C H A P T E R O N E
Babe's POV
(Third Person)
"Maju! Tawag ka ni Ma'am. Punta ka daw ng faculty."
Mula sa pagdra-drawing, napaangat si Maju ng tingin sa kaklase niya. Nasa room siya ngayon dahil vacant time nila.
"Bakit daw?"
Kumunot ang mukha ng kaklase niyang tawagin nalang nating King Kang. Mukha daw kasi itong monkey. Lalo pa kung nakabusangot ang pagmumukha nito tulad ngayon.
"Malay ko! Basta sabi niya tawagin daw kita! Alang naman habang pinapatawag ka niya sa akin ay sasabihin niya ang rason. Eh di sana hindi ka na niya pinatawag! Eh di sana ako nalang ang magsasabi sa'yo kung ano ang dahilan. Bwisit!" litanya ni King Kang sabay walk out.
Ang bait talaga ng classmate niya, cool na cool. Mahaba ang pasensya.
Ngumiti siya nang matamis at pinigilan ang sariling manabunot at makapagsalita ng masama sa kapwa.
"Salamat ha! "
Tumayo na siya at naglakad na papunta sa Faculty.
"Hay! Kung hindi lang talaga ako isang anghel baka nasabi ko na ang matatamis na salita sa kanya. Tsk. Tsk." bulong bulong ko habang naglalakad.
"Hi ate Maju!"
"Hi ate Juliana!"
Nginitian niya ang mga bumati sa kanya. Sigurado syang mga lower levels yun na w-in-elcome niya noong First Day. SCO kasi siya. Student Council Officer.
Napakasaya niya ngayon dahil matatapos na ang comics na ginagawa niya. Hindi pa kasi niya masabi kung ano pa ang kulang. Pero sure siya, may kulang talaga. Siguro dahil love story ang comics niya. At wala man lang siyang experience ng love na yan. Pero gusto niyang maka experience. Naniniwala kasi siya sa Happy ever After. At naniniwala siya sa soulmate. Sino nga ka---
"Aray!"
At dahil sa pagmumuni muni ni Maju, di niya napansin ang lalaking nakabunggo niya.
Napaupo siya sa sahig ng hallway dahil nabunggo ng isang malaking tao.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" asik niya.
Enebete. Una si King Kang. Ngayon, isang napakatangkad na lalaki ang nakabunggo sa kanya.
Tumingin siya sa lalaki. Nakatingin din ito sa kanya. Blangko ang mukha na para bang sinasabing 'ang tanga mo!'
Pero teka, hindi ba siya nito tutulungan?!
"Tingnan mo dinadaanan mo." cool na sabi nito.
(O______O)
Rrrrrrrrrrrrrrr!
Nilagpasan lang siya ng lapastangang (chos!) lalaking iyon! Ang kapal! Naiinis na si Maju lalo pang hindi siya tinulungan ng lalaki at tinalikuran pa siya! Hindi ba siya nito kilala? Ano siya, freshman?! O baka naman alien? (My love from the stars?!) Baka transferee!!!
Wala na talagang gentleman sa mundo!!!!
Napatayo si Maju. Susundan pa sana niya ang lalaki pero naalala niyang tinatawag siya ng guro niya.
Rrrrrrrrrrrrrrr!!!
"Bwisit! Pasalamat ka gwapo ka!" nasabi nalang niya at nagmartsa na papuntang Hallway.
***
Maju's POV
"Salvacion Maria Juliana Fate Jane Anne Patricia K. Cruz. Fourth Year Section I. Please seat down."
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?