"AKIN LANG si Lanna..."
"Ako ang gusto ni Lanna...
"She is mine...."
"Argggg!..." inis na naibato ko ang ballpen na hawak ko at padabog na tumayo sa upuan at lumapit sa kama ko, pabagsak na humiga ako sa kama patihaya at napatitig na lang sa kisame habang pilit inaalis sa isip ko ang mga salitang narinig ko kay Shonne kaninang umaga.
Hindi ko alam kung bakit pero simula pa kanina ng marinig ko ang pakikipag usap niya sa phone at binanggit ang pangalan na yun, ay hindi na ko mapakali.
Lanna?
Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan na 'yun, dahil una kong narinig ang pangalang yun sa mga boses ng mga bata na naririnig ko sa isip ko.
"Sino ba si Lanna?" wala sa sariling tanong ko. Naalala ko ng minsang itanong ko rin kay Hailey kung sino si Lanna pero sinabi niyang hindi niya iyon kilala, pero ngayong narinig kong binanggit ni Shonne ang pangalang iyon, hindi ko na naman maiwasang mapaisip.
Kung dati ang tanong ko lang ay kung sino si Lanna at bakit naririnig ko ang pangalan niyon sa mga boses na naririnig ko, ngayon ay dumadagdag na sa katatungan ko kung sino ang Lanna na iyon sa buhay ni Shonne.
"Akin lang si Lanna...Ako ang gusto ni Lanna..."
Napapikit ako at pilit inaalis ang mga salitang iyon na narinig ko mula kay Shonne.
Ayoko mang aminin pero parang may kung anong mabigat sa loob ko simula pa kanina matapos kong marinig ang sinabi niya sa kausap niya.
Hindi ko pa nga matukoy kung bakit nag-iiba ang pakiramdam ko sa tuwing kaharap ko ang damuhong iyon, ngayon naman ay dumagdag pa itong bigat na nararamdaman ko.
"Nagseselos ba ko?" wala sa sariling tanong kong muli sa sarili ko. "gusto ko na ba talaga siya?"
Halos magdadalawang buwan pa lang ng makilala ko siya pero ganito na agad ang nararamdaman ko.
Hindi ko pa nga maamin sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya pero ngayon palang pakiramdam ko ay nasasaktan na ko sa isiping may ibang babae pala siyang nagugustuhan at saka isa pa, ang katotohanang iba ang pakikitungo niya sa akin ay dahil sakin nakasalalay ang makukuha niyang mana kung sakaling siya ang piliin ko.
"Hindi ko na gusto 'tong nararamdaman ko, dapat sigurong iwasan ko na 'to habang maaga pa." kausap ko sa sarili.
Napahinga muli ako ng malalim at saka pilit na bumangon paupo sa gilid ng kama at napatingin sa ginagawa kong mga notes na inabot sakin kanina ni Roby galing kay Sabina.
"Sabi ko hindi ko hahayaang maapektuhan ako sa lahat ng gagawin ng mga damuho, pero ng dahil sa leader ng mga damuhong iyon ay hindi ko na magawa ang dapat kong gawin ngayon." himutok na sabi ko at saka padabog na bumalik muli sa study table ko pero hindi pa man ako tuluyang nakakaupo ng maalala ang mga damuho.
Ngayon ko lang naisip. Magdadalawang buwan na simula ng malaman ko ang tungkol sa pagpili ko ng pakakasalan para makuha nila ang mamanahin nila pero napansin kong parang hindi ata sila gumagawa ng kahit anong hakbang para makumbinsi akong isa sa kanila ang dapat na piliin ko. Maliban kasi sa palagi lang nila akong binibilhan ng pagkain at kung ano-anong gamit ay bukod dun ay wala na.
Imposible namang sa ganung paraan lang nila akong balak kumbinsihin, hindi naman sa nagrereklamo ako o nag-eexpect pa ko ng higit pa, pero haler! Malaking mana ang pinag-uusapan dito, kaya kung gusto talaga nilang mukha iyon ay dapat mas kakumbinsi-binsi pa ang ginagawa nila diba?
Matanong nga sila.
Nagpasya akong mamaya na lang tapusin ang ginagawa ko at lumabas ng kwarto ko, sakto namang pagbaba ko ay nasa sala ang tatlong damuho.
YOU ARE READING
The Chosen Bride-(On-Going)
Ficción GeneralKapag mahirap ba? Dapat nang hindi mangarap ng mataas? *** Naniniwala naman si Jowey Cruz na ang isang katulad niyang mahirap ay hindi na dapat mangarap ng mas mataas pa sa lipad ng ibon. Hindi rin naman kasi siya kagandahan, at hindi rin gan'un ka...