C H A P T E R S I X
Maju's POV
"Ready na ba kayo sa laro bukas?"
Napalingon ako sa court. Naka line up ang buong team kay Coach. Napangiti ako nang matantong bukas na pala ang unang laro ng The Wolves. Unang laro ng kapatid ko. At unang laro na papanoorin ko.
"Yes Coach!"
"I will now announce the F5."
F5?
Kinalabit ko si Kaze sa tabi ko na kanina pa nakatulala..
"Ano yung F5?"
"First Five."
Oooooh...
"Eh bakit lima lang?"
Tiningnan ako nang masama ni Kaze.
"Pakialam ko. Basta lima lang ang maglalaro!"
(-_______-""")
Nakakatakot naman ang isang to!
"Drei. Tri. Hero. Lay. And Alex."
(O.O)
Kasali si Lay sa F5!!!!!
Pati si Alexander. Well, dahil sa galing nya sa mga practices kaya sya pinili sa F5.
"Inaasahan ko ang mga abilidad na pinakita nyo sa mga practice natin. Kayo ang susi.....
..para makamit na ng The Wolves ang inaasahang tagumpay."
****
"Coach!" tawag ko kay Sir Lulu habang palabas sya ng Faculty.
Wala na akong oras para sa deadline ng FBSO. Kailangan ko nang magsimula.
"O, Maju. May kailangan ka?" nakangiting tanong ni Coach.
Huminga ako nang malalim. Eto na yun.
"Pwede ko po ba kayong makausap?"
"Oo naman. Tungkol ba saan?"
Kaya mo yan Maju. Sabihin mo na....
"Tungkol po sa ACE player ng team."
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Coach. Pero agad naman syang ngumiti.
"Ace player?"
Tumango ako. "Sino po ba ang Ace player ng team?"
Ginulo ni Coach ang buhok ko.
"Malalaman mo rin... bukas. Sa first game. Tingnan mong maigi. Observe. At kapag nakita mo na, ikaw na mismo ang makakasagot sa tanong mong yan."
Iniwan ako ni Coach na nakatulala. Observe? Ive been observing for how many weeks already. Pero di ko pa rin ma determine kung sino ba talaga... Sino ba sa kanilang lima ang totoong Ace player. Sino ang pinakamagaling?
Si Drei? Ang magaling na captain.
Si Tri? Ang magaling na three-pointer?
Si Hero? Ang malakas at magaling na defender?
Si Lay? Ang magaling sa paghawak at pagpasa ng bola?
Si Alex? Ang nakakatakot na Rookie?
Sino ba? Hay! Nakaka stress naman to!
Napatigil lang ako sa pagmumuni muni nang makita ko si Alexander.
Aba. Ang gwapo nya ngayon, ah. Nakapamulsa ang lalaki. At parang wala sa sarili na nakatingin sa kung saan.
Wala na masyadong estudyante dahil nga time na.. Pero bakit nandito pa ang isang Alexander Carl Evan Lee?
Sinundan ko ang tingin nya. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang elementary na nakayakap sa kanyang papa. Napakasweet ng eksena. Pero sapat ba yun para mapatingin si Alexander?
It is so weird for this cool guy to stare at a father-child moment.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Alex. Saka sya nagsimulang maglakad.
Bago pa ako makapagtago, nakita na nya ako.
Hindi ko maintindihan nang biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko.
Dahil kaya yun sa pagkakatitig sa akin ni Alex?
Nakatingin lang rin ako sa kanya. Pero parang may nag-iba. He was not cool at that very moment. He was gloomy. Malungkot ang aura nya.
Hindi ko alam kung ilang minuto lang kaming nagtititigan. He was so handsome. Bumagay ang coldness niya sa mukha niya.
Ilang saglit lang ay naglakad si Alex habang nakatingin pa rin sa akin. My gosh! Lalapitan niya ba ako at sasabihing napakaganda ko ngayon?! OmG!
Hindi ako mapakali. It was awkward. Hindi ko alam kung iiwas ba ako ng tingin o aalis na. At that moment, nawala ako sa sarili ko. And I dont even know why!
Papalapit ng papalapit si Alex. Andyan na siya! Andyan na siya! Andyan na siya! Andyan na--- teka!
Nilagpasan ako?!
Aba! Snob ang gungong! Hindi napansin ang ganda at cuteness ko?!
"Alexander Carl Evan Lee!" di ko mapigilang tawag ko sa kanya.
Lihim kong natutop ang bibig ko.
Bakit ko siya tinawag?? Syet!
Huminto sa paglalakad si Alex at lumingon sa akin. With a damn blank expression.
Aba! Kung makaasta parang hindi nakipag eye to eye sa akin.
Binigyan niya ako ng tinging nagtatanong.
Hindi ba siya marunong magsalita?!
"H-hindi mo ba ako tatanungin kung bakit kita tinawag?"
Syete! Nauutal ako sa isang Freshman?!
Still with a blank expression.
"Kailangan ba?"
Okay! Two words.. Dalawang salita palang parang natutuliro na ako.
Gosh! Ang gwapo ng voice. Cool and so romantic.
Teka lang! Yamiro Maju! (Stop Maju!) Dont be attracted to a freshman.
Keep your head high. Okay!
"Kausapin mo ako nang maayos. Im your senpai. (senior)" taas noong sabi ko.
"I dont have time." sabi niya sabay talikod.
Okay. Four words. Four plus Two equals SIX! Six words for today.
"Teka lang!" tawag ko ulit.
Sarreh. Feeling ko hindi pa ako kuntento.
Salamat naman at huminto sya pero hindi nga lang tumingin sa akin.
"Good Luck sa... Ahm.. Ano.. Sa .. Ahm... sa .. sa .. oo.. sa... sa first game niyo. Sana manalo kayo. Sige!"
Agad akong tumakbo palayo. Syete ! Bakit ba ako nahihiya! O my! Natapakan na ang aking Pink Pride. Waaaaaaaa!!!!
Huminto ako sa labas ng classroom namin at huminga ng malalim. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil ata to sa pagtakbo ko.
Hay buhay! Ano bang nangyayari sa isang Maju?!
Sobra naman ang epekto ng Lalaking yun sa akin. It was unusual. Ngayon lang ako na-awkward sa isang .... lalaki..
Lalaking Freshman!....
... at lalaking super gwapo.
*****
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?