C H A P T E R E L E V E N
Maju's POV
"O."
Sabay na napatingin ang ibang myembro ng Basketball team sa akin nang abutan ko ng chocolate bar si Alexander.
(O___________________O?????)
Nasa Gym sila dahil practice nila para sa susunod na laro. At nang mag break sila, agad kong nilunok ang pride ko at binigyan ko ng chocolate na binili ko si Alex.
Nagpalipat lipat ng tingin si Alex sa akin pati na rin sa inaabot kong chocolate sa kanya.
Tanggapin mo na !!!
"Maju, ano yang ginagawa mo?" tanong ni Hero.
"Bat mo binibigyan ng chocolate si Alex?" dagdag pa ni Tri.
"Ang tanong, bakit sya lang? Bias ka na masyado, Maju. Special ba si Alex sayo at binigyan mo pa sya ng chocolate?" isa pa tong si Drei.
"Kahit ako mismong kapatid niya, na nagdala ng mga pinamili niya, hindi niya binigyan. Tss." hindi magpapahuli ang magaling kong brothaaaar!
Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Grrrrrr!
Nahihiya akoooooo!!!
Damn this guy! Bakit ba kasi di niya kunin? Napapahiya na ako!!!
"Wala kayong pakialam." inis na sabi ko sa kanila. Tiningnan ko nang masama si Alex na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Syete! Ang gwapo ng batang to!
"Ano pang hinihintay mo? Tanggapin mo na!"
"No thanks." sagot niya saka biglang lumabas ng Gym.
Napatulala ako. Iniwan ako nang ganoon ganoon lang?????
Grrrrrrrrr!!! Walang ka amor amor sa katawan ang freshman na yan!!!!!!!
"Hindi niya....tinanggap?!!!!!!" pagkausap ko sa sarili ko.
Narinig ko nalang ang tawanan sa paligid ko.
"Kawawang bata. Binasted. NYAHAHAAHAHA!!!!!"
"Kahit kailan talaga bastos yang si Alexander. Pati si Maju nabiktima. HAHAHAHAHA!!"
Naguusok! Kumukulo! Nagbabaga!!!!
Grrrrrrrrrrrr!!!
Tiningnan ko sila nang masama na parang mararamdaman na nilang mamatay na sila.
Napahinto sila sa pagtawa.
"Tara na. Practice na." anunsyo ni Drei.
"Oo. Tara!"
At agad na nagsibalikan ang mga players sa pag eensayo habang ako ay naguusok at parang sasabog na sa galit.....
....at sa kahihiyan.
"Katakot naman pala ang mukha ni Maju kapag nagagalit. Buti nabubuhay ka pa habang kasama sya sa iisang bubong." narinig kong bulong ni Hero kay Lay.
"Kaya hindi ako tumawa kasama niyo. Alam ko kasi na kapag tumawa ako, malamang patay na ako mamaya." sagot pa ni Lay.
Grrrrrrr!! Dahil sa pesteng Alex na yun kaya napahiya ako!!! Bwisit!
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?