is my fight too. Hindi ko hahayaang maulit na naman ang nangyari 12 years ago---na wala ako sa tabi niya...
"Son..."
Ayoko ng pahabain pa ang usapang 'to dahil baka kung saan lang mapunta, atsaka isa pa ay nangako ako kay Jowey na sasabayan ko siyang maglunch. Tumingin ako sa relo ko at parang gusto ko ng tumakbo pabalik sa unit ng makitang alas dos pasado na pala.
"I'm sorry Dad! Let's talk again some other time, but for now, I have to go." iwas na paalam ko at tinalikuran na siya para umalis.
"Shonne..." napahinto ako sa paglabas ng conference room at binalingan ang aking ama. He looked at me seriously for a while before he took a deep breath and stood up. "...I don't want to say this but I'm warning you, Shonne Ivan. Ito na ang huling beses na kikilos ka ng wala sa plano. I know how much you care for her, but you have to focus on our plan if you want her to be safe or else...hindi magdadalawang isip ang mga Eldest na putulin ang ugnayan ninyong lahat sa kanya." I suddenly clenched my fist. The way he talks makes me feel wrath. He's threatening me...
At ayoko mang aminin, kahit alam kong makakaya ko ng protektahan si Jowey, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot sa isiping makakaya nga nilang bitawan si Jowey at putulin ang pakikipag-ugnayan naming lahat sa kanya.
Naglakad si Dad palapit sa akin saka tinapik ako sa balikat.
"Son! I know what you feel towards her, pero walang magagawa yang nararamdaman mo para sa kanya ngayon, and in fact, she already choose Danzel to be her groom, and you know what does mean right!..." napabuntong hininga si Dad na mas lalo kong ikinakuyom.
Why does he have to remind me that? As if I let Danzel to marry my Queen.
"...Anyway! Nag-set na ng date ang Eldest kung kailan nila kakausapin sina Danzel at Jowey." napakunot noo ako sa narinig.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
General FictionKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...