C H A P T E R F I V E
Maju's POV
Alas tres nang matapos ang klase ko. Umuwi agad si Kazely kaya naiwan akong mag-isa. Imbes na umuwi, naisipan kong pumunta sa GYM. Ang sabi ni Lay, mamaya pa silang alas Four mag pa-practice. Mabuti na ang early worm. Para makapag isip isip ako.
Nang malapit na ako sa GYM, nakakarinig na ako ng ingay ng bola at ng sapatos.
May tao na?
Sumilip ako. Teka, si Tri.
Wala siyang tshirt (w/c is so freaking hot.) Nag eensayo sya.
Tinitigan ko sya. Ang gwapo ni Trinidad Sandoval. Idagdag pa ang abs niya. Wala pa siyang suot na glasses kaya lutaw ang kagwapuhan niya.At ang puti. Shet lang. At in fairness, pinagpapawisan na siya.
*Pooooosh*
Wow! Ang layo niya mula sa ring pero naipasok pa rin niya ang bola.
Siguro napagod na si Tri kaya napaupo siya. Hingal na hingal siya.
Ano bang gagawin ko??!!!
*Pwingggg*
Teka. Ang FBSO.
Paano kung si Tri ang hinahanap ko?
Bahala na.
"Gusto mo?"
Napatayo si Tri nang inabot ko ang isang bottled water.
Nanlalaki ang mata niya. Ano ba to! Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda?
"What are you doing here?" tanong ni Tri. Tinanggap na rin niya ang Mineral Water. "Thanks."
"Naisipan kong pumunta dito para manood ng practice niyo. Wala na kaming pasok kaya pumunta nalang ako agad dito."
Tiningnan lang niya ako sandali. Nginitian ko nalang siya at ginulo ang buhok niya. At dahil matangkad siya, nag tip toe pa ako para maabot ang buhok niya.
"Ano ba?" naiiritang sabi niya.
"Alam mo, ang galing mong mag shoot ng bola."
"Tss. Syempre naman. Ako ang pinakamagaling na shooting guard."
Shooting guard?
"May gusto ka ba sakin?!" nakakunot-noong tanong niya.
Teka, narinig ko na yang linyang yan.
"Bakit ang assuming nyong mga lalaki?!"
Napatawa si Tri. " Nagsasabi lang ako ng totoo. At saka di malayong magkagusto ka sa akin. Anak ako ng may-ari ng paaralang ito. "
A-ano daw?
"Anong ibig mong sabihin?"
Napabuga ng hangin si Tri. "Di ba ate ka ni Leonardo?"
Iniiba niya ang topic.
"Oo, bakit?"
"Ikaw yung 4th year na mukhang grade 4." sabi niya saka tumawa.
Narinig ko na ang linyang yun!!!!
"Oo! 4th year na ako kaya galangin mo ako."
"Hindi ka naman kagalang galang eh. Mukha kang mas bata kesa sa amin."
This is the freaking disadvantage of having a baby face and having a cute height.
"Hmp! Someday, tatawagin niyo akong ate. "
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?