C H A P T E R T W E N T Y - F O U R
*****
VEE's POV
Pinahid ko na naman ang luhang tumulo sa pisngi ko. Shet naman. Hanggang kailan ko iiyakan ang kapatid ko?!
Siguro dahil hindi lang siya yung dahilan...
Sinabi ko ngang wala akong pakialam kahit yun ang isipin ni Tri sa akin. Kahit sinabi kong wala akong pakialam kahit magalit pa sya sa akin... Hindi ko pa rin maiwasan masaktan na ganoon ang reaksyon ni Tri.
Hindi man lang nya ako pinigilan....
Shet naman O!
"AAARGGGHHHH!" iyak ko.
Kahit gabi na sa park na yun, kahit maraming tao, wala akong pakialam.. Gusto ko ilabas to!
"Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon pang... gustong gusto ko na si Tri?! Wala na ba talaga akong karapatan sumaya?!"
Sige iyak pa....
Kung sana'y nandito si Hero para i-comfort ako...
Pero nag da-drama pa ang isang yun! Shet namang magkapatid na yun! Bakit ganoon sila manakit?!
"Sige. Iyak pa."
Agad akong napahinto. Ngumiti ako dahil sa wakas, nandito na sya uli.
"Akala ko patay ka na." sabi ko habang nakatalikod pa rin. Paaimpleng pinapahid ang luha.
" Akala ko rin."
***boooooooogssssshhhhhh***
"ARAAAY!"
"Peste ka! Alam mo ba kung gaano kaming nag alala sa yo! Pati si papa di na makapag isip kung saan ka hahanapin! Pati yung mga teammates mo para nang mga baliw sa kakahanap sa'yo.. Hindi na nga nakakapaglaro nang maayos tapos..."
"Oo na. Sorry. Pero di mo ako kailangang sapakin para i prove mo yung point mo!"
Imbes na mainis, napatawa nalang ako. Na miss ko tong aswang na to.
"San ka ba nagpunta?!"
"Kahit saan lang."
"Babalik ka pa ba sa SSS?"
"Hindi ko alam. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila eh."
"Ano ka ba?! Di ba nga sinabi ko sayo na nag alala taga sila sayo. Kahit si Tri..."
"Hay. Si Tri ba ang dahilan kaya ka umiiyak?"
Tiningnan ako ni Hero. Umiwas ako ng tingin.
Langya. Huli agad ako?
"Sabi ko na nga ba... Ang galing nilang magkapatid, saklap kung manakit."
'' Pero masarap kung magmahal."
"Sobra."
Napatahimik ako. Alam na alam ni Hero yung feelings ko.
"May sasabihin ka pa di ba?" tanong niya
" Ha?"
"Sino pa nagpaiyak sayo?"
Hay. Kilala na niya talaga ako.
"Nakita ko na ulit siya."
"Ha? Talaga? Anong nangyari?"
"He hates me Hero. At hindi ko maintindihan kung bakit..."
Dun na ako umiyak. I didnt know what to do anymore. Crying was only the way to make me feel better...
Niyakap ako ni Hero... Gaya nang dati niyang ginagawa kapag umiiyak ako...
"Sila pa yung susunod na makakalaro ng Wolves... Galing ng tadhana."
Napabitaw si Hero.. "As in?"
Napatawa ako. "Oo. Kaya bumalik ka na. Alam ko namang di mo matitiis na di maglaro. Lampasuhin mo yung team ng kapatid ko."
Napangiti si Hero. I miss that smile.
"Kaya pa kaya nila akong tanggapin?"
"Oo naman. Nandyan naman si Maju para ipagtanggol ka."
"Heh. Oo nga pala. Nawala sa isip ko yung salimpusa."
"So babalik ka na?"
"Ewan. Tara na, kanina pa ako na-jejebs."
"Langya, kaya pala kanina pa ako may naaamoy!"
*****
Tri's POV
*pooooosh
*toooog
117th na bola.....
.... na hindi ko ma shoot.
"Tri ayos ka lang ba? Wala ka sa sarili mo ngayon ah." tanong ni Chad sa akin.
Oo. wala nga ako sa sarili ko...
"May problema ba?"
"Wala. Pagod lang ako."
"Kung ganoon magpahinga ka nalang muna.."
Tumango ako. Umupo ako sa mga bench at pinunasan ang mga pawis ko.
"O. Inom ka."
Isang mineral water ang inabot ni Maju.
"Salamat."
Umupo sa tabi ko si Maju.
"May nangyari no?"
"Oo. Pero ayoko munang pag usapan."
"Okay! Di naman ako tsismosa."
Napangiti nalang ako.
"Pero di nga anong nangyari sayo?"
Di daw tsismosa.
Tumayo ako at nagpasyang iwan nalang si Maju.
"OMG!"
"Totoo ba to?"
"Bumalik ka!"
"You're back."
Napahinto ako dahil sa biglaang ingay sa gym.
Bumalik?
Tumalikod ako.
Nakita ko ang lalaking minsan kong tinuring bilang matalik na kaibigan...
"Pwede pa bang mag try out?"
"HEROOOOOOO!!!!"
*****
AFTER 4 MONTHS, I'M BAAACK!
Summer na kasi namin so....
UPDATE UPDATE DIN PAG MAY TIME.. <3
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?