CHAPTER 11

46 2 0
                                    

HINDI NAMAN siguro madadagdagan ng isa pang damuho sa tinitirhan ko diba?

Baka kasi mabaliw na ko ng tuluyan at lakarin ko na lang pauwi sa Baryo Mabuhay, maakalis lang sa bahay na 'yun.

Kanina ng matapos kong mag-fill up ng form at ng makapag paalam na kami para umalis.

Hindi na ako nakapag pigil na itanong sa dalawang damuhong ito kung sino ba yung He?

Pero ang mga gagong damuho puro ngiti at ngisi lang ang isinasagot sa akin.

Ang sarap na ngang tahiin ng mga bunganga nila para hindi na makangisi e.

"Jowey! Ar---"

"Ano?..." bulyaw na tanong ko hindi pa man natatapos ang sasabihin ni damuhong Lavin.

Dahil nasa likod lang nila ko, napansin ko ang pasimpleng pagkamot ni damuhong Lavin sa batok niya bago ako binalingan.

"I just want to ask if you are hungry?" biglang nagliwanag ang mukha ko sa tanong nito at napangisi, bahagya ko pang inilapit ang mukha ko sa pagitan ng inuupuan nila ni damuhong Roby na ikinaatras ng mukha niya.

"Kakain tayo?" excited na tanong ko, dahan-dahan naman siyang tumango na mas lalo kong ikinatuwa.

Pakiramdam ko nawala agad ang inis ko sa isiping makakakain na ako ng hindi lutong bahay.

"Saan?" tanong ko ulit.

Ito kasi ang unang beses na makakakain ako sa labas. Kaya dapat masiguro kong masarap sa kakainan namin.

At syempre dapat marami rin akong makain.

"S-Sa Mall..." sagot ulit nito na mas lalo kong kina-excite.

"Talaga?..." hindi ko napigilang mapa-palakpak.

Hindi naman sa pagiging ignorante pero parang ganun na nga, kanina kasi nang papunta palang kami sa University ay may mga nadadaan na kaming malalaking Mall.

Ito din ang unang beses na makakapasok ako ng Mall kung sakali.

Ang Baryo Mabuhay kasi ay parang liblib na lugar at kailangam pang pumunta sa bayan para lang makapamili, pero kahit sa bayan ay walang Mall, maliit lang din kasi iyon at isang oras lang ang lakaran mula sa Baryo namin kaya medyo tago din iyon.

"You seems excited! Ngayon ka lang ba makakapasok ng Mall?" si Roby ang nagtanong na agad ko namang tinunguan ng hindi pa rin umaalis sa pwesto ko, napansin kong napakunot noo ang dalawa kaya naman napabuntong hininga ako.

"Walang Mall sa lugar na pinanggalingan ko, medyo tago din kasi ang lugar na yun at kakaunti lang ang populasyon kaya siguro walang negosyante ang nag-aksaya ng panahong magtayo ng mga gusali doon." pagkwento bago muling ngumiti sa isiping makakapasok na ako ng Mall.

Napansin ko pang saglit na nagkatingin ang dalawa na hindi ko na lang pinansin.

Naramdaman ko ang pagliko si Roby ng sasakyan kaya napabaling ako sa bintana at saka ko lang napansin ang maraming sasakyang nakaparada na nadadaanan namin.

"Asan na tayo?" nagtatakang tanong ko.

"Mall..." si damuhong Lavin ang sumagot, napataas ang isang kilay kong bumaling sa kanya.

"Bakit puro mga sasakyan? Kala ko ba kakain tayo?" tanong ko ulit na ikinatawa niya.

"Nasa parking lot tayo ng Mall." sagot nito, bigla naman akong nakaramdam nang hiya, feeling ko tuloy ay napahiya ako dahil sa ka-ignorantehan ko.

Uso kasi maghintay Jowey! Excited lang lumamon?...

Nang maramdaman ko ang pag-hinto ng sasakyan ay muli nanaman akong na-exctie, hindi ko na nga hinintay na pagbuksan ako ng pinto at sumabay na sa paglabas nila.

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now